Chapter 23

4.6K 260 147
                                    

"SIGURADO ka bang dito nakatira ang mama ni Alt?" tanong ni Scroll habang magkagapay na naglalakad silang dalawa ni Peter sa daan. Isa 'yong squatters area kaya madaming tao sa daan at batang naglalaro.

"I'm certain. Saka, nakausap ko na rin ang babaeng pinapahanap mo sa'kin noong isang araw. I have confirmed her relationship with Alt Flores. Noong una, ayaw niya akong kausapin pero araw-araw ko siyang dinadalaw dito."

"And nakausap mo na?"

Kalmadong umiling si Peter. "Hindi."

She can't help but roll her eyes at him. "Kung maka-araw-araw ka rito, 'di mo naman pala nakausap nang maayos."

"I'm doing you a favor dahil wala akong ginagawa ngayon. In other circumstances, baka hindi na kita matulungan."

"Wow, I should be thankful," pabalang niyang sagot. "Sa ugali mong 'yan, I doubt makakapag-asawa ka pa."

"I don't mind."

Peter is a very good looking man. Agaw atensyon ito kahit na sobrang simple lang naman ang suot nito. Halos napapatingin ang tao rito pero sa tingin niya sinanay na nito ang mga tao na huwag itong lapitan.

Ang kagaya nito ang bagay sa mga action movies. Tuwid na tuwid ang tayo. Maganda ang pangangatawan. Snappy. At matalino. Kaso nga lang, matipid magsalita. Maliban na lamang kung trabaho ang pag-uusapan. Kaya sayang talaga ang 'sang 'to kapag tumandang mag-isa. Sayang ang lahi.

Mayamaya pa ay huminto bigla si Peter. Nasundan niya ang pagtingin nito sa isang bahay na barong-barong. Sa harap ng bahay ay may maliit na mesa kung saan may naka display na paninda tulad ng banana cue, peanut butter sandwich at samalamig.

Agad na nakakuha ng atensyon niya ang isang matandang babae na kapansin-pansin pa rin ang kagandahan. Umangat ang mukha nito sa direksyon nila kaya kitang-kita niya ang malaking pagkakahawig nito kay Alt.

Hindi pala talaga nagbibiro si Alt nang sabihin nito sa kanyang kamukhang-kamukha nito ang ina.

"That's her," turo pa ni Peter. "I don't know how will you convince her, Scroll. Pero mahirap talaga siyang kumbinsihin. She's always avoiding the topic."

"Siya lang ba mag-isa sa bahay?"

"Matagal nang patay ang live-in partner niya. Hindi rin biniyayaan ng anak ang dalawa." Agad na naibaling niya ang mukha kay Peter. "She actually had a tough life. Her husband becomes abusive to her. Lagi din daw 'yong naglalasing. He was killed during a raid operation. Napagkamalan itong drug pusher. So practically, she's living alone. Isa siyang maid dati, but the family she's working migrated in Canada."

Hindi niya alam ang mararamdaman habang tinitignan ang mukha ng ina ni Alt. This is the woman who scarred her son's heart. The woman who heartlessly left her sons for her own selfishness. Look at her now. She could vividly see the traces of the years that tormented her and the hardships she went through for the past years. She looks so tired, old and exhausted, yet her beauty still stands out despite her age.

They couldn't deny the fact that she is still Alt's mother.

"So what's your plan?" basag ni Peter.

"Same. I'll talk to her."

It was now or never.

Pero minsan, naiisip ko, if mabibigyan ako ng pagkakataon na makita ulit siya, ayokong magalit nang husto sa kanya, gusto ko lang talaga itanong sa kanya kung totoo ba talaga 'yong pagmamahal na ipinakita niya sa amin noon. Siguro, kahit papaano, magiging okay ako, Scroll. I guess, knowing the truth would somehow allow me to forget the past and dwell only in the memories that brought genuine happiness in my childhood.



SWIPE HELP GONE WRONG - COMPLETEWhere stories live. Discover now