Chapter 3

21 6 6
                                    


KINABUKASAN

*brizk*brizk*brizk*  ramdam kong nag-vibrate ang cp ko kaya kinuha ko sa bulsa ng palda ko.

From Aira:

Hey! Asan kana?

7:20 am.

Basa ko sa text ni  Aira  tutal malapit naman na ako sa Educ Building di na ako nag reply at binilisan na laang ang lakad Baka malate eh lalo na at 2nd floor pa ang room ko. 

"I'm here hahaha. Good Morning." Malakas kong sabi pagkapasok ko ng room dahilan para lingunin din ako ng mga kaklase ko.

"Oh Good Morning!" Nakangiting Bati saken ni Sam nginitian ko laang naman sya. Kilala ko naman agad ang mga kaklase ko dahil Asa 25 laang ata kami. 

"Nakapagreview kana sa Modern Math?" Bungad na tanong ni Aira pagkaupo ko sa tabi niya. 

"Oo pero parang wala din yung nireview ko haha." Natatawa kong Aniya  dahil pagdating sa Math medyo mahina ako  unlike sa ibang subjects na kayang kaya ko. 

"Hahahaha parehas tayo." Natatawa niya ding sabi. Ngumiwi naman ako saka sya nilingon. 

"Sus matalino ka ngani sa Math lalo na at ABM ang strand mo  Dati." 

"Hahaha tingnan natin. Pero maiba laang saya natin ngayon ah!" Nakangising Aniya na animong nang aasar psh. 

"Eh kahapon laang naman di maganda ang mood ko haha."  Tumatawa kong sabi

"Hahahaha singit kahapon eh."

"Mace!" Tawag saken ng sa kong kaklase na lalaki bale Tatlo laang naman ang boys samen. Nag angat naman ako ng paningin sa kanya dahil nasa harap ko sya.

"Oh  Ivan". Walang gana kong pag tawag sa pangalan niya.  Naiinis na agad ako ay. 

"May notes ka d'yan sa Modern Math?" Nakangiti pa niyang tanong. 

"Ha ah eh. Oo bakit?"  Kunot noo kong tanong iniiwasang taray an siya.  Mabait kasi.

"Pwede humiram? Kulang kasi yung nasa notebook ko eh." Nagbaba na ako ng tingin agad at Bumaling sa likuran ko para buksan ang bag ko kuhain ang notebook sa math. 

"Oh!" Walang gana ko ulit na sabi sabay abot ng notebook ko inabot naman niya. 

"Thanks bigay ko na lang sayo mamaya." 

"Ge." Yun laang at nginitian niya laang ako sabay Alis na din niya. 

"Wew sa dami ng hihiraman ikaw pa." Anang Aira  na natatawa. 

"Awan ngani haha." 

"Masyadong modern na Mace pero ganyan pa rin ang salita ah." 

"Kultura Aira. Kultura." 

"Hahaha naks ikaw na ang di nakalimot hahaha."

"Nahahawa na ngani sa inyo ay."

"Hahaha masasanay din." Sabi niya pa. 

At oo unti unti ng nababago ang salita namin dito. Nahahawa man ako pero diko malimutan yung lenggwahe namin dito dahil mula pagkabata yun na ang nakasanayan ko mahirap ng baguhin  para sa akin. Nagsasalita rin ako ng mga salitang pang Maynila minsan. Lalo na pag kausap ko ay purong  puntong pang Maynila. Yung iba kasi dito pumupunto na talagang pangMaynila  para magkaunawaan ng maayos lalo na ng mga dayo dito.

"Guys Good Morning merong meeting ang buong BTLEd para sa new election of officers. Ang venue ay sa AVR  ng Educ which is yung nasa baba ng floor natin. Mga 8:30 ang start guys. So may 1hr pa tayong class para sa  Understanding the self." Malakas na sabi nj Pres. Nicole sa unahan. Nagtanguan na laang naman kami sa kaniya dahil pagkasabi niya nun ay may kumatok sa pinto dahilan para buksan niya iyo at bumungad samen ang prof namin sa subject na Understanding the Self na si Ms. Celine Mayorga.  Dalaga siya, magand, palangiti at mabait. Best Teacher kasi magaling din syang magturo. 

Still Hoping/Sana Ikaw NaWhere stories live. Discover now