ilong 3 - Ang Pabitin... bow!

184 3 0
                                    

Edi ayun nga, natuloy kami sa pagpunta ng BTS Fiesta.

11 AM dapat magkikita kami ni Given at Mae sa Mcdo sa VMall. Pero putek, nung tinext ko yung dalawa... Hay!

"San ka na?" text ko kay Given at Mae

Kasama ko na din pala dito sa Mcdo yung pinsan ko na ARMY din.

"Malolos pa. Tagal ng bus eh... hehe" reply ni Given sa text ko.

HALA!

"Ngayon pa lang ako maliligo hahaha!" pati ba naman si Mae?!

Putek tong mga to! HAHAHA!

"Osige na text ka pag malapit ka na" reply ko kay Given.

After 30 minutes naman dumating na si Given pero si Mae wala pa din.

"Nasan si Mae?" -Given

"Wala pa. Mauna na daw tayo." -Ako

"Bakit daw?" -Given

"Nung tinext kita nun pa lang sya naliligo." -AKo

"Ahhh okay! Tara na?" -Given

Umalis na kami sa Mcdo kasi ayoko magcommute ng tanghali kasi ang init!

Dumating kami ng Q. Ave para hintayin si Jenny. Umalis kami sa Mcdo sa VMall para pumunta sa Mcdo sa Q. Ave. Galing! hahaha. Pero mainit kasi sa labas kaya pumasok na lang kami. Tsaka di ko na matandaan kung pano pumunta sa Amoranto T.T

"Uy may wifi!" Sabi ni Given.

"Ayan isearch mo kung pano pumunta ng Amoranto!" Sabi ko nung umupo kami.

"Di ba tayo bibili? Nakakahiya tatambay lang tayo." -Given

"Edi bumili ka." -Ako

"Ayoko busog pa ko hahaha" - Given

"Ralph, bili ka nga ng sundae." -Ako

"Libre mo ko?" - Ralph

"Tut mo. Ako na nga nagbayad ng pamasahe mo eh. Sige na sige na." -Ako

Pag punta ni Ralph sa counter, dumating naman si Jenny. Naka suot yung Taehyung na cap nya. Kinuha ko tsaka sinuot. Pero kiinuha din ni Given sakin.

Nagulat na lang kami nung biglang dumating si Ralph dala yung dalawang sundae na naka yuko.

"BAkit?" -ako

"Nakita ko nung mga lalaki sa likod na nakatingin sa kanila" - Ralph

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" - Kami ni Given at Jenny.

Pagkakain namin tsaka pagkatapos magpicture picture, umalis na kami para hanapin yung venue.

Nasakay kami ng jeep papuntang Fisher Mall, pero di pa din namin alam kung pano pumunta. Buti na lang may mabait na mag asawa na nagsabi kung pano pumunta.

"Baba lang kayo ng Pantranco. Tapos lalakadin nyo na lang yung Amoranto." Sabi nung  lalaki.

"Sige po. Salamat po!" -Given

Bumaba kami ng tapat ng Fisher Mall tapos lumipat kami ng side kasi sa kabilang side ng Fisher Mall yung way papunta ng Amoranto.

May nakita kaming mga ARMY din kaya sinundan namin sila.

Di din nagtagal, kahit nakakapagod,  nakadating kami ng Amoranto.

YESSSSSS!!!!

Bumili kami ni Given nung 28 Black na energy drink para sa raffle. VIP din yun sayang. Tapos nag ikot kami para maningin ng merch.

Ilong ni Jungkook (BTS Fanfic)Where stories live. Discover now