Just a filipino essay

15 0 1
                                    

So I had this filipino output where I had to make a short story about how our lives would be like in the future.

But I already passed it and now I was just cleaning up my samsung notes and I thought I didn't want to waste my work by deleting it so I'll just post it here and then delete it there haha-

It's in tagalog (Philippine language) so you guys aren't really gonna be able to read it so sorry lol-

Ako si Haraya S. Bañez. Noon ay estudyante ng Ramon at ngayon ay isang manunulat. Ang ang aking asawa naman ay si Nicole Anne S. Bañez na naging estudyante rin ng Ramon na ngayon ay isang chef. Marami ang mga nagyari, ngunit hindi ngayon ang panahon. Dahil ngayon, titingin tayo sa isang reunion ng mga batch 2019-2020 grade 7 at nagkita-kita muli kaming magkakaibigan.

"Grabe, gaano na ba katagal ng muling pumasok tayo dito sa mga pinto ng Ramon bilang isang estudyante..?" Sabi ni Haraya kay Nicole habang kahawak niya ito. Huminga ng malalim si Nicole at sumulyap ang kanyang asawa. Hinigpitan niya ang hawak, upang bigyan ng alwan.

"Okay lang yan Nicole. Reunion lang naman ito eh," Biro ni Haraya at ngumiti si Nicole. "Tama ka.. Ako'y kinakabahan lang na makita muli ang ating mga dating kaklase haha!" Masayang sagot ni Nicole.

At patuloy na silang pumasok. Parang lang nung dati silang mga estudyante.

Iba iba ang mga nakasalubong nila. Mga iba ibang mga nagtagumpay at iba rin na simple lang ang naging buhay.

Habang nagiikot ang magasawa ay doon nakita ang dati nilang mga kaibigan.

"Uy! Sam, CJ, Tantan, Tandog, Yape, Charles, Julia, Diana! Lahat kayo andito!" Sigaw ni Haraya, puno ng galak. Napatingin ang mga taong nabanggit at napangiti rin.

"Nicole at Haraya? Tagal na ah! Buti na lang di nako binabatukan ni Nicole," biro ni Sam. "Huy ano ibig sabihin nun?" Sagot ni Nicole, napanguso sa biro. Nagsitawanan ang lahat sa ugnayan ng dalawa.

"So ano na nangyari?" Tanong ni CJ habang naupo. Umupo rin ang iba upang marinig ang mga kwento na nais iparating ng bawat isa.

Lahat ay na lagay sa isang katahimikan. Ngunit biglang tumayo si Haraya. "Ako si Haraya S. Bañez. Ako ang manunulat ng 'The World Is Full Of Stars' at ang aking naging asawa ay si Nicole Anne S. Bañez," At naupo muli siya.

Nalaman ka agad ni Nicole kung anong gagawin at tumayo rin siya. "Ako si Nicole Anne S. Bañez na asawa ni Haraya. Ako ay masayang nagluluto bilang professional chef para sa aking mga mamimili at sa asawa. Si Sam ang aking best friend noon," Naupo ulit ng pagkasabi.

Natuklasan ni Sam ang gawain at tumayo ito. "Ako naman si Sam Bolina at isa akong mekaniko. Kay galak kong makita na masaya ang mga nagpapaayos ng sasakyan nila sa akin. Si CJ naman ay isang weirdo," Naupo si Sam at napatawa ang lahat.

"Una, hindi ako weirdo! Anyway, ako naman si Christopher Jules Garcia ngunit natatandaan niyo ako bilang si CJ. Ako rin ay isang professional chef rin at may sariling restaurant ako at nakapagluto na rin ako kasama si Nicole. Si Julia ay maganda," Naupo ito at muling nagkatawanan.

Bumingisngis si Julia at tumayo. "Thank you CJ, alam ko naman na maganda ako, char! Haha! Ako naman si Julia Rebeca Estrada at isa akong masipag na nurse. Ngayon ay tumayo ka Diana kasi ikaw naman haha!" Sabi niya at hinila niya ito patayo at naupo na siya.

"Ah sige. Ako naman ay si Diana Marie Alvar at ako ang iyong napakabonggang teacher! Ay joke! Hahaha! Si Yape naman!" Bulalas ni Diana at napatawa uli ang grupo.

"Well, ako si Mark Polo Yape at isa akong architect at sana nagustuhan niyo ang mga gawa ko. Si Tantan ay kasosyo ko sa trabaho," Tinig ni Yape at naupo na rin.

"Ako naman si Christaniel Bundalian pero Tantan niyo ko kilala so yun na lang. Architect rin ako at please try niyong bumili ng bahay samin- hindi joke-" Ang makulit na sisti ni Tantan. "Ay, si Tandog rin minsan nakakatrabaho ko siya,"

Tumayo si Tandog ng marinig ang pangalan. "Si John Rex Tandog ako pero Tandog lang tawag niyo sakin so okay.. Engineer ako at nakakasurvive pa naman ako dahil sa mga laro ni Charles," Tumawa ng onti bago tumayo si Charles.

"Hay jusko ako talaga last! Di joke haha! So anyways, salamat Tandog dahil pinaghirapan talaga ng team namin ang mga ginagawang games namin dahil game developer ako, duh!" Napahalakhak na lang ang lahat sa mga kwento ng bawat isa.

"Ang daming nangyari na sa atin.." Sabi ni Haraya, ang tinig ay may kaunting lungkot.
Kinuha ni Nicole ang kamay niya at sabi "Pero andito pa tayo. Malakas at masaya!"

Isa isa silang tumayo at naghawakan ng kamay. Sabay sabay isinigaw ang mga salita na alam nilang lahat gustong sabihin.

"Andito pa kami! Buhay pa! Malakas! At masaya!"

Okay so yeah ew

If you're a filipino and you understood this...

Sorry for making such a horrible tagalog story..

Since I grew up speaking english and legit the first language I've learned was english, it was quite a challenge for me to write in deep filipino sooo yeah-

Oh well that's all!!!





Just Me (My Diary)Where stories live. Discover now