Tinggggggg tingggggggg tingggggggg"Naalimpungatan ako sa tunog na iyon na hindi ko alam kong saan galing." gumulong ako sa kama ngunit may naramdaman ako na mabigat na bagay sa aking katawan. at pag mulat ng aking mga mata ay nakita ko si amulet na nakadagan sa aking katawan. Ang himbing himbing ng tulog ni amulet at napaka amo ng kanyang mukha mahigpit ang kanyang pagkakayakap sa aking katawan.
Nakaramdam ako ng pagkaihi kaya dahan dahan kong inalis ang kanyang kamay ngunit nagising ko sya ng hindi sinasadya.
"Hmmmmmmmm Good morning nicolette." kahit parang inaantok pa sya ay binati nya ako gamit ang kanyang malambot at matinis na boses.
"Good morning din amulet."paumanhin kong nagising kita naiihi na kasi ako kaya tinanggal ko ang kamay mo.
Its ok nicolette walang problema sige pumunta kana sa banyo at magsusuklay muna ako ng buhok ko.
Bumangon na ako at dumaretsyo ako sa banyo upang umihi. Ng natapos na akong nakaihi ay lumabas ako ng banyo upang pumili ng aking damit dahil sabi kagabi ni amulet ay lalabas kami at bibili ng mga gamit ko. Kinuha ko ay isang plain white longsleeves, pantalon at ang sneakers na binigay din saakin ni amulet.
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako at si amulet nanaman ang pumasok sa banyo upang maligo.
Umupo ako sa harap ng salamin at sinuklay ang aking buhok habang tinitingnan ko ang aking repleksyon sa salamin ay ang nakikita ko sa sarili ko ay napaka plain lang ang putla putla ng aking labi habang ang aking buhok naman ay bagsak na bagsak ang aking mga mata ay walang ka emo emosyon ang aking katawan ay medyo malaki hindi kagaya ng ibang tao na ang payat payat. Wala akong ka arte arte saaking katawan mag mula paman noon hindi ako mahilig sa lipstick make up at sa mga pang skin care nila isa lang akong simpleng babae na gusto ng simpleng buhay.
Kumusta na kaya ngayon sila mom at dad for sure nag aalala sila saakin ngayon baka hindi naman kayanin nila mama sa kakaisip kong nasaan ako hindi ko kaya na makita ulit sya na nag durusa hindi maaari kaya dapat ngayon palang hanggat maaga ay mahanap kona ang taong may alam palabas sa lugar na ito.
Nicolette, nicolette! Hoiiii! Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin naka tulala kalang dyan sa harap ng salamin. Ano bang nasa isip mo ha? Nicolette kong may problema ka sabihin molang saakin ha tutulongan naman Kita.
Ano kaba amulet wala yon may naalala lang ako wag mo nang pansinin yon.
Nicolette bagay ba saakin? I look at her at napansin kong bagay na bagay sa kanya ang kanyang dress at ang kanyang buhok na medyo may pagka kulot ay bagay na bagay sa kanyang damit at kanyang mukha.
Oo naman ang ganda ganda mo nga eh bagay na bagay sayo. Ako nga naka pants lang tapos long sleeves at sneakers sobrang simple lang walang ka arte arte para akong lantang gulay sa itsyura kong ito.
Ang ganda ganda mo kaya ang simple lang ng ganda mo nicolette pero may dating lalo pa kaya kong aayusan kita siguradong sigurado na mas gaganda ka.
Sos ikaw talaga bolera ka talaga tara na nga sa baba para makapag ikot ikot pa tayo mamaya.
Pagkatapos namin kumain ay nag paalam na kami sa kay tita siofra at tito alle at pinayan nya na kami na umalis.
Pag bukas namin ng pintuan nila amulet ay naka parada ang isang kumikinang na kulay puting Lamborghini at shittttt napa ka ganda nito hindi ko akalain na nag i exist ang ganitong mga sasakyan sa alabama.
Tara na nicolette sumakay kana at ako ang mag da drive pa puntang mall. Binuksan ko ang sasakyan at napaka ganda ng loob nito at ng umupo na ako ay ang lambot lambot ng upoan at sobrang komportable nitong upoan. Ano ready kanabang makita ang mga lugar dito sa alabama? Sinasabi ko sayo ngayon palang wag kang matakot sa mga makikita mo mamaya at dapat masanay kana dahil dito ka muna mag i stay sa alabama at mag aaral kaya i enjoy nalang nating dalawa ang trip nato.