A

5 0 0
                                    

Kagagaling ko lang sa padalahan ng sulat. Ganito ang Gawain ko tuwing biyernes, magpapadala ng sulat para Kay Tress. Tinatak ko na sa isip ko na hindi ko dapat makaligtaan na kada biyernes ay magpapadala ako ng sulat para sa kanya.

Naga Bicol ang eksaktong lokasyon ni Tress. Lumipat sila doon Simula ng mag uumpisa siya ng kolehiyo at nanatili naman ako dito sa maynila para ipagpatuloy ang pag-aaral.

Hindi ko siya mabisita at nakuntento na lamang sa sulat, naiintindihan naman ni Tress iyon at ganun din ako sa kanya.

Naiintindihan ko na hindi rin niya ako mabibisita pero bakit limang buwan niya nang hindi sinasagot ang sulat ko, iyon ang hindi ko maintindhan.

Noong una ay hinayaan ko lang, pero habang tumatagal napapansin ko na, na wala ng sulat na dumarating. Ngayon ay ang huling pagkakataon na hihintayin ko ang sagot niya sa sulat ko, kapang wala pa rin, pupuntahan ko na siya.

Lumipas ang mga araw ng wala pa rin akong sagot na tanggap sa kanya.

Hindi na ako makapagtitiis pa at pupuntahan ko na siya. Babyahe ako papuntang Camarines Sur, hahanapin ko siya duon, tutal alam ko naman ang eksaktong address niya.

13 hours mahigit ang byinahe ko, dumating ako ng umaga sa Naga. Noong una ay nag tanong tanong muna ako kung saan ang sakayan at nung nakuha ko na ay bumyahe naman ako papunta sa kanya. Sa bahay niya.

Bumaba ako sa tricycle at tumayo sa harap ng maroon na malaking trangkahan ng tinutuluyan niya. Ito iyon sigurado ako, nababanggit niya ang bahay niya sa mga dati niya pang sulat.

Nagtawag ako sa labas baka sa kaling narining niya ako sa loob. Maya maya pa ay may lumabas na ginang. Pasubali ko'y katulong niya sa bahay.

Lumabas ang ginang at tinanong ako kung anong kailangan. Sinagot ko siyang, nandito ako para ka Tress.

Kumunot ang noo ng ginang ng sabihin ko ang sadya ko. Tila ba nalilito.

Imbis na patuluyin sa bahay na labis Kong ipinagtaka ay sa halip dinala niya ako sa maliit na bahay na katabi ng malaking bahay na ito.

Sinabi niyang nanduon si Tress. Na lubos Kong hindi pinaniwalaan. Naglakad ako patungo duon dahan dahan.

Binuksan ko ang trangkahan. Nagtataka ako kung bakit ganito? Kung bakit puro puti ang kulay ng maliit ng tinutuluyan niyang ito. Maliban na lamang sa tsokolateng kulay ng trangkahan niya.

Nang makapasok na loob ay doon ko siya nakita.

Tumulo ang luha ko ng makita ko siya kasama ang maraming sulat na pinadala ko sa kanya. Patong patong iyon at lahat galing sa akin.

Kaya pala...
Kaya pala hindi mo ako.

Hindi mo masagot ang mga sulat ko Tress.

Nilapitan ko pa siya lalo

At saka hinaplos ang kanyang pangalan sa ibabaw ng lapida

"Tress David Siño"

Tumulo ang luha ko habang hinahaplos ko iyon.

Kaya pla Tress David. Kaya pala.

Tiningnan ko ang nakasulat sa ibaba ng pangalan niya.

"Mahal kita Ru Klare Vega"

Ngayon alam ko na ang sagot niya sa mga sulat ko.

Na dito ko lang din pala matatagpuan.



END

ADDRESS OF TRESSWhere stories live. Discover now