Epilogue

11.6K 293 61
                                    

Again, thank you so much for reading. One more Summer and Surrender is now available. Please support me again! Godbless. Thank you so much. xoxo

__________________________

Epilogue

Lumunok sya. “Marry me again. Honeybee. And this time, let’s make our relationship last, until forever.” Sabi nya.

Walang humpay na tumulo ang luha sa mga mata ko. I’m lost for words, hindi ko alam kung anu ang dapat kong sabihin sa kanya o kung sa paanung paraan ko sya dapat sagutin ngayon ito ang pangalawang beses na lumuluhod sya sa harapan ko para tanungin kung gusto ko syang pakasalan.

“B-brian..” Ani ko, umiiyak.

Nangislap ang mga mata nya dahil sa mga flash nang camera. I can’t just let go of his gaze, nakikita ko sa mga mata nya ang matinding pagmamahal at pangamba. Ngumiti ako at dahan-dahang tumungo-tungo sa kanya.

“Go, Chris!” dinig kong sigaw nang mga kaibigan namin sa ibaba.

Nagpunas ako nang luha pagkatapos ay inilahad ang daliri ko sa kanya.

“I love you, and yes, I’m going to marry you again.” Ani ko.

Nakita kong tumulo ang luha sa mga mata nya bago tumayo at pinadulas ang isang magandang singsing saking dalawa. Napatakip ako sa bibig ko dahil walang pagsidlan ang kaligayahan ko ngayon.

“I love you. I love you. I love you.” Paulit-ulit na sabi nya habang hinahalikan ang aking daliri. Suminghap ako pagkatapos ay tumungo-tungo sa kanya.

Para ako ngayong nasa langit dahil sa sobrang saya, nakalimutan ko na atang may mga tao dito at hindi na nagfunction nang maayos ang utak ko, wala na akong pakialam sa nagkakagulong mga media at ilang ulit na pagflash sa amin nang camera. Kung hindi ko pa nadinig ang kanchaw nila Ella sa akin at hindi ko pa ako magigising sa katotohanan.

“Let’s go.” Aniya at hinila na ako.

Nang balingan ko nang tingin si Mr. Beufort at ang mga board at nakangiti itong lahat sa amin. Nang lumakad ang mga guards papunta sa amin ay alam ko na kung anung mangyayari, Brian wants us to escape.

“Wait, Mr. Fuentes!”

“kahit isang interview lang po!”

“Mr. Christina!”

“Can we take another-“

“Shit. Neill!” ani ni Brian.

Lumakad si Neill papunta sa amin at binigay kay Brian ang kambal.

“Daddy!” ani ni Ax.

“It’s okay Baby.” Ani ni Brian.

Agad kaming pinaligiran nang mga guards pagkatapos noon para protektahan kami.

In a Relationship with a DEVIL Book III - Fall into PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon