Chapter 7: Back to normal

8 3 0
                                    

[ Reian's POV]

       Balik na ulit ako sa bahay namin dahil umuwi na si Tita. May dala nga siyang pasalubong sakin eh. Isang T-shirt at anklet. At saka close na din kami ni Aaron. Minsan nga sinusundo niya ako sa bahay para samahan siyang mamasyal.

At isa pang good news!

Break na si Bew at ang girlfriend niya!!! Party party!!!

Habang nagso-scroll ako sa news feed ko nakita ko ang bagong profile niya.

Shemay! Ang gwapo niya talaga! Kailan kaya siya magpo-profile na naka full body?

Sa ilalim ng post niya ay nag change profile din si Aaron. Hindi din ito magpapahuli kung kagwapuhan lang ang pag-uusapan.

Teka?

Hmm...

Parang magkahawig silang dalawa. Sa mata, ilong, lips at korte ng mukha kaso ang nunal ni Aaron ay nasa sentido. Nagkibit-balikat na lang ako at parehong ni-reactan ng heart ang profile nila.

Nag comment ako kay Bew.

Reian Davichi:  Ang ganda mo Oppa 😂 para maiba naman hehe.

Puro ' Ang pogi mo Bew' yung mga comment eh. College na ako next na pasukan at next month na ang 18th Birthday ko!

Okay lang sakin ang walang handa as long as masaya lang ako sa kaarawan ko.

Nagkulong na lang ako sa kwarto ko at pinapractice ang steps ng 'STAR' MV ng BOYFRIEND. Isa ito sa mga hobby ko eh at kahit na hindi ko maintindihan ang buong ibig sabihin ng kanta pero naiintidihan ko naman ito by heart.

Kaya nga hindi ko na lang pinapansin pag may sumasabi na alien language na naman daw yung kinakanta ko. Tapos may nagsasabi din n hanggang pangarap lang daw ako sa mga idol ko.

Aisshh!!! Pag yan na ng topic di ko mapigilang mag beast mode. Kaya di na ako nagtataka kung bakit maraming bashers na nabubuhay dahil mga insecure. Mga papansin ba?

Hayyy naha-highblood na naman ako! Gutom lang siguro to. 😂✌

" Ma, pasyal muna ako sa labas."

" Huwag magpapagabi babae!"

Ok! Magpapaumaga ako 😂 joke lang. Malapit lang kasi dito samin ang mall kaya nilakad ko na lang.

Nag order ako sa Jollibee at pinatake-out ko na lang dahil gusto ko sa park kumain.

Pumwesto ako sa may ilaim ng malaking puno at umupo sa damuhan. Habang kumakain pinapanood ko ang mga bata na naghahabulan.

Nakakamiss din pala ang maging bata no? Yung tipong wala kang problemang iisipin kundi ang maglaro at kumain.

" Ay kabayo!!!"

Bigla kasing may umagaw ng burger ko.

Narinig ko ang tawa ni Aaron kaya hinampas ko siya sa braso.

" Para kang kabute!  Kung saan saan ka nagsusulpot!"

" Haha! Bakit ka nag-iisa?"

Kinagatan pa ang burger ko!

" Trip ko lang at gusto ko ng peace atmosphere kaso sinira mo eh."

" Arte nito. No man is an island kaya hindi sa lahat ng panahon nag-iisa ka. Hindi ka nakikinig sa guro mo tungkol don no?"

Napasimangot ako.

" Pwede kang maging guro, Aaron."

" Hahaha bago ko pala makalimutan . Sabi ni mama ipapasyal ka niya daw sa debut mo."

" Tologo?!! Saan? Hindi ka kasama? Salamat naman!"

" Ano ka sinuswerte? Kasama kaya ako no. Tsaka sa Palawan kaya tayo pupunta."

😱😱😱😱😱

" Sa Palawan tayo pupunta?!"

" Bingi lang? Daming sakit bingi pa talaga. May parada bukas ang mga bingi at ikaw ang leader."

Nakakabadtrip talaga ang lalaki na to!!!

Waaaahhhh!!! Sa wakas makakapunta na ako ng Palawan!

Sana naman makita ko SIYA don.

My Fanboy Crush (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now