Chapter 1.

32 3 1
                                    

KAHIT pagod na ang kamay ko sa pag susulat ay hindi pa rin ako tumigil, nag sisimula ng mamanhid ang balikat ko at bumibigat na rin ang ulo ko at talukap ng aking mga mata sa kagustuhan kong makatulog at nananakit narin ang likuran sa kagustuhang makahiga. Pero hindi pwede, hindi pa pwede.

Kailangan kong kumita, kailangan kong maka ipon.

Yan ang patuloy kong sinasabi sa sarili ko, maaari ay nag tataka na kayo kung bakit ganun na lamang ang kagustuhan kong kumita ng pera, at yun ay dahil sa kaligtasan ng pamilya ko.

Nung nakaraang taon lang kasi ay pumutok ang isyung tungkol sa virus, hindi naman ako nabahala ng una dahil wala naman nito sa bansa namin. Pero nitong nakaraang buwan lang nang mabalita na meron na pala nito sa bansa namin. Hindi naman talaga ako mababahala, pero ng malaman ko na nasa city ko na ito ay doon na ko nag simulang mag alala, lalo na ng mag desisyon ang presidente na ipasuspende ang klase. At ang pag lalagay ng community quarantine, na naging dahilan para hindi maka pasok ang mama ko sa trabaho.

Ayos naman nung una, pero ng makalabas ako ng bahay at nakapag lakad sa highway ay doon ko nakita kung gaano ka seryoso ang lahat.

Halos walang tao, wala ka na ring makikita ni isang pampublikong transportasyon. Sarado rin ang mga computer shop. Hindi pa man din tuluyang nag la-lock down ang bansa pero parang ganun na ang nag yayari, paano pa kaya pag tuluyan na itong ipasara? Mag mimistula ng ghost town ang buong Pilipinas.

Ayos naman sana yun, ang kaso. Paano ang mga mahihirap? Ang mga umaasa lang sa pang araw-araw na kita? Paano na sila? Oo nga at mag bibigay ng pag kain at mga kailangan ang gobyerno, pero sasapat ba yun? Maganda na bago mag lock down ay maka pamili ang mga tao ng mga kakailanganin nila, pero paano ang mga mahihirap? Anong ipambibili nila? Hindi lamang yun, kung bibili man sila ay mauubusan pa.

Eto ngang community quarantine ay halos maubos na ang laman ng mga pamilihan, ano pa kaya pag nag lock down?

Nang araw rin na yun, habang nag scro-scroll ako sa account ko ay may nakita akong picture ng zombie apocalypse. Ang sabi rito ay maaari raw na ang kasunod ng virus ay ang zombie outbreak. May pangilan-ngilan rin akong nakikitang picture na ginagawang katatawanan ang zombie apocalypse at ng virus. Na para sa akin ay hindi nakakatawa.

Paano nga kapag nangyari yun? Kakayanin pa ng gobyerno at ng mga tao ang virus na nagbibigay sakit sa tao, pero ang virus na ginagawang zombie ang tao? Hindi, magiging isa ito sa unang problema ng mundo, aalisan niya ng korona si Poverty bilang main problem ni earth, I mean tayo pala.

Mag mimistula rin itong sunog sa Amazon forest sa sobrang bilis ng pagkalat ng balita, kung sakali man. Pero wag na lang.

Ng hapong ding yun ay napag usapan namin ni mama ang tungkol sa epidemya at ang posibleng pag kakaroon ng zombie apocalypse. At doon mas lalong tumatak sa utak ko ang dapat kong gawin.

"Pano ba yan? Pag nagkaroon ng zombie mabilis lang tayong akyatin, oh." Aniya at tinuro niya pa ang terrace sa bahay namin na natatakpan lang ng trapal.

"Oo nga ma eh, dapat talaga yung talagang bahay, kaya yung unang mag susurvive talaga is yung mga mayayaman at mga may bahay, pero tayong mahihirap? Ah wala." Normal kong tugon pero sa loob loob ko ay gumagawa na ko ng plano, at may lungkot na nararamdaman, pero mas nangingibabaw ang diterminasyon para maganap ang bagay na yun. Na alam kong makatutulong sa pamilya ko.

Plan: Undistructable House.

"Kaya nga alam mo ma? Pag ako nag patayo ng bahay kailangan sobrang pulido at matibay, hindi dapat basta semento lang, may layering. Sa una, semento, pangalawa bato, sa pangatlo bakal, sa pang apat sobrang kapal at tibay na bakal na papatungan pa ng sampu nun, saka siya sesementuhin ulit at lalagyan ng finishing na another bakal!" Eto naman medyo natawa na ko sa dulo, ganun din su mama na napa iling pa.

"Kailangan pala ng milyon diyan?" Pakikisakay pa nito sa akin, akala siguro niya nag bibiro ako. Eh sobrang seryoso ko, nanginginig pa.

"Opo, kaya nga mag tratrabaho, kaya nga alam mo ma? Mag susulat ako ng mag susulat, para sa unang sahod ko, iipunin ko tapos hanggang sa mag sunod sunod. Tapos patatayuan kita ng dream mong bahay!" Proud ko pang sabi sa kanya