Episode 22 "Mad"

5K 162 14
                                    

{Grace Celestine's POV}


"Mamimiss kita Grace"madamdaming salita ni ma'am Azula habang ito ay nakayakap sa akin, ngumiti naman at gumanti sa yakap ng ginang sa akin.

"Mamimiss din kita ma'am Azula"nakangiting sagot ko, humiwalay na ito sa akin dahil hinila ni sir Poul ang ina at ito naman ang yumakap sa ina.

"Mom! I'm gonna miss you"natatawa at malambing na salita ni sir Poul sa ina at nagyakapan sila.

"My baby son! Update mo ako kung mag-aasawa kana, okay? saka kana bumalik sa pamamahay na ito kapag may dala-dala kanang babae na aasawahin mo"biro ng ginang sa anak, ngumuso naman si sir at natatawa sa ina saka sinulyapan ako ng tingin.

"Ehmmm"tikhim ng kapatid kung si George sabay akbay sa balikat ko kaya napatingin ako sa kapatid, nakangisi nito akong tiningnan ng kapatid ko, parang may gustong iparating ang kanyang ngisi, kinunotan kulang ito ng noo.

"Anong tingin yan George?"takang tanong ko.

"Nothing ate"nakangising sagot ng kapatid ko.

Hinayaan kunalang ang kapatid ko sa paraan ng pag-ngisi niya dahil hindi ko magets.

Binaling kunalang ang tingin ko sa mga classmates at teacher ng kapatid ko, isa-isang nag-paalam ang mga ito kay ma'am Azula.

"Bye ma'am Azula"sabay sabay na paalam nina George at ng mga classmates niya, sumakay ang ibang classmates ni George sa isang kulay puting Van at nag-paiwan si George dahil hindi na daw sila kasya.

Nag-paalam narin kay ma'am Azula ang limang mga guro at nakipag-beso beso ang mga ito sa ginang, pagkatapos ay sumakay ito sa isa pang kulay asul na Van.

At kami naman ng kapatid ko ay doon daw kami sasakay sa kotseng kulay gray na pagmamay-ari ni sir Poul.

Nakasakay na kami ni George sa kotse ni sir Poul, katabi ko si sir Poul sa driver seat dahil ito ang sabi niya kanina, at nasa backseat naman si George na malaki ang ngisi sa labi, kanina kupa yan napapansin ang kakaibang ngisi ng kapatid kung yan.

"Bye! balik kayong lahat dito ha, mamimiss ko kayong lahat,mag-iingat kayo sa byahe"kumaway kaming lahat kay ma'am Azula na abot langit ang ngiti na kumaway din sa amin.

"I love you Mommy, bye!"nakangiting pahabol ni sir Poul sa ina at kumaway bago pinaadar ang kotse ni sir Poul.

At tulad ng sabi kagabi ni sir Poul ay ihahatid niya ako patungo sa subdivision kung saan ako nagtatrabaho.

Tinuro ko ang daan patungo sa subdivision na pagmamay-ari ng mga Gonzalez habang naka sunod ang dalawang Van sa amin.

Tahimik lang ako habang nakatingin sa bintana, nahihiya ako kay sir Poul dahil sa sinabi niya sa akin kagabi na hindi ko masagot dahil sa bigla.

"Grace"putol ni sir Poul katahimikan, lumingon ako kay sir Poul.

"Sir?"tanong ko.

"I'm sorry sa nasabi ko kagabi, medyo lasing lang ako...... h-hindi yun totoo, basta basta nalang yun lumabas sa bibig ko"sagot ni sir Poul habang nasa kalsada lang ang tingin nito.

Wanted Wife Where stories live. Discover now