Chapter One

590 21 14
                                    

A/N: Hi, Lylies! Thank you for clicking ;) I just wanna say thank you for waiting. Grabe. Ang saya saya ko, ewan ko bakit. Wala kaming WiFi, kaya naisipan ko mag-type ng update which is ang sarap sa feeling. I read all your thoughts about the story! May hint ba kayo sa mga mangyayari? Let me know! :) I'm nervous baka hindi niyo magustuhan, pero sana! 🤞🏻 ENJOY READING! 🧸

——

Yvette's Point of View
(Year 2020)

Ilang taon na ang nakalipas, pero sariwa parin sa lahat ang nangyari. Natatakot akong bumaba ng sasakyan, pero ginawa ko parin dahil nandito na ako Pilipinas. I need to face the reality.

Hindi ako dapat magpakita ng kahit anong senyales na apektado ako. Na iiyak ulit ako sa harapan nila kagaya ng nangyari three years ago. Masyadong nakakahiya. I was known to be a strong independent woman, pagkatapos iiyak ako sa harapan nila?

Mga senyales ng kahinaan? Wala dapat makakakita no'n sa akin. Wala dapat bakas ng lungkot sa mga mata ko. Tama na na nagmukha akong iniwan at sinaktan noon. Tama na na nagmakaawa akong huwag akong iwan.

They must never know I cried for a guy. My mom would go insane.

"Welcome back!" Bati ni Mommy sa akin na may malaking ngiti. Sinasalubong ako ng buong angkan. Ito ang unang uwi ko matapos kong mamalagi sa United States for almost three years.

Ang tagal na panahon, pero bakit gabi gabi, araw araw ko pa ring iniisip kung bakit ako nagpakatanga sa pag-ibig?

Nakakabaliw.

"Thank you. It's nice to be back..." I smiled at them, kahit pagod ako galing biyahe.

I'm too tired. So tired.

Hindi sa dahil marami akong ginawa sa States, kung hindi dahil nasobrahan ako sa tulog. Yes. Buong biyahe, wala akong ginawa kung hindi matulog. Nakapahinga ako ng mahabang oras pero paggising ko heto't parang pagod na pagod ako.

Lahat ng mga mata ay sa akin nakatutok. They are looking at me na para bang kahit anong oras iiyak ako, which is never gonna happen, kasi... bakit mo i-iyakan ang taong hindi man lang tayo iniisip? Bakit aasa sa taong hindi naman tayo inaalala? Nakaka-p*tanginang isipin na masyado tayong nagpapakatanga sa mga taong iiwan din naman tayo.

We shouldn't waste our tears crying over someone who wouldn't care about us. — here I am, being a hypocrite of my own words. I don't fucking know why am I a good adviser to everyone when I can't freaking apply everything on myself. It makes me crazy.

Umalis ako sa Pinas three years ago na walang nakakaalam ng totoong dahilan kung bakit ako iyak nang iyak noong pagkatapos ng graduation ceremony. No one dared to ask. Not even mom— no one.

Alam kasi nila na hindi ko sasabihin. I maybe a softie, but never the kind of girl na mahilig mag-open up. But then, with Nathan, I can be whoever and whatever I want— ayan. Nathan na naman, Yvette. Tama na!

"Anak, why did you suddenly went home? Akala ko ba 6 years 'yung contract mo sa States?" Tanong ni Mommy habang sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang daliri niya. She surely missed me and I missed her too.

Nasa kusina kami habang hinahain ang mga pagkain— masasarap na pagkain na niluto ni Mommy.

Simula nang umalis ako papuntang US pagkatapos ng graduation namin, hindi ako masyadong nagkaroon ng oras para makipag-usap kila Mommy dito sa Pilipinas kahit man lang through skype lang. I was busy finding a lot of work to do to make myself busy in order to distract myself from thinking about a freaking heartache.

You Were Never MineWhere stories live. Discover now