Chapter 8

332 23 3
                                    

NAGISING ako pagkatapos akong gisingin ni Julia mula sa aking mahimbing na pagkatulog.

“Naku! Sorry... Anong oras na ba?”

“Six : fifty am.” Hindi ako agad nakasagot sa oras na ibinanggit nito sa akin.

“Sige wait. Mag-C-CR lang ako,” sabay hawak ko sa ulo ko na nararamdaman kong sumasakit ngayon.

“Pagkatapos ay kumain ka na. May inihanda na akong pagkain para sa 'yo,” na aking tinaguan. Saka ko siya tipid na nginitian.

Di rin nagtagal ang pagkain ko kailangan ko kasing bilisan lalo na baka wala nakong masakyan pauwi at baka hinahanap na nila ako sa mansyon.Kanina masaya lang kaming nagkwekwentuhan ni Julia at dahil sa nakaramdam ako ng antok ay nakatulog ako.Siguro mga 5 hours ang inabot ng tulog ko nasa ganun akong kahimbing matulog.Aminin ko parang ang sarap sa feeling na kanina ang ayos ng tulog kasi minsan hirap akong matulog lalo na sa pagkawala ni Ethan para bang komportable ako sana ganito nalang palagi para di ako palaging stress.

"Sure kabang uuwi kana bukas nalang kasi gabi na ohh baka mapano kapa"nakapout na sabi nito.Kakalabas lang namin ng Condo niya at ngayon nga ay sinamahan niya ako papunta sa Elevator para ihatid.

"Ano kaba next time try ko magkaroon ng oras para makatulog dito.Tsaka kay kuya lang kasi ako nagpaalam kanina baka nag alala na sila dun"

"Kuya?you mean yung kuya ni Ethan sino nga ba yun..."

"Si Kuya Nathan"pagtatama ko.

"Ahh Nathan pala pangalan nun infairness di nalalayo pangalan niya kay Ethan and take note ang gwapo niya noh actually nakita ko na siya doon sa burol ni Ethan noon akala ko nga artista eh"kilig na sabi nito.

"Alam mo pag nagkakilala kayo I'm sure maging close kayo nun lalo na napakabait niya"

"Talaga someday pakilala mo ko sa kanya ha?"excited na sabi nito.

"Sige next time"pangako ko sa kanya.

"Oh sige pano ba yan mauna na ako sayo inggat ka dito ha"sabay beso namin sa isa't isa nandito na kasi ako sa harap ng Elevator naghihintay na bumukas.

"Sure kaba dito lang kita ihatid samahan na kaya kita hanggang sa baba para masure kong safe ka"pamimilit nito.

"Ano kaba okay lang kaya ko naman eh dito mo nalang ako ihatid"

"Sige text mo lang ako pagnaka-uwi kana ha.."

"Sige sige paano una na ko bye"sabi ko pagkabukas ng Elevator.Kumakaway lang ako sa kanya hanggang sa tuluyan ng sumara ang Elevator.

Nandito na ko sa baba naghihintay ng taxi na masasakyan ko pauwi at dahil wala pa naman may dumadaang taxi kinuha ko muna ang cellphone ko na nasa bag ko baka kasi may text.Busy ako sa cellphone ko ng may biglang bumusina sa harapan ko kaya napatingin ako kung sino actually parang familiar kasi yung kotse na nakaparada sa harapan ko.

"Sam halika na"si Kuya kaya pala familiar kasi ito rin kanina gamit niya sa paghatid sa akin dito.

"Ikaw pala kuya"gulat na sabi ko sabay pasok sa loob.

"Kanina pa po ba kayo?"curious na tanong ko.

"Galing kasi ako dun sa isang friend ko ng mapadaan ako dito at tamang tama nga nakita kita.Actually susunduin naman talaga kita kasi nagpromise ako sayo kanina na ako ang susundo sayo pag umuwi kana"nakangiting sabi niya.

"Ay Oo nga pala nakalimutan ko po eh"totoong nakalimutan kong sinabi ni Kuya na siya ang magsusundo sa akin kanina.Pero okay na yun nasundo niya naman ako naisabay niya naman ako pauwi.

"Nakalimutan mo nga"sabay tawa niya.

"Nga pala kamusta po yung pagkikita niyo ng friend niyo?tanong ko sa kanya.

"Okay naman para nga kami nag reunion at nakikiramay din sila sa pagkamatay ni Ethan"sabi niya na nagpaalala naman sakin kay Ethan.

" Ikaw kamusta pagkita niyo ng Friend mo?" balik na tanong niya sakin.

"Okay naman po minsan lang kasi kami nagkikita kaya namiss po namin ang isa't isa"

Marami pa kaming napag usapan hanggang sa di na namin namalayan nakarating na kami sa mansyon.Sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay pagkatapos niya maiparada ang kotse niya sa Garahe.


"Oh Saan kayo galing?"bungad na tanong ni Ate Ena pagkapasok namin nasa sala kasi siya.

"Ate Ena nandito ka pala"si Nathan.

"Nathan naman ilang ulit ko ba sabihin sayo na wag mo kong tawaging Ate ano ba"naiiritang sabi nito.

"Kahit na matanda ka parin sa akin ng apat na taon kaya Ate parin itatawag ko sayo"pang iinis ni Nathan sa kanya.

"Well.kagagaling ko lang ng State"masayang sabi nito.

"Nagshopping ka na naman sa States?"

"Di noh may inasikaso lang ako"

" Hanggang kailan ka dito sa pinas?"

"Hanggang kailan ko gusto"mataray na sabi nito sabay irap.

"Back for my question before saan ba kayong dalawa galing ng ganitong oras ng gabi?"balik na tanong nito.

"Si Samantha kasi galing sa friend niya same with me kaya dahil sa napadaan ako kung nasaan ang Condo ng Friend niya nagkataon na nakita ko siya kaya sinabay ko na siya same way naman kasi kami"paliwanag ni Nathan.

"Ganun ba"sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa ni Ate.

"Maam nakahanda na po yung hapunan niyo"si Yaya

"Sige sunod na ko.Kayong dalawa alam kong gutom na kayo kaya sumabay na kayo sakin"yaya nito samin ni Kuya

"Kayo nalang po busog pa po kasi ako"pagtanggi ko.

"Paki ko ba sayo"sabay irap nito sakin.

"Ena yung ugali mo ha"saway ni Kuya kay Ate.

"Ano naman sayo haysstt ewan ko sa inyo kakain na nga ako"sabay martsa nito papuntang kusina.

"Yang babae talagang yan tsssk."inis na sabi ni Kuya.

"Pasensya kana sa ugali non ha ganun talaga yun ewan ko ba napakamaldita"

"Okay lang po sige akyat na po ako sa kwarto"pagpapaalam ko.

"Sige.Sure ka na di ka sasabay sa amin"

"Opo busog pa po kasi ako eh" sabi ko sabay himas sa tiyan ko.

" Sige magpanhinga kana muna sa kwarto mo.Kain muna kami"huling sabi ni kuya bago dumiretso sa kusina.

Nandito na ako sa kwarto nakaupo sa kama di pa naman kasi ako antok.

"Baby"sabi ko sabay himas ng tiyan ko.

"Hayaan mo maging mabuti akong ina para sayo promise di ako papayag na malalayo ka sakin ng maaalala ko yung usapan namin ni Tita.Sana magbago na ang isip non at di niya na hahayaang mawalay kami ng anak ko balang araw.Di ako papayag ng basta basta nalamang niya ilalayo sakin ang anak ko.

Soon to be Mrs. AlacantaraWhere stories live. Discover now