-Kawawang Ernest.

1.8K 10 0
                                    

pagkatapos nilang kumain ay dumeretcho na sila sa bahay upang maipakita ni randell sa kanyang pinsan ang inuupahang kwarto.

o eto yung kwartong sinasabi ko sayo. diba malaki? tignan mo yung sala puwede mo pa nga ilagay kama mo diyan! "sabi ni randell."

oo nga no! ayos to! nasaan nga pala yung lutuan mo? "tanong ni lance."

nandun sa likod dun sa labas. hindi ko talaga pinuwesto dito sa loob para hindi mangamoy ulam. sige lang! check mo pati banyo. "sagot ni randell."

binuksan ang pinto ng banyo at sinilip ng binata.

sabay papunta si lance sa may likuran ng bahay at habang naglalakad nagtanong siya kay randell.

hindi ba mababasa ng ulan yung gas stove mo dito sa labas?

wag kang mag alala hindi naman open area yan! may bubong diyan! nariyan din yung washing machine. meron ding konting space diyan sa gilid puwedeng puwede kang magsampay at tsaka maaliwalas, mahangin. "sabi ni randell."

wala bang ipis at bubwit dito? "tanong ni lance."

wala pinsan! ano akala mo sa akin pabaya pagdating sa bahay? linggo linggo ako naglilinis at kung sakaling may makita ka, ibabalik ko sayo yung perang ibinayad mo dito sa upa. "hirit ni randell."

oops! sabi mo yan ah! okay sige! naku sigurado may langgam dito. "hirit ni lance."

pati ba naman yun papatulan mo pa! magkakaroon lang naman ng langgam kapag may naiwang butil ng kanin at katiting na ulam diyan sa lamesa o kaya naman yung mga patak patak ng toyo, patis, ketchup at kung anu ano pa! kaya dapat malinis tayo sa lababo. pagkatapos natin kumain dapat hugasan agad yung pinagkainan. "paliwanag ni randell."   

e lamok at langaw? "tanong ni lance."

ano ka anak mayaman? kutis artista ka ba? maselan ka naman masyado pinsan. daig mo pa babae! para kang chicks kung umasta. "ngiting sagot ni randell."

sabay tatawa tawa si lance.

sige pinsan para sayo bibili ako ng maraming katol at insecticide. nakakahiya naman! kung hindi lang talaga dahil kay princess hindi kita yayayain dito. "sabi ni randell."

ikaw naman binibiro lang kita! "sabi ni lance."

pagkatapos nun ay lumabas sila ng kwarto at nakita ni randell si chelsea na nagtatapon ng basura. binati niya ito.

ate chelsea! "ang tawag ni randell."

o randell! may kailangan ka ba? "tanong ni chelsea."

ah! wala naman! e nandiyan ba si aling tonya? "tanong ni randell."

oo nasa loob siya teka tatawagin ko! "sagot ni chelsea."

salamat! ay siya nga pala, si lance pinsan ko. "salita ng binata."

hello! "sagot ni chelsea."

hi! "maikling sagot ni lance."

teacher siya diyan sa university school. "sabi ni randell."

ah ganun ba! e di okay! atleast magkalapit lang kayo! saan siya nakatira? "hirit ni chelsea."

sa cainta pa siya nauwi. "sabi ni randell."

Damoves!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon