i

151 6 1
                                    

[unedited]
ווו

"Libulan, mahal kong kapatid. May nais akong ihayag sa iyo"

Napatigil si Libulan mula sa kaniyang ginagawa na pag aayos ng sarili. Nilingon nito ang nakakatandang kapatid na si Haliya.

"Haliya, ano ang iyong nais na ihayag? Makikinig ako" mahinhin na sagot ni Libulan

"Kay ganda ng gabi diba? At nais ko sanang samahan mo ako pumanaog sa mundo ng mga tao upang maligo sa batis" nangu-ngumbinsing saad ni Haliya

"Haliya, aking kapatid. Nahihibang ka na ba? Alam mo ba anong mangyayare sa atin pag nahuli tayo na pumunta sa mundo ng mga tao?"

"Saglit lang naman din tayo. At kaya ikaw ang nais ko na isama dahil alam kong mahal ka ni ama at hindi ka nito sasaktan kahit na sumuway ka"

"Mag hunos dili ka Haliya. Mahal tayong lahat ni ama at walang lamang"

"O papayag ka na ba. Pinapangako ko at hindi tayo magtatagal doon"

-

"Mr. Marasigan, are you sleeping in my class?"

Napa angat ako ng ulo mula sa pagkalugmok nito sa armchair at alanganing ngiti ang ginawad sa teacher kong si Sir Catacutan.

"Hindi po sir, hehe" nahihiyang sagot ko dahil sa tingin ng mga kaklase ko

"Really? Then if you are listening can I ask you Haliya is a goddess of what?"

Napaisip ako, naalala ko na Philippine Mythology nga pala ang lesson namin ngayong semester. Agad akong tumayo at naghanda para sagutin ang tanong ni Sir Catacutan.

"Haliya is the masked goddess of the moon and the arch-enemy of Bakunawa and also the protector of the moon deity, Libulan" magalang na sagot ko

"Good Mr. Marasigan, and how about Libulan?"

"Libulan is the most beautiful among the moon deities and also believed that he can tame any monsters and animals because of his beauty"

"Amazing Mr. Marasigan, you know well about Philippine mythology. And that's all for today class. And before I forget, study everything may quiz kayo pag balik niyo sa monday. Goodbye" sakto naman at tumunog ang bell.

Ano ba yan, masaya na sana dahil weekend na kaso may mga teacher talaga na kasiyahan na ata ang pahirapan ang mga estudyante. Pero laban nalang. Hays

Panghuling subject ko si Sir Catacutan sa araw na ito kaya agad akong nag ayos ng aking gamit at nag desisyon ng umuwi na.

Thanks God it's friday. And since friday, half day lang ang klase and may time pa para umuwi ng probinsiya.

Matagala na rin bung huling bisita namin kanila Lola. Siguro mga 7 taon na rin. Sinikap namin ni Mama na umuwi ng probinsiya para bisitahin ang Lola ngayon.

Nasa 4 hangang 5 oras lang ang biyahe pa uwi ng probinsiya. Pag masikip ang daloy ng trapiko, tiyak na gagabihin

Miss ko na lola ko pati mga kwento nito.

Actually kampante ako na tulugan ang klase ni Sir Catacutan kasi halos na i-kwento na sa akin ng lola ko ang tungkol sa mga diyos at diyosa na namumuno noon sa isla ng Pilipinas bago pa dumating ang mga mananakop.

"Buti naman maaga ka naka uwi. Di na tayo magtatagal na-iligpit ko na mga gamit natin. Tulungan mo nalang ako mag pasok nito sa sasakyan" sabi ni Mama

"Sige po" simpleng sagot ko

"Dapat maaga tayo makaalis. Para kahit ma traffic tayo maya, hindi tayo aabutan ng dilim sa daan. At drive thru nalang lunch naten. Ayos lang ba?"

"Okay lang Ma. Excited na akong maka rating. Kasi nangako ang Lola na may sasabihin siyang sikreto sa akin" puno ng galak na saad ko

"Naku, alam ko na yan. Ang kwento tungkol sa diyos na si Bulan. Hindi ba? At isa pa, hindi ba parang ang tanda mo na para mawili sa mga kwentong ganiyan?"

"Mama naman, wala yan sa edad. Basta gustong-gusto ko talaga ang kwentong yun"

"Alam ko dahil tulad mo gustong-gusto ko rin ang mga kwento ng lola mo"

Dumaan kami ng Jollibee para bumili ng aming lunch. Napag desiyunan narin namin na sa sasakyan na kumain. Sinusubuan ko si mama habang nag mamaneho ito.

"Siya nga pala anak, isang linggo nalang at bakasyon na. Ayos lang ba na hindi muna tayo gagastos ng malaki para sa bakasyon natin? Naisip ko lang na sa probinsya tayo ng Lola ulit mag babaksyon. Alam mo naman may pinag iipunan tayo diba?"

"Naku ayos lang naman Ma, gusto ko nga iyon eh. At isa pa, maraming pwedeng libangan sa probinsya" sinserong sagot ko

Dalawa nalang kaming mag kasama sa buhay ni Mama. Namatay ang Papa ko dahil sa heart-attack.

At talagang may pinag iipunan kami ni Mama dahil gusto namin bumi ng sariling bahay dahil nakakapagod mag bayad ng upa sa tinitirhan namin ngayon.

Hindi naman kasi gaanong malaki ang sahod ni Mama since isa siyang nurse sa isang private na elementary school sa lugar namin. Kaya nai-intindihan ko ang mga desisyon niya.

"Medyo mahaba pa anh biyahe nak. Matulog ka kaya muna" suhestiyon ni mama na agad ko ding sinang ayunan

Na alimpungatan ako ng maramdaman kong umaalog ang sasakyan. Agad akong napatingin sa paligid namin.

Malapit na kami sa lugar nila Lola. Ilang kanto nalang ang dadaanan.

"Buti at gising ka na. Sakto lang ang dating natin at hindi tayo ginabi sa daan"

Napatingin ako sa wrist watch ko. 4:45 pm na. Mula sa kinalalagyan ko, tanaw ko na ang bahay ng Lola ko.

May kalakihan din ang bahay nila Lola since ancestral house talaga ito na minana pa sa mga ninuno namin..

Ng huminto ang kotse agad kong hinablot ang bag na dala ko at tumakbo papasok ng bahay. Tanaw ko ang lola na pababa na ng hagdan.

"Lola ko" tili ko sabay yakap ng mahigpit

"Nakung bata ka. Buti naman at ligtas kayong nakarating. Oh sige ihatid mo na iyang bag mo sa kwarto mo, ipinalinis ko na iyon" wika naman ng Lola

"Sige po" tanging sagot ko at humalik sa pisngi neto

Nakita ko naman na pumasok na rin ng bahay ang Mama kaya agad akong tumuloy sa kwarto ko at nag palit ng damit.

Tanaw sa kwarto ko ang kakahuyan na sakop ng lupain namin. May batis sa gita ng kakahuyan at yun ang paboritong lugar ko. Naliligo ako doon sa tuwing bumibisita kami dito sa probinsya.

Pagkatapos ko mag bihis napag desisyunan kong mag libot sa labas ng bahay. At sinigurado kong sakop parin iyon ng lupain namin.

Sa pag iikot ko, may naririnig akong kaluskos at ingay ng mga hayop aa paligid.

"Siya na ba iyan?"

"Oo sigurado ako"

"Ang gandang bata"

"Sino yan? May tao ba diyan?" agad kong nilibot ang aking tingin sa paligid. Dumidilam na.

Sino ba kasi ang nag mamay ari ng mga boses na iyon.

"Neo! Neomea, diyos kong bata ka. Gabi na at bakit nandito ka pa sa labas? Kanina ka pa hinahanap ng iyong Mama at Lola. Halika na at nakapag handa na kami ng hapunan" ani Nanay Laura

"Nanay Laura, may naririnig po akong mga boses kanina kaya hinahanap ko po"

Napansin ko ang pagka balisa ni Nanay Laura, at agad nitong nilibot ang paningin sa palibot.

"Naku wala lamang iyon. Halika na" wika ni Nanay Laura at hinila na ako pa alis sa lugar na iyon.

וווו

LibulanWhere stories live. Discover now