Chapter 3

6 0 0
                                    

Utang na loob

Flashback...
Wednesday Afternoon

Nasa park ako ngayon naglalakad lakad kasama si Coco, my dog. Naisip kong igala muna ang aso ko dahil mag mula nung mag start ang pasukan ay palagi na lang siyang naiiwan mag isa kung minsan naman ay iniiwan ko siya kay Manong Guard para pabantayan, kampante naman ako kay Manong dahil magmula nang lumipat ako dito ay sya na ang pinagbabantay ko kay Coco since first year college ako.

"Miss, tabi." Narinig kong sigaw ng isang boses galing sa likod ko. Pagkalingon ko ay huli na ang lahat, papalapit sa akin ngayon ang isang lalaking sakay ng skate board. Nataranta ako at mukhang ganun din siya hanggang sa pareho na kaming gumulong sa damuhan.

Aray, ang sakit! Halos mapapikit ako sa sakit ng likod ko dahil sa pagkabagsak pero laking gulat ko noong magmulat ako ng mata ay nakapatong sakin ang isang lalaki na isang pulgada na lang ang layo sa mukha ko.

Tinulak ko siya ng malakas dahilan para mapaupo siya. Rinig ko ang daing nya ngunit hindi ko iyon pinansin, pinilit kong tumayo pero bigo ako. Argh! Magkakapilay pa yata ako.

Inilahad niya ang kamay niya ngunit tinanggihan ko iyon. "Come on, kunin mo na tong kamay ko para makatayo ka na" pero imbis na pansinin siya ay tinabig ko lang ang kamay niya.

Hindi ako nagpatinag at pinilit ko ang tumayo at sa pagkakataong ito ay nagtagumpay na ako pero muntikan nanaman akong matumba kaya't inalalayan niya ako sa likod.

"Wag mo akong hawakan!" pagsusungit ko, pero parang wala siyang narinig nanatili lang ang kamay niya sa likod ko at todo ang titig sa mukha ko. Unti-unting nag slowmo ang lahat, hindi ko maintindihan pero pati ako ay napatitig na sa mga mata niya. Bakit ganon, bakit ganito?

Halos ilang segundo din kaming nasa ganoong sitwasyon. Bumalik lang ako sa ulirat nung napansin kong wala na ang tali ni Coco sa kamay ko.

"Si Coco!" bulalas ko. Agad hinanap ng mata ko ang aso ko pero hindi ko siya makita. "Kasalanan mo to, kung hindi mo ako binangga hindi sana makakawala si Coco!"

"It's not my fault, ikaw dyan ang paharang harang sa daan!"

I'm so frustrated right now, nawawala si Coco pero hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.

"Not your fault, really? E bigla bigla kang sumusulpot tapos sasabihin mong not your fault!"

Hindi niya ako pinansin bagkus ay pinulot niya iyong tumalsik niyang skate board at nagsimulang maglakad palayo. Bastos!

Inabot na ako ng gabi sa paghahanap kay Coco, malawak ang parke kaya inabutan na ako ng dilim. Kung ano ano na ang pumasok sa isip ko gaya ng baka tumakbo si Coco at napunta sa kalsada na huwag naman sana o kaya ay napulot na siya ng iba. Halos manlumo ako sa isiping iyon, kung sana ay mas hinigpitan ko ang kapit at hindi nagpa distract sa lalaking iyon hindi ko sana siya nabitawan, hindi sana siya mawawala.

Naupo ako sa damuhan kung saan ko nabitawan si Coco at niyakap ang tuhod ko. Siya na nga lang yung nag iisang kasama ko nung mga panahong kailangan ko ng kaibigan tapos ngayon mawawala pa siya sakin.

Nagsimula ng tumulo ang luha ko nang biglang may narinig akong asong tumatahol.

"Coco!" hawak siya ngayon nung lalaking bumangga sakin kanina buong akala ko ay umalis na siya!

