Movie Clip 11

2.8K 163 11
                                    

Jade Pov
"anak kakain na tayo, lumabas ka na dyan sa kwarto mo"
Sabi ni mama

"opo ma"
Sabi ko at lumangoy palabas ng kwarto

"anong ulam ma?"
Tanong ko

"adobong pating"
Sabi ni mama, kung hindi ninyo alam ay nakakapagluto kami dito sa ilalim ng dagat kasi may mga kunting mahika na nagagamit kami para sa pangkaraniwan naming mga buhay sirena

"ang sarap naman nyan mama"
Nakangiti kong sabi

"asan si papa?"
Tanong ko kay mama

"nandoon sa labas, tawagin mo na sya para makakain na tayong lahat"
Sabi ni mama at lumangoy ako palabas ng bahay at nakita ko si papa na may kausap na ibang sireno, sireno pag lalake at sirena pag babae

"papa kain na daw tayo!"
Pag-aaya ko kay papa at tumingin sya sa akin at tyaka tumango, meron pa syang sinabi sa kanyang kausap tyaka ito lumangoy papasok ng bahay

Ng nakaupo na kaming lahat ay nagsimula na kaming kumain. Maya-maya lang ay nagsalita si papa

" ano iyong nabalitaan ko anak, na pumunta ka daw sa lupa, limang araw na ang nakakalipas?"
Tanong ni papa

"ano!?, anak bakit ka naman nagpunta doon?, pano na lang kung may makakilala sayo na sirena ka?"
Nag-aalalang tanong ni mama

Oo limang araw na ang nakalipas, nag mula nung makita ko ang gwapong binata plus mabait pa.

"oo ma, pa pumunta ako sa lupa, pero wag kayong mag-aalala hindi naman ako napahamak eh.., okey lang po ako"
Sabi ko sa kanila

The Gay Mermaid That I Loved (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon