KC: I Will Be Here

693 37 13
                                    

"Love!!" Tumakbo papunta sakin si Ken.

Niyakap ko din sya pabalik. Niyakap ko sya ng napakahigpit.

Namiss ko to. Namiss ko sya.

Hinalikan nya ko sa labi. At tumugon naman ako. Bumitaw na din ako dahil nahirapan akong huminga sa halik na ginagawa ni Ken.

"Love, bat ka umiiyak?" tanong ko sa kanya.

"Namiss kita. Miss na miss kita." Kinuha nya ang mga kamay ko tsaka ito hinalikan.

"Ken, wag ka na umiyak. Nandito kana oh. Maraming salamat binalikan mo ko."

Eto na naman kami, iyak na naman kami ng iyak.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa daw dumaan sa bahay ah."

"Love, pahingi muna ko ng tubig."

Oo nga pala. Inuna ko po ang chika bago ko sya bigyan ng tubig. Pumunta ako ng kusina para kumuha ng tubig nya. Bumalik naman ako ng sala para ibigay 'to sa kanya. Nakita ko syang nakatalikod.

"Love oh." Sabay abot ng tubig sa kanya.

Pagkatapos nyang uminom ay naupo ito sa sofa.

"Love, ok ka lang ba?"

Lumapit ako sa kanya para tingnan ang temperature nya.

"Pasensya na love, nahilo lang ako." Nakangiti nyang sabi.

"Pero ok na ko love." Tumayo naman sya niyakap ulit ako.

"Kamusta ang baby ko? Ok ka lang ba dyan baby?" Lumuhod naman sya para kausapin ang tyan ko.

"Inalagaan mo ba si Mommy nung wala ako? Hm?" Nakita kong nagpupunas na naman sya ng mga luha.

"Baby, lagi mong sasamahan si Mommy ha? Lalo na pag wala si Daddy. Aasahan kita baby ha?" Bakit ganto mga sinasabi ni Ken? May mali ba? Ano bang naging resulta ng pagpapa-therapy nya.

Ayoko syang tanungin eh. Gusto kong sya na mismo ang magsabi sakin.

"Rita?"

"Yes love?" May kinuha sya sa bulsa nya.

"Rita, please marry me." Kahit plano na talaga naming magpakasal, iba pala sa pakiramdam pag may ganto pa ding ganap.

"Gusto kitang makasama habambuhay, gusto kitang ipagluto ng almusal sa umaga, gusto kitang makatabi sa gabi. Gusto kong ikaw ang maging ina ng mga magiging anak natin. Gusto kong maging masaya tayo habambuhay. Kaya nga gusto kong mabuhay eh. Para magawa lahat ng yan. Para mabigay sayo yung buhay na deserve mo kasama ako.

Rita, alam kong hindi tayo sigurado sa mga mangyayare bukas at sa mga susunod pang araw pero Rita one thing is for sure, ikaw lang yung taong gusto kong makasama harapin ang mga panibagong bukas na ibibigay sakin. I will stop wondering what ifs, this time I'm sure I want to know what is.

Please love, marry me?" Habang binibigkas nya ang mga salitang yan ay walang hinto ang mga luhang bumabagsak sa mga mata nya.

"Ken, sasamahan kita. Sasamahan kitang labanan lahat ng laban mo sa buhay. Kahit hindi mo itanong, kahit hindi mo sabihin, sasamahan kita. Mahal na mahal kita eh."

Isinuot nya ang singsing sa daliri ko saka tumayo. Hinalikan nya ulit ako sa noo. Nag uumapaw kami sa pagmamahal ngayon, sana kung gaano kastrong yung pagmamahalan namin ay ganun din sya ka-strong.

---

Nandito kami ngayon sa OB ko. Gusto daw kasi marinig ni Ken ang heartbeat ng baby namin.

"Pwede ka na pong pumasok Mr. Chan." tawag sa kanya ng doktor.

Ken ChanDonde viven las historias. Descúbrelo ahora