Kislap

0 0 0
                                    

'Bakit?', unang tanong na pumasok sa isip ni Roxanne sa pagpasok nila ng abandonadong pabrika. Tumambad sa kanya ang napakaraming trabahador na gumagawa ng hindi na mabilang na iba't ibang klase ng pinagbabawal ng gamot. Hindi nya lubusang maisip kung bakit nagawa ito ng kanyang mga magulang, 'kulang ba kami sa aspektong pinansyal?', 'namana rin ba nila ito mula sa kanilang magulang?', napakaraming tanong ang umiikot sa isip ni Roxanne na mga panahong iyon. "Anak may problema ba?" sabi ng ina ni Roxanne, nang mapansin ang pamumutla ng anak. "Ahh wa....wala po ma, i'm just glad na pumayag kayong itour ako dito and di ko maipagkakaila Ma, napakaganda ng facility nato, di ko inexpect na ganitong kalawak ang kapangyarihan nyo regarding on illegal drugs ".

"Mabuti naman kung ganon Roxanne, and by the way maari muna ba kitang iwan saglit, I just need to fix something". "Ooh wait let me guess, it's about the Chinese transactions right?", wika ni Roxanne. "And how do you know about that?", pagtataka ng ina. "Mom, don't worry okay. You can trust me, at para sagutin ang tanong mo I just overhead your conversation the last night". "Okay, go tour yourself around but don't go near that area", sabi ng ina ni Roxanne sabay turo sa hagdan na patungo sa ilalim na parte ng pabrika. "Sure mom, I can handle myself". "Sige just wait for me, mabilis lang 'to". Sa pagtalikod ng ina ay di napigilang tumulo ang mga luha sa mata ni Roxanne, sinundan nya ng tingin ang kanyang magulang hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. "Roxanne, don't cry you have a mission kailangan mong gawin yon para sa kanila okay, tatagan mo ang loob mo kaya mo yan", wika ni Roxanne sa kanyang sarili.

Nagsimulang mag- ikot sa pabrika si Roxanne iba't ibang mga klase ng droga ang kanyang nakikita. At di rin nakawala sa kanyang mata ang mga mayayamang opisyal na nagmamasid rin sa loob nito. At sa hindi namamalayang paraan ay napunta siya malapit sa hagdan na itinuro sa kanya ng ina. Tumingin sya sa paligid upang siguraduhin kung walang nakakakita sa kanya, sinimulan nyang bagtasin ang daan pababa. Maingat ang kanyang bawat paggalaw, kasabay nang kanyang paghakbang ang pagbilis ng pintig ng kanyang puso. Sa pagdating nya sa ibaba tumambad sa kanya ang isang malaking monitor na nagpapakita ng mapa ng buong mundo, at mga linyang wariy nagdudugtong sa mga ito. Napansin nyang ang lahat ng linya ay nagtatagpo sa isang lugar, ang lugar na kinatatayuan niya. Dito napagtanto ni Roxanne kung ano ang ibig sabihin ng mga linya sa bawat bansa, natagpuan na nya ang puso ng transactions at kailangan na lang niyang isaksak ang drive na binigay sa kanya ng organisasyon.

Bigla syang nakarinig ng mga yabag mula sa itaas, namutlang muli si Roxanne, naisip nya na nabigo na nya ang grupo. Tahimik syang nagtungo sa isang sulok at tiningnan kung saan nanggagaling ang yabag at sa kanyang pagkagulat ay mula ito sa kanyang ina. "Hindi bat mariin kong sinabi sayo na huwag kang pupunta rito?!", di na sinubukan pang magtago ni Roxanne at hinarap nya ang ina. "Ma, hin......hindi ko sinasadya, sa pagiikot ko kasi ay masyado akong nahumaling sa pasilidad, at hindi ko napansin na ang hagdan palang inyong sinasabi ang aking napuntahan. Ma naman eh masyadong maraming hagdan sa loon ng pabrika eh alam nyo namang makakalimutin ako diba?", dali- daling pagdadahilan ni Roxanne. "Ganun ba?, sige umuwi ka na, susunod na lang ako. Mag- ingat ka sa daan".
Nagpaalam na ang dalawa at bago tuluyang bumalik ng bahay si Roxanne ay sinulyapan nyang muli ang lugar na sa pagdating ng oras ay magdadala sa kanila sa kaguluhan.

SilakboWhere stories live. Discover now