Chapter 1

501 11 14
                                    

WARNING: This story contains many errors, typos, and loopholes. I'm not a professional and still learning as an Author. So, if you are perfectionist. At least, aware ka na may mga mali talaga dito. God Bless!

*****

Sabi nila True love comes unexpectedly. Well, sabi-sabi lang naman iyon ng matatanda. Minsan naman sa mga wrong grammar na quotes ko nababasa iyon. Pero para naman sa akin, darating ang LOVE kapag handa kana o kaya oras na para magmahal ka.

Parang si kamatayan lang, bigla mong masasalubong pag oras muna talaga.

Wala naman rin naman tayo sa fairytale para magkakaroon ng happy ending e. Iyong tipong pupunta kalang sa party e, bigla kang magkakaroon ng isang gwapong prince charming.

O kaya bigla kang may mababangga tapos siya na pala ang para sa 'yo. Naku! Walang ganoon sa panahon ngayon. Minsan nga magugulat ka nalang, naging kabit kana pala hihi

Napabuntong-hininga nalang ako habang nagtitinda nang torotot. Ang buhay nga naman, parang life! Iyong iba ay enjoy na enjoy this Christmas pero, ako nagpapaka-hirap para lang kumita at makakain.

"Torotot po kayo! twenty -pesos nalang po iyong maliit." Sigaw ko habang nagbebenta. Ang hirap naman kasi pag sidewalk, tudo takbo ka nalang talaga pag nandiyan iyong mga nanghuhuli. "Bili na po kayo! Mura nalang kuya!" Sigaw ko habang may nakapark na sasakyan sa harapan ko. Tinted iyong glass kaya hindi ko alam kung may tao sa loob o wala.

"Bili na po kayo!" Sigaw kong muli habang nakatingin sa kotse. Hindi naman kasi traffic, kaya siguro bibili siya ng aking torotot.

"Magkano po iyan, Ate?" Napasulyap ako sa batang nagtanong sa akin. "Twenty nalang po. Bili ka ba?" Mabilis na tumango ang bata at binigay iyon sa kaniya.

"Merry Christmas and Advance Happy New Year!" Nakangiti kong saad rito. Muli kong sinulayapan ang kalsada ngunit wala na do'n ang sasakyan.

"Sayang naman! Mukha pang bibili iyon." Nakanguso kong sabi, "Kuya, bili kana po." Muli kong sigaw sa mga taong dumadaan, "Sige ka wala kang torotot sa New Year!" Napabuntong-hininga akong naupo sa gilid ng kalsada. Ang hirap kaya kumita ng pera, lalo na pag-ganitong Christmas. Nakatayo sa kalsada habang sumisigaw. Wala kang choice kasi baka wala kang makain at ang pamilya mo.

"Bili na-" Natigilan ako nang magsitakbuhan ang ilan sa mga nagtitinda.

"Huli! Huli!" Sigaw nang ilang nagbebenta.  Tatakbo na sana ako nang bigla akong matumba dahil muntik na akong masagasaan! Bigla ba naman may humarang na kotse sa tapat ko.

"Ano ba?! Papatayin mo ba ako?!" Inis kong sabi at kinatok ang bintana ng sasakyan. "Hoy----" Natigilan ako nang biglang magbukas ang bintana nito.

"Miss, hindi ka naman nasagasaan." Masungit nitong sabi.

Napabuga ako ng hangin at inis na tumingin kay Kuya, "Gago ka ba? Kailangan ba may masagasaan ka muna bago ka bumaba riyan sa kotse mo?! You stupid rich don't know how you respeted me!" Kumunot ang noo ni Kuya Halatang hindi nakuha ang sinabi ko. Sayang naman 'tong si Kuya, guwapo sana kaso bobo sa English!

"What? Miss, I have an important things to do." Isasarado na sana niya ang bintana nang harangin ko ito.

"Nasagasaan mo ang ilan sa paninda ko! Bayaran mo muna iyan." Halata ang inis sa mukha niya pero, wala akong pakialam! Wala na nga akong benta, sinira pa.

Atty. Deezer Is My Permanent Mark - (This Love Series - 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon