Prologue

18 0 0
                                    

Prologue

10 minutes! 10 more minutes. Bulong ni Joy sa sarili at pinagpatuloy ang ginagawa.

"One coffee for Sir Coco Martin!" sigaw ng barista. Napalingon ang lahat para makita kung sino ang umorder. Napatawa pa ang iba sa kung sino ang lokong iyon.

Maliban kay Joy. Napatigil at napako lang ang tingin sa screen ng laptop. Imposibleng siya ýon. Madami naman ang gumagawa nun eh. Ang iba pa nga Lady Gaga or Justin Bieber ang ginagamit na pangalan sa pag-order.

She hates herself and those little things that remind her of him. She hates herself for still feeling the pain. Kasalanan niya naman diba? She was the one who decided to end everything kaya wala siyang karapatan masaktan.

Huminga nang malamin, pilit na pinapakalma ang sarili. Kaunti nalang at matatapos na niya ang sinusulat. Tumingin ulit sa relo. Pero alas Nuebe na, isang oras bago ang meeting nýa sa isang kliyente. Kailangan niya nang umalis kung ayaw niyang ma-late dahil sa traffic.

Sinara na niya ang laptop at nagmadaling lumabas sa coffee shop. Hindi siya pwedeng ma-late sa meeting na iyon. Ang hirap pumara ng taxi kapag ganitong oras. She's trying to save her battery sa phone kaya she didn't turn on her data to book a grab pero walang humihinto sa kanya kaya bahala na kung ma-deadbatt basta 'wag lang ma-late. Makakacharge naman siguro siya doon.

Tangina naman kung kelan nagmamadali. She muttered to herself.

Baks, dala mo ba yung copy ng script mo???

Tanginang Karina, hindi dinala yung kanya!

ANDITO NA SI MADAM! MUKHANG GALIT NA. TANGINA TALAGA. IPAGPRAY MO NALANG NA SUMALANGIT ANG KALULUWA KO, JOY.

Sunod-sunod na chat ni Lori kaagad ang nabasa nang i-on ang data ng phone. Tanginang buhay to. Lunes na Lunes pero pang buong linggo na ang sakit ng ulong dama niya. Napapikit nalang siya at tumingala. Ikaw tangina ka rin. Napamura nalang siya sa araw. Hindi pa naman kasi tanghali pero tapat na tapat na ang sikat nito. Pawis na pawis na siya.

Buti nalang at dala niya ang kopya ng script-

SHIT. Could this day be any worse? Bahagya na siyang tumatakbo pabalik sa coffee shop. Na-realize nyang dala-dala na nya ang laptop at hindi ito nakalagay sa laptop bag. Lahat ng files niya andoon. Ang script, ang proposal at ang...planner.

Pagkarating n'ya sa coffee shop, dumiretso kaagad s'ya sa table kung saan s'ya umupo. Nasaan na? Wala na doon ang bag. Sigurado siyang dala niya 'iyon papunta rito. Nakaramdam ng pagkahina, naupo ito. Shit. Sigurado ako.

She glanced at other tables hoping to see it. Hindi kaya nanakaw na yun? May kumuhang iba? She shook her head, trying to erase the thought that someone stole it. Wala namang halaga yun para kunin ng iba. Pero sa kanya, that bag is important. More than her files and the script, alam ni Joy kung bakit n'ya iniiyakan ngayon yung bag na yun.

She can't count how many times she tried to get rid of it and how many times she failed. Even though she hasn't opened it for years, alam na alam niya kung ano ang mga nakasulat doon. It was a reminder of how awful of a person she is.

She came fifteen minutes late sa meeting n'ya with the Humanities and Letters Dean ng Ateneo de Davao University. Good thing, the dean was 30 minutes late so nauna parin s'ya ng dating.

"Thank you for accepting this project, Ms. Buenaflor. You were the first person in mind when this project was presented to me. Ikaw lang ang naisip kong makaka-pull off nito." Dean Christopher Salazar shook my hand to close the deal.

"My team and I will do our best po, Dean. Thank you for entrusting us this project," Nginitian n'ya si Dean Salazar. The first time she genuinely smiled today. Isa to sa mga pinakamalaking project na nakuha nila ngayong taon.

She stayed up the whole night working on the project they got from the Humanities Department ng ADDU. She needs to come up with fresh ideas. The last time they had a story conference, the producers didn't like her presentation. Sabi nila, the stories were too detached. Whatever that means, she needs to step up her game kung ayaw n'yang maiwan sa mga kasabayang director.

After writing 3 proposals, nakaramdam na siya ng pagod. Tatlong araw na pala siyang walang saktong tulog.

Stories that inspire other people. Oo nga, that's what he would always tell her. We don't make stories for the people to read and then forget. Make your stories a conduit for evolving consciousness.

She got her phone and opened twitter, her only sns account that she actually uses. Her safe space dahil hindi naman siya pina-follow ng mga katrabaho dun.

"Umuulan nanaman" She tweeted.

Opened spotify and played a playlist by a random person na naka-follow sa kanya. She's too lazy to create her own. First song was Ben&Ben's Sa Susunod na Habangbuhay.

She lied down and hugged herself.

Hindi ba pangako mo nu'ng una

Tiwala'y iingatan?

Baka naman, sa susunod na habang-buhay

A single tear fell off.

At kahit nabago na ng oras

Ang puso ma'y nabutas

Ikaw parin sa susunod na habang-buhay

She gave in to her emotions. Ngayon lang to ha dahil pagod lang ako. She told herself not knowing who it is she's fooling. Pagod saan? Sa trabaho? O sa pag-iwas sa nararamdaman? Hindi din siya sigurado

Another breakdown, this is what she's been avoiding.  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rain and SunshineWhere stories live. Discover now