Chapter 3

1.1K 53 62
                                    

Chapter 3

Nang marinig niya ang tanong ko ay umatras siya at binitawan niya ang dalawang hita ko para ibaba na ako. Ngunit hindi ako pumayag. Niyakap ko ang leeg at baywang niya gamit ang paa at kamay ko.

"What the..." Nakakunot noong sabi nito habang napaatras na sa mismong rooftop kaya nasara na ng tuluyan ang pinto. Napahawak narin siya pabalik sa hita ko at nagkagat ng labi. "Damn it. Bumaba ka na." aniya kahit na sinusuportahan parin ako.

I raised my eyebrow. "Why would I? Ikaw ang unang bumuhat sa akin kaya bakit ako bibitaw?" Nakangiting sinabi ko habang ang buhok ko ay natatakpan na ang mukha niya dahil sa hangin.

Inalis ko ang nakaharang kong buhok sa mukha niya kaya hindi ko naiwasang mahawakan ang pisngi niya. Umiwas siya ng tingin nang gawin ko iyon.

Oh, isn't he cute? He makes me wanna tease him.

Sinuklay ko ang buhok niya. Ang hangin ay hinahampas na ang buong katawan naming dalawa. Hindi parin siya nakatingin sa akin pero hinahayaan niya ako. Napangiti ako habang tinitignan siya. Habang ginagawa ko iyon ay nawala ang bigat sa dibdib ko, ngunit ramdam kong namumuo ang luha sa mga mata ko. Bago pa man niya makita iyon ay isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya para yakapin siya.

Hindi siya kumibo sa ginawa ko at tahimik lamang na hinahayaan ako.

Nasa roof na kami ngayon ng pinto, kung saan siya tumatambay. Nakahiga siya habang ako ay pinupunasan na ang luhang kakatapos ko lang ibuhos.

I feel so refreshed after crying all my problems. I don't cry that often... or should I say, I don't cry easily. But this guy, we are not close or anything. Ngunit alam niya ang sekreto ko kaya siguro naging komportable akong umiyak sa kaniya. Lalo na at ang tayo niya ay mukhang alam mong hindi mahilig magkalat ng sekreto. In short, he looks like he doesn't care at all.

Nilingon ko ang banda niya. Nakahiga siya at ginawa niyang unan ang uniform niya. Naka puting t-shirt lang siya ngayon.

I tapped his shoulder. Napamulat siya sa ginawa ko. Ipinakita ko sa kaniya ang dalawang daliri ko at idinikit sa aking labi. He closed his eyes, ignoring my request.

Ugh! I think I'm not gonna make it. I really need a smoke.

"Just one stick. Please?" Pakiusap ko at nakaluhod na nakaupo sa harap niya. Tinagilid niya ang ulo niya sa kabilang banda. I faked a cry, but he won't even look at me. Damn it. It's mine! Why do I have to beg like this? "Ang sama mo! Hindi naman sa iyo. Tss. Ni hindi mo man lang ako tinahan nung umiyak ako. Tapos ngayon pati isang sigarilyo 'ko', hindi mo man lang maibigay!" Pabulong bulong na reklamo ko.

Napamulat na siya ngayon at seryosong tinignan ako. "Miss Wilsright, if you want my comforting words, I can't give you that. I know you are just going to fall in love with me and if that happens, I will be unable to catch your feelings. I have someone in my heart, so please take care of yourself," He said all that without looking away. "And lastly, you shouldn't smoke, because it's bad for your health. If I caught you once again, I'm going to tell the student council about this." He warned.

Fall inlove? Kanino? Sa kaniya? He's one of an arrogant guy! As if!

Oh... but he has someone in his heart? So, may girlfriend nga siya? Then, the kiss... it was not his first kiss?

Umayos ulit ako ng upo at naka-focus na sa kaniya ang atensyon.

"Hey... you know, I thought it was your first kiss...?" kuryosong tanong ko. Biglang napaiwas ng tingin ang mga mata niya kaya unti unting napaangat ang gilid ng labi ko. "Right? Right? I stole your first kiss, right? Oh no, my friend! No worries, no worries! It's my first kiss too!" Hindi ko mapigilan ang tuwa sa boses ko nang sabihin ko iyon sa kaniya.

The Bad Boy King FerrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon