KABANATA V

26.4K 740 8
                                    

Sa sinabi niya, napaangat ang tingin ko at muling nagtama ang mga mata namin.

"Wolf... Pack?" Mahinang tanong ko.

Ngunit mabilis akong napayuko nang muling matauhan. Tinignan ko nanaman siya sa mga mata niya... Baka magalit siya. Baka saktan niya ko!

Agad na nanginig ang kalamnan ko sa naiisip.

"Don't be so tensed. I may be a werewolf but I don't bite people without reason."

J-joke ba yon?

Napailing nalang ako sa sarili. Sa tono ng pananalita niya, mukhang hindi siya nagbibiro.

Agad na sumagi sa isip ko ang sinabi saakin ni France.

'I'm a hunter... A werewolf hunter.'

Hindi kaya... Totoo nga ang mga werewolf?

Natigil ang pag-iisip ko nang pabalyang nagbukas ang pinto ng silid.

Agad kong nalanghap ang isang malakas na amoy ng strwaberry na may halong woody scent. Napalingon ako sa direksyong pinanggagalingan niyon.

I saw a lady gracefully walking towards our way. Ang lawak ng ngiti niya habang nakatingin kay Asmodeus.

"Honey..." Pagtawag niya.

Siya ba ang... Partner ng nakabili saakin?

Naibalik ko ang tingin ko sa harapan nang makarinig ng paggalaw.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo. Napasunod lang ako ng tingin sakanya at sinalubong niya ang babae ng isang magaang yakap.

"You're home." Sabi niya.

Napatingin ulit ako sa mukha ng babae. She seems familiar...

"The party is over." Sabi niya at binigyan ng isang halik sa labi ang lalaki.

Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla iyong kumirot. Halos isang buwan na ring nangyayari saakin to.

Bigla-biglang sumasakit ang dibdib ko pero madalang lang naman. At hindi pa siya sumakit ng sobra-sobra kaya hindi na ako nag-abala pang pumunta sa doctor. Sure naman ako na wala akong sakit sa puso.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sakanila at nahuli ang mata ng babae na nakatutok saakin.

And at that moment, bigla ko siyang naalala.

"Ikaw..."

Siya yung kasama ni Jane bago naganap ang gulo sa hall!

Agad akong napatayo at mabilis siyang nilapitan. Ngunit isang braso ang humarang sa pagitan naming dalawa.

"Nasaan si Jane? H-hindi ba kasama mo siya kanina? Nasaan siya?" Sunod-sunod kong tanong habang pilit siyang inaabot.

Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya.

"Who's Jane?"

Agad akong napatigil sa sinabi niya.

Sigurado ako... Siya ang isa sa tatlong babae kanina. Pero bakit? Pakit siya nagpapanggap na walang alam?

"Bakit ka nagmamaang-maangan? Alam kong nakikilala mo ko! Nasaan si Jane?!" Sigaw ko.

Pinilit ko siyang hablutin pero isang malakas na kamay ang humila saakin papalayo sakanya.

Nagsimula nanamang magsituluan ang mga luha mula sa mga mata ko.

"Ija..." Agad akong napalingon sa taong may hawak saakin nang marinig ang boses ni manang.

"Manang! Manang kilala niya si Jane! Kilala niya yung kaibigan ko!" Sabi ko habang tinuturo ang babae kanina.

Inaalala ko ang pangalan na binanggit ni Janelle nang magkita silang dalawa.

Sold to an AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon