Hindi ko maisip kung paano tayo nagwakas na tila'y kasing bilis ng panahon kung lumipas at naglaho na parang bula.
Hindi ba naging sapat ang pagmamahalan natin dalawa o sadyang pinaglalaruan na tayo ng tadhana?
Sa tuwing uuwi ka ba sa iyong tahanan — ang tabing-dagat, ni minsan o kahit saglit man lang nadaan ako sa iyong isipan. Naalala mo?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Na ako ang alon na laging babalik sa'yo.
Kaya nga hanggang ngayon, heto.
Umaasa pa rin ako.
Hinahantay na lamang kung kailan mananawa ang buong pagkatao (kung lang naman).
Ngayo'y hindi na kita abot-kamay, tulad ng kakaibang ugnayan namamagitan noon sa atin dalawa.
Wala na kong karapatan na akinin ka, kahit kaya ko 'yan ipaglaban sa lahat ng taong nanghusga.
Nawa'y tunay ka na masaya... sa piling niya.
--
Bakit ganito ang nararamdaman ko, alam ko naman na masaya na ko, pero parang may kulang pa rin?
Napakawalan ko na nga ang mga tao at bagay nagpapabigat sa akin.
Sa bawat sulyap ko sa alon ng karagatan (tulad ngayon) ay iisang tao ang nasa isipan.
Tandang-tanda ko pa ang mga katagang nag-marka at nag-iwan ng pag-asa.
Oo, siya ang alon na palaging babalik sa akin.
Hindi ko rin mawari kung bakit humantong kami sa ganitong sitwasyon.
Ang alam ko minahal ko siya sa paraan na alam ko at kaya ko.
"Meng?" Si Ate Niki, isa sa mga nanghinayang nung nalaman na wala na kami. Wala na rin siyang nagawa, dahil ito lang tanging paraan para makawala ako sa sakit na ayokong maramdaman.
"Oh Ate?"
"Lalim kasi ng iniisip mo dyan at kanina ka pa nakatingin sa hampas ng alon, ano ba yan? Baka makatulong ako sa'yo."
"Wala 'to. Inaappreciate ko lang ang beauty ng dagat. Ang ganda talaga ano?" Sabay ngiti sa kanya. Alam ko hindi siya maniniwala, kilalang-kilala ako nito eh.
"Mali ata ang tanong ko. Dapat sino ba yan at hindi ano yan? Hay nako, Meng. Magkatabi na nga tayo, naglilihim ka pa. Tell me, anything. Ate mo ko." Sabi na eh. Napabuntong hininga nalang ako at hindi nagsalita. Hanggang sa...
"Si RJ ba?" Walang alinlangan na tumango ako.
"Mahal mo pa?"
"Hindi ko alam Ate. Minsan oo, minsan hindi. Tuwing tumitingin ako sa alon o kahit imahe man lang nun, siya ang unang pumapasok sa isipan ko. Lagi kong tinatanong ang Diyos kung mabibigyan pa kami ng pangalawang pagkakataon. Kung hindi man ngayon, baka sa susunod na buhay."
"Paano yung isa?"
"Hindi ko rin alam, Ate. Sobrang naguguluhan ako. Diba dapat hindi ko maramdaman 'to? Alam ko sarili ko na masaya naman ako. I even said that I'm so grateful for many things. "
"Ang pinaka-tanong kasi dyan, masaya ka ba talaga? Madalas sinasabi natin na masaya tayo, pero ang totoo hindi pala. Nagdidesisyon tayo sa mga bagay, kahit alam naman natin na hindi tayo sigurado. Kung ako ang tatanungin, siguraduhin mo muna 'yang nararamdaman mo. Baka nagpadalos-dalos ka sa mga pinakawalan mo. Tandaan, hindi laro o karera ang pag-ibig. Once na ginawa mo yun, ikaw rin. Ikaw ang mapaglaruan pabalik ng tadhana. Mahirap magsisi sa huli. Malaki ka na, kaya mo na yan. Basta nandito lang kami pamilya mo, handang suportahan ka sa tunay na magpapasaya sa'yo. Deserve mo yun, lil'sis." Tinapik ni Ate Niki ang braso ko sabay yakap sa akin, wala akong nagawa kung 'di ibalik ang yakap na kailangan ko sa oras na yun.
"Thank you, Ate."
"Walang anuman. Ikaw pa! O'sya, puntahan ko na mga pamangkin mo pati Kuya John mo. Kanina pa atat magswimming lalo na si Matti."
"Sige na. Hahaha! Baka mambato na naman ng phone si bebe boy kapag nagta-tantrums."
"Che! Ewan ko ba saan 'to nagmana. Sa'yo ata. Basta yung sinabi ko ha?"
"Hahaha! Opo."
Tuluyan na nga akong iniwan ni Ate Niki sa kinakatayuan namin.
Tumingin ako ulit sa malayo.
Pikit mata.
Buntong hininga.
Bahala na...
Charot! Iba pala yun.
Take 2
Tumingin ako ulit sa malayo.
Bumulong na sana'y gaano man kalayo ang narating o saan mapadpad ang nag-iisang alon na sinisigaw ng puso, bumalik pa rin ito ng buong-buo.
Kung 'di man, yung dati siya na iningatan, inalagaan at minahal ang kanyang baybayin sa malalaking alon na gusto itong sirain.
---//---
A/N: Soup update 🍲 Sensya sa mga maling salita o parte ng pangungusap ✌💚
YOU ARE READING
What Ifs
Fanfiction~A one-shot stories compilation/musings of my what ifs situation of maichard. *I changed my username from ms_smileyy18 to frustratedwritergal, that's why my username differs in the book cover*