Pwede bang bumalik.

22 1 0
                                    

Pwede bang bumalik yung dating kaayusan ng mundo?
Yung dating normal na buhay ng bawat isa sa atin. Ang tanging problema ay pagkain, trabaho, pag-aaral, lovelife at iba pa.
Sa nangyayari sa atin ngayon nakakalungkot at nakakaba na baka bukas  ay wala ka na. Sa dami ng pangarap mo baka hindi mo na magawa pati pagsabi ng nararamdaman mo ay hindi na pwedeng ibigkas sapagkat hindi na maari.
Naala ko pa kapag marso kami'y naghahanda na sa aming darating na fiesta may sayawan at pagsapit kafiestahan ay may handaan.
Yung mga tao sa amin masayang masaya dahil malapit na naman ang anihan.
Ang mga bata masayang naglalaro sa court naghahabulan .
Kaysarap din makipagkwentuhan sa ibang matatanda sa aming nayon. Sa dami ng aral na iyong mapupulot sa kanilang karanasan.
Kaysarap samyuhin ang simoy ng hangin kapag nagpapahinga sa ilalim ng puno tapos nagbabasa ng pocketbook o iba't ibang klase ng libro.
Ang simple ng buhay noon at napakasaya.
Ngayon tayo ay nababalot ng takot at pangamba sa ating mga mahal sa buhay.
Kung sana pwede nating ibalik ang nakaraan kung saan nasa mundo tayo ng kasimplehan ,kasiyahan at wala gaanong problema pero nasa realidad na tayo, realidad kung saan andami ng nangyayari na sadyang hindi natin alam kung patuloy parin ang buhay.

Nawa'y sa pangyayaring ito ay sana magising tayo sa katotohanan na sana ang ating pananalig ay mas lalo pa nating palawigin

My Ramdom Experience And Thoughts. Where stories live. Discover now