CHAPTER 1

0 0 0
                                    

"Mga manloloko!..magsama kayo!mga walang kwenta!Bwiset!!Umalis na kayo!!Bumagyo sana ng malakas at tamaan kayong dalawa ng kidlat!!"sigaw ko hanggang sa nawala silang dalawa sa paningin ko

Mga tae..maghahalikan na lang sa harap ko pa?hindi ba alam ng lintang babaeng yun ang salitang stay away from my property?tapos ito namang letseng boyfriend ko ay yung lintang babae yung pinili?'

Ang unfair!Dapat yung pinalit nya ay yung mas maganda sakin o mas sexy!

"Nicka..ampanget mo!"nagulat na lang ako ng magsalita si Alex sa tabi ko at inakbayan ako

Hindi ko tuloy napansin na umiiyak na ako.

"Kanina ka pa ba dyan?!"inis kong tanong at tumango sya

"Eh bakit di mo ko tinulungan?!akala ko ba bestfriend kita,dapat sinapak mo yung walang kwenta kong ex!"naiinis ako,kanina pa pala sya nandyan tapos di ako tinulungan,umalis rin ako sa pagkakaakbay nya sakin.

"Hindi naman ako ang niloko..hindi rin ako ang tatay mo..tsaka tumigil ka nga sa kakaiyak dyan nagmumukha kang loser"nagpanting ang tenga ko sa narinig at sinamaan sya ng tingin

"Anong sabi mo?!"

"Loser?..yun ba?nabingi ka ba?Sabagay,sino ba naman ang hindi mabibingi sa sigaw mo kanina,dapat hinihinaan mo ang boses mo..yan tuloy pati ikaw nabibingi na"

Pesteng to..brokenhearted na nga aasarin ka pa'

"Ah! A-Aray!!"daing nya ng sinipa ko ang gitna ng hita nya saka ako umalis

"Magdusa ka!"sabi ko at palihim na natatawa dahil namimilipit parin sya sakit..

"H-Hoy!!..S-Shet!..ang s-sakit!"rinig ko pang sabi nya at ng nilingon ko ay nakahawak pa din sya dun..

Hindi ko na sya pinansin at pumara ng taxi papunta sa bahay.Pupunta sana ako ng Park para magpakita sa boyfriend kong di na ako pinupuntahan,kaya pala hindi ako napupuntahan kasi may iba na pala peste..

Pagkarating ko sa bahay ay tiningnan agad ako ng mga kapatid ko pati si mama at papa ay nakatingin sakin.

Akala mo nakakakita ng artista'

"Bat kayo nakatingin?"tanong ko pero sabay sabay silang nag iwas ng tingin at bumalik sa dati nilang ginagawa

Mga Abnormal'

"Ma,anong ulam?"tanong ko at naglakad papunta sa kwarto

"Hulaan mo"letse talaga,hindi ako manghuhula noh..

Nagbihis na rin ako at kumain,tapos na silang kumain daw eh.Habang kumakain ay tinawagan ako ni Alex.

Sinagot ko naman.

"Oh?bakit?"

"Tumawag si Cathy,pwede daw tayong tumuloy sa Bulacan,kaso isang apartment nalang daw ang available"

Ano yun?dalawa kami sa isang apartment?'

"Bakit wala na bang iba?Ilan ang kwarto?"sabi ko habang ngumunguya

"Dalawa..sabi ko ayos lang pero baka sayo hindi"

"Malamang hindi.Boplaks ka ba?lalaki ka at babae ako,mamaya ay pasukin mo ako sa kwarto"

"Hoy babae!wag ka ngang malisyosa..kung ayaw mo..di wag"sabi nya tsaka binaba ang linya.

Bwisit talaga ang alex na yun kahit kailan'

Pagkatapos kong kumain ay ako na rin ang naghugas,may itatapon sana ako ng may nakita akong pregnancy test,positive pa.

Nanlaki ang mata ko sa nakita at dahan dahang napalingon sa mga kapatid ko at kay mama..

MY UNKNOWN LOVE STORYWhere stories live. Discover now