Chapter 12

387 19 0
                                    

"Bakit ngayon lang kayo?"

Nagkatitigan silang magkaibigan nang pagbuksan sila ni Mossi ng pinto.

"Pasensiya na kayo, Aling Mossi. I told them na umuwi na kami but may binili pa kami sa convenience store," si Ara.

Hindi na sila nag-antay na papasukin sa bahay, dahil mas bumaba pa ang temperatura sa labas kaya mas lalong lumamig ang buong paligid.

"Kumain na ba kayo?" usisa ni Mossi.

"Tapos na," si Gabby ang sumagot.

"Sa bagay, alas nwebe na ng gabi." Bago napanguso ito at may sinabi pang pabulong sa sarili. Sanay na siya na madalas mga kabataan ang mga guest niya sa bahay kaya madalas gabi na ito nakakauwi. Kahit mas madalas na hindi naman sila lumalampas sa curfew na 10 pm ay hindi pa rin maalis sa kanya na makaramdam sabay nang pagkairita at pag-alala.

Bigla niyang naisip si Gilo, sa lahat mukhang ito ang kakaiba, naalala niya si Feliz dito, mapag-isa at curious, higit sa lahat marunong itong magluto.

Napasapo siya sa ulo, nagluto nga pala at namalengke ito.

"Si Gilo, pinagluto kayo ng dinner, at kaninang hapon namalengke naman," tawag niya sa kanila.

Napahinto pa sila at nagkatitigan. Maliban kay Ara na nagusot ang noo ay hindi nagbago ang ekspresyon nila like they didn't care.

"I think pwede na 'yang maging breakfast namin," si Ara nagsalita. She felt guilty na hindi man lang siya nakapagtext sa pinsan, masyado siyang nawili kasama ang mga kaibigan niya.

"Nilagay ko na sa ref, initin niyo na lang iyon," ani Mossi, "mauna na ako at matulog na kayo."

Hinayaan muna nila na makaakyat ito bago sila naupo sa may table counter.

"She reminds me of my mother," natatawang wika ni Jun, "kahit hindi mo naman na break ang curfew ay may sasabihin pa rin. Like never silang naging bata."

"Iba na kasi ang panahon ngayon," si Clea, nagpipigil itong matawa din.

"Pabayaan na ninyo, baka ayaw lang niya magbukas ng pinto pag ganitong oras," seryoso na saad ni Gabby, "kung ganun, dapat inagahan niya ang curfew niya sa bahay niya. Mga 8 or 9 at hindi 10 pm."

"Exactly!" Clea agreed.

"Guys, can we talk about Gilo?" si Ara. Hindi siya makapaniwala na mas concern pa sila kay Mossi while si Gilo ang kasamahan nila, even though, alam niya hindi sila close dito ay magkasama pa rin sila at sila ang nag-imbita rito na sumama. It's not like nag volunteer ito na pumunta rito.

Lumapit si Clea sa kanya. "Ara, tungkol ba 'to sa namalengke siya? Don't worry, maghahati tayo sa mga nagastos niya."

"And don't forget kainin ang niluto niya," si Gabby.

Dito sila nagtawanan na parang walang pakialam kung may natutulog na. Kaya napatayo si Ara at pinandilatan sila ng mga mata.

"Tayo ang may sala, dapat kasi pagkarating natin rito, namili muna tayo ng mga pagkain na lulutuin natin. Mabuti na lang bumili na si Gilo," frustrated ang boses ni Ara. Nang walang kumibo ay muli siyang nagsalita, "matulog na tayo at pupunta pa tayo sa ilog bukas."

"Magpinsan talaga sila, mahilig mag decide para sa iba," bulong ni Gabby kay Clea.

Siniko siya nito. "May point naman siya." Kaya lumapit si Clea kay Ara. "Mabuti pa nga matulog na tayo. Goodnight na sa inyo."

Aktong papasok na ang dalawa nang pabiglang tumalon si Jun sa inuupuan nito na parang naiihi ito. "Guys, I think we still have some time for adventure tonight."

Hilamos, eye of death (completed)Where stories live. Discover now