Her Reason

8 1 0
                                    

Di ko alam na sa ganito kami hahantong. Alam kong mali ang ginawa ko kay zack. Minahal niya lang ako pero ganito ang isinukli ko sa kaniya. Andami niyang sakripisyo para sa relasyon naming dalawa pero ganito ko ito tinapos.

Alam kong gagawa siya ng paraan para mag kabalikan pa kaming dalawa. Mahal na mahal ko siya pero ayokong nakitang nahihirapan siya. Isa ako sa dahilan kung bakit nasira ang pamilya nila minahal niya ako kahit bawal. Magkaaway ang aming pamilya sa halos lahat ng bagay. Sinuway niya ang mga magulang niya para sa akin okay lang na maging masama siya sa iba basta makasama niya lang ako. Nagsisinungaling siya sa mga kaibigan niya para lang makasama ako. Lihim lang ang relasyon namin kahit ayaw niya dahil sa akin dahil pag nalaman ito ng aking magulang tiyak na paghihiwalayin kami. Pero sabi nga nila walang lihim na di nabubuniyag.


Bago mag field trip nalaman nila mom at dad ang lihim na relasyon naming dalawa.

"Akala mo ba hindi namin malalaman na may relasyon kayong dalawa!! Paano mo nagawa samin ito ng mommy mo pagkatapos ka naming alagaan at pag-aralin ganito pa ang igaganti mo samin. Saan kami nag-kulang sayo?? Para magawa mo itong bagay na ito!!" Galit na galit na sumbat sa akin papa sa harap ng hapag.

"Daddy.. Sorry po mahal na mahal ko po si zack.. Wala naman pong problema sa pag-aaral ko maayos po ang mga grade ko. Daddy, mommy sorry po." Umiiyak kong paumanhin sa kanila.

"Wala kaming pake alam kung mataas ang grade mo hiwalayan mo siya walang magandang maidudulot sayo ang lalaking iyon!!"

"Dad, mom ayoko ko po.."

"Kung hindi mo siya hihiwalayan mapipilitan ako ipadala ka sa ibang bansa!! Wag mong antayin na gawin ko yun!!"


Iyak lang ako ng iyak. Ayoko na malayo ako sa kaniya kaya nag desisyon ako hiwalayan siya. Nag makaawa pa siya sakin nun pero hindi ko siya pinakinggan ayoko siya pakinggan dahil pag pinakinggan ko siya siguradong bibigay ako.

Si clarence matagal na siyang nanliligaw sa akin nung una hindi sa seryoso sa akin. Katagalan nagulat na lang ako sa mga kinikilos niya. Hindi ko talaga sa pinapansin kasi may relasyon kami ni zack at kaibigan siya ni zack. Wala akong nararamdaman kay clarence. Pero napilitan akong sagutin siya.

Pinagmasdan ko lang pumasok si zack ng mga araw na iyon may hawak siya na bulalak at sigurado akong gagawin niya ang lahat para makipagbalikan sa akin pero porsidido na akong hiwalan siya. Napansin kong magkalapit sila ni yesa lagi nitong mga nakaraang araw minsan nagseselos ako sa kanila pero alam kong magkaibigan lang sila at isa pa wala akong karapatan na mag selos kasi lihim lang naman ang relasyon namin. Iniintindi ako ni zack pag may kasama ako na lalaki kaya dapat siya din.



Ramdam ko na sinundan ako ni zack kaya nag madali ako nag-lakad. Ayoko na paulit-ulit ko pa siyang sasaktan kaya lalayo na lang ako sa kaniya.

Napatigil lang ako sa pag lakad ng lumabas si clarence mula sa isang kwarto. Napatigil din sa pagsunod sa akin si zack. Nagulat ako ng magtapat siya.

Kinuha ko ang oportunidad na yun. Patawarin mo sana ako zack at clarence sa pagsisinungaling ko.

Sinagot si clarence habang nakatingin sa amin sa malayo si zack. Sorry kinailangan ko umabot sa punto na ganito sana sa huli hindi ko ito pagsisihan.





Siguro hindi ito ang panahon para sa aming dalawa. Patawarin sana nila ako sa lahat ng aking kasalanan. Ayaw ko saktan si zack pero wala sobra pa sa sobra ang sakit na idinulot ko sa kaniya.







"Flowers for you." Nakangiting bungad sa akin ni clarence habang naka nakalahad sa akin ang isang magandang rosas. Kinuha ko naman ito agad sa kaniya.

"Thank you"

"Mukhang malungkot ka wag ka na malungkot iyan binilhan kita ng bulaklak kung ano man iyang problema mo masusulusyon din iyan." Positibo niyang sabi sa akin.

"Wala akong problema." Wika ko sa kaniya.

"Talaga ba? Kung san ka masaya geh malalaman ko din naman iyan. Aalis na ako dinaan ko lang talaga yan para sayo." Tumalikod na siya sakin at aalis na pero napatigil siya kasi niyakap ko siya.

"Sorry." Iyon lang ang tangi ko sinabi at kumalas sa pagkakayap sa kaniya. Nagmadali ako na tumakbo papasok sa aming silid aralan.



Sorry kasi ginamit ko yung feeling mo para sa akin para tantanan na ako ni zack. Sorry sana balang araw ay mapatawad mo ako.






---------------------------------------------------------

7:34pm

Sunday, March 15. 2020

-majoy

---------------------------------------------------------



The Last Heart Beat Where stories live. Discover now