"Here." Inabot niya sa akin ang aso ko "Nakita ko siya doon sa damuhan, nilalaro sya nung mga bata"

"Halika na, Coco. Uuwi na tayo!" kunot noo niya akong tinignan, pumihit na ako patalikod nung bigla siyang magsalita.

"Hindi ka man lang ba muna magpapasalamat? Hinanap ko yung aso mo kahit na inabot na ako mg gabi at may importante pa akong lakad" mayabang na sabi niya habang ako naman ay nanatiling nakatalikod sa kanya

"Thanks." mahinang sagot ko hindi ko alam kung narinig niya ba iyon sa sobrang hina o ako lang ang nakarinig.

---

"Sobrang liit talaga ng mundo, tignan mo nagkita nanaman tayo." Pangisi ngisi pa ang loko "So how's your dog?"

"Huwag mo akong kausapin hindi tayo close."

"Ouch! Sakit naman nun!" kunwari ay napahawak pa siya sa dibdib niya "Wala ba akong reward dyan?"

"A-anong reward?" Unti unti akong napapaatras dahil sa paglapit niya sa akin "Ano ba lumayo ka nga" nakasandal na ako ngayon sa pader at ang kaliwang kamay nya naman ay nasa tapat ng mukha ko.

"Iniligtas ko ang buhay mo, so dapat ay mayroon akong makuhang reward kahit... kiss lang" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ano ba bastos ka! Lumayo ka nga sa akin" yakap yakap ko ang bag ko at handa ng ihampas sa kanya sa oras na lumapit siya

"HAHAHAHAHAHA" nagulat naman ako nung bigla siyang humagalpak ng tawa at napapahawak pa sa tiyan niya. Nabaliw na ata ang loko. "Oh sorry, my bad. Hahahaha" nagpatuloy pa rin sya sa pagtawa. Muntanga! Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?

"Nababaliw ka na ba? Bastos ka na baliw ka pa!" nakita ko naman na umayos na siya ng tayo at hindi na tumatawa, ngumingiti na lang ng nakakaloko.

"I'm just kidding, hindi naman ako nagpapahalik sa kung sinong babae lang"

Napahalukipkip ako sa sinabi niya na, as if I care. Wala din naman akong balak halikan siya kung sakali.

"Ano bang kailangan mo? Gusto mo ba ay bayaran kita ng pera, magkano?" walang ganang sambit ko. Sya naman ngayon ang humalukipkip at nagtaas pa ng kilay.

"I don't need money, iba ang gusto kong reward hindi pera. Isa pa wag mo nga akong sungitan dahil may utang na loob ka sa akin."

"Pwes wala kang pakealam kung susungitan man kita o hindi. Ano na, sabihin mo na kung anong gusto mo para makauwi na ako!"

"You probably have no idea who you are talking to" napapakamot pa sya sa baba niya, bakit sino ba sya? Mataman ko siyang tinignan mula ulo mukhang paa-- I mean hanggang paa. Wala namang espesyal sa kanya, mukha lang naman siyang isang normal na estudyante.

Pero napansin kong halos humahapit na sa damit niya ang kanyang mga muscles, maganda ang built ng katawan niya siguro ay naggi-gym, matangkad siya, maputi at kakaiba din ang kulay ng mga mata niya siguro ay may iba siyang lahi pero matatas naman siyang mag tagalog, matangos ang ilong at nagsusumigaw na jawline. Gwapo. Bastos nga lang, nevermind.

"Oh masyado mo na akong tinititigan baka malusaw ako niyan" umirap ako sa kanya at bigla nanaman siyang tumawa ng mahina. Dahan dahan siyang naglakad papunta sa akin "Hindi ko pa maisip sa ngayon kung anong gusto ko, pag iisipan ko pa. Ipunin mo muna yung mga utang na loob mo sa akin. Malay mo ikaw pala mismo ang gusto ko."

Halos nagtayuan ang balahibo ko sa katawan dahil sa huling sinabi niya. Ang yabang! Anong sabi niya ipunin ko yung utang na loob ko sa kanya? Asa siya! Huling utang na loob ko na iyon sa kanya, ano.

Light In The DarknessWhere stories live. Discover now