Kabanata 2

17.8K 408 26
                                    

Kabanata 2

Lips

Matapos ang nangyaring halikan kanina, umalis ako ng faculty at hinanap ang mga kaibigan ko.

Yes. Himala at nagkaroon ako ng mga kaibigan dito, noong senior high kasi ako halos wala akong kaibigan lalo pa ang mga babae. I always think of them as rivals. Envy with my beauty and intelligent. Well, sino ba naman kasi ang aayaw sa akin? Maganda na matalino pa!

Kaya hindi na ako magtataka kung bakit sa lahat ng pagkakataon wala akong naging kaibigan. Ngayon ay meron na, I have this five beautiful friends pero yung isa medyo tiklop kasi lalaki siya at nagkakagusto din sa lalaki. Bali anim kaming lahat, may isang nakahalo na bisexual.

I have first friend Lyke Jane Toribio, the nerd one. Paano kasi may salamin siya, ang sabi'y nahihirapan siyang makakita. Second is Lucy Marie Tapaoan, the girl who fond of different liptint. Yes, ang sabi niya sa amin iba't-ibang teacher ay iba't-ibang color ng liptint din. Iba rin eh!

Third friend is April Joy Jacutina, the most cold woman. Walang pakialam sa nangyayari, siya yung pinakamabigat na kaibigan namin. Fourth friend is Pearl Angelika Boone, the big one. Yes, mataba siya pero mabait naman. And last, our king but also queen is Dom Sonayo, also known as Dominador Jerauld Sonayo the complicated human. Hindi niya maintindihan ang sarili niya, minsan gusto niya ang babae, minsan naman ay mahal niya ang lalaki. Basta magulo siya, magulong-magulo.

They are my friends. They are simple but incredible. They are kind and jokers. Hindi man sila perpektong kaibigan, ngunit totoo sila. They showed me how being loved by a friends, they let me feel being not alone. Na sa buhay, may taong magpapasaya sayo at raramay sa oras na pagod ka at nalulungkot ka. They are the best gift that God gave to me.

We are known as The Pokers. Labanan ng mga Pokers. May iba't-ibang drama kami sa buhay pero nagkakaisa at nagtutulungan.

Tulad nalang ngayon, inis na inis itong lalaki naming kaibigan dahil yung crush niyang IT student ay may girlfriend pala. Oo, bisexual siya at nagkakagusto sa lalaki. We are blessed having this kind of friend, maalagain, mabait at higit sa lahat siya yung nagbibigay ng ingay sa buhay namin.

Napanguso si April dahil sa pagmumukmok nitong kaibigan namin. Nandito kami sa IGP at kumakain.

"Paano kasi lahat ng maputi at mataas crush mo, grabe ka Dominador kulang nalang lahat ng lalaki dito gusto mo na." Inis na sambit ni April.

Umirap si Dom at napanguso. Grabe hindi nga niya alam yung pangalan ng crush niya eh, sa dami ba naman hindi na niya nakukuha ang pangalan.

"Wag mo akong itulad sayong manhid at walang pakialam sa mundo. Naiingit kalang dahil yung ka mutual mo nawala at pinaasa ka lang.." Inis ding sabi ni Dom.

Walang naging reaksyon si April at kumain nalang ng pancit. Tumatawa lang ang tatlo ko pang kaibigan at hinayaan ang dalawa. Inabot ko ang lemon juice na binili at ininom. Nang ilapag ko sa lamesa ang juice, napangiti ulit ako nang maalala ang labi ni baby sir.

Akala niya hindi ko ulit siya mahahalikan ah! Neknek niya, araw-araw may halik ako sa kanya. Akala niya matatakasan niya itong kamandag ko, pwes malaking hindi. No one can resist my charms, my lips and my face. No one.

Napatingin ako sa tatlong kaibigan na nakaharap sa akin, makahulugan ang tingin na binibigay nila sa akin. Alam kong may hinala sila sa nangyari sa akin, at kung bakit ako nakangiti ng ganito.

"Tell us what happened.." Hindi nakapagpigil tanong ni Lyka.

Ngumisi ako sa kanila bago bumuga ng hangin. Sa lahat ng lihim ko, silang lima lang ang nakakaalam. Tungkol sa pagkagusto ko sa teacher namin at ang ginagawa ko para makuha ang kinababaliwan ko.

Owning My Hot Professor (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now