39

99 11 0
                                    

( Taehyun's )



( 2 weeks ago...)





"May ipagtatapat ako."



Kasalukuyan kaming andito sa sala ng dorm namin. Nakapaikot kami para kuwentuhan sila sa plano ko. Napagisip isip ko na ito ng mabuti at piling ko tama itong desisyon na to.





"G-gusto ko na sya"



"Ha?!?! Sino? Si hana?"-Huening kai



"Oo. Basta sa loob ng isang buwan mula nung nabasa ko yung mga sulat nya sakin, di ko alam pero natutuwa ako sa tuwing nababasa ko sulat nya" walang preno kong sabi.



"Pano naman si Hanalen?"- Soobin




"Alam mo Taehyun di maganda kutob ko sa hanalen na yan"-Yeonjun





"Ha? Bakit naman? Diba ikaw pa nga nagpakilala sakin don?" Bakit naman nya biglang nasabi yan e tanda ko sya nagpakilala sakin kay Hanalen??




"Naririnig ko usap usapan sa school e may sikretong boyfriend daw yan pero di nya sinasabi kahit kaninooo"- Yeonjun




"A-ano?? Teka hindi ganon si Hanalen. Kaya ko nga sya naging gusto dahil mabait sya at tipo talaga sya ng lahat eh"




"Bastaaa ikaw bahala ikaw naman nanliligaw e"- yeonjun





"Ano na plano mo?"-Beomgyu





"Plano ko? Ihihinto ko na panliligaw ko kay hanalen."





"Ha? Sigurado ka ba? Ang tagal mo nang nanliligaw don halos 1yr na rin ah"- Soobin




"Ayun na nga eh. 1yr nakong nagpapakatanga sa kanya...di ko naman nararamdaman na gusto nya ko"




"Tama! Napakaarte naman non ni hanalen"- Huening kai




"Teka. Kelan mo naman balak ihinto panliligaw don??"- Soobin





"Mamaya"




"Mamaya agad?!?!"- silang apat





"O-oo, hangat maaga kailangan nang ihinto to"





"Tama ka naman. Basta support ka lang namin dito bro"- Huening kai

yow taehyun  |  Taehyun ✓Where stories live. Discover now