The Great Love

1 0 0
                                    


May 24, 2019 is the exact date that I posted this at my timeline.

___________

"Kuya san punta mo?" tanong sakin ng bunso kong kapatid

"Sa tabi-tabi lang, kapag hinanap ako ni mama pakisabi babalik ako agad" sagot ko na ikinatango naman nya

Umalis na ako sa bahay at dumiretso sa mall... Ewan ko ba pero gusto kong mag arcade.

"Sir eto na po yung token nyo" kinuha ko dun sa staff na babae ung token at nagpasalamat

Pumunta ako sa may basketball na laro at dun na naglaro. Nakakailang shoot pa lang ako ng bigla akong may marinig na pamilyar na boses.

"Love tara dun oh!" boses ng isang babae

Liningon ko kung saan nanggagaling yung boses na yun. Sabi na nga ba... sya yun.

"Ahh excuse me dude? Maglalaro ka pa ba?" tiningnan ko yung nagsalita, isang lalake

"Nawalan na ako ng gana. Sige na ikaw na maglaro" sabi ko

Sinundan ko sya.. yung babaeng patuloy kong minamahal at nakitang may kasama syang isang lalake.

Masaya silang nag-uusap.

Kitang-kita yung saya sa mga mata nila.

Dapat ako yang lalake na yan.

Dapat ako yung nasa tabi nya ngayon.

For pete's sake! Nagseselos ba ako?? The heck!!

After all these fcking years! Bakit ang lakas pa rin ng epekto nya sakin??

Sinundan ko sila hanggang sa makarating kami sa park kung saan madaming tao, karamihan bata.

Kumakain sila ngayon ng street foods, habang masayang nag uusap. Nakakainis! Bakit ba sinundan ko pa sila??

"Love anong bagay ang hindi bagay?" tanong nung lalake sa kanya

"Ano?" tanong nya pabalik habang nakangiti

"Edi tayo" sabay silang tumawa

"Ang corny mo love" saad nya

"Ok lang mahal mo naman" saad naman nung lalake

Napailing ako sa mga naririnig ko galing sa kanilang dalawa.

Sinabi ko na rin yan sa kanya dati. Psh.

Bitter ako? Oo!

Bakit? Kasi sya lang yung babaeng minahal ko ng ganito, nang matagal.

Siguro nga sya yung tinatawag na 'one great love' ko. Corny pero totoo.

Sabi nila ang One Great Love ay isa sa stage ng pag-ibig. Ito yung pagmamahal na kahit kailan hindi mo makakalimutan. Kung sino man yung taong one great love mo, asahan mong hindi mo sya maaalis sa puso mo.

Hindi mo sya maaalis sa puso mo kahit na magka-asawa't anak ka na.

Hindi mo sya maaalis dyan sa puso mo kahit na anong mangyari, kasi sya lang yung taong nakapag paramdam sayo ng pagmamahal na ndi mo makakalimutan.

Aaminin kong ndi pa ako nakakamove on sa kanya, pero kailangang pilitin.

Kasi kapag ndi pinilit, masasaktan lang lalo ako.

"Love para sayo ano yung love?" tanong nya sa kasintahan

Napangiti ako.

Kung ako tatanungin nya, isa lang masasabi ko.

Love can sacrifice everything

Bakit?

Kasi kapag nagmahal ka, kahit ano ibibigay mo. Kahit ano.

Kahit yang kasiyahan mo, ibibigay mo.

Kahit na sabihin nya sayong palayain mo na sya, ibibigay mo kasi dun sya masaya.

Kahit na makita mo syang may kasamang iba, hahayaan mo lang sya.

Kahit na para sayo sobrang sakit na, basta para sa kanya kakayanin mo pa.

Kahit na yung puso mo durog-durog na, ok lang basta mabuo lang yung sa kanya.

Kahit na ano... Gagawin mo lahat mapasaya lang sya. Kasi kapag nagmahal ka, lahat ng makakabuti sa kanya, lahat ng bagay na makakapag pasaya sa kanya... Ibibigay mo, kasi nga mahal mo sya.

-THE END-

Thanks for reading ya'll!

You can also suggest something for my upcoming stories by giving me a message.

One Great Love [ONE-SHOT COMPLETED]Where stories live. Discover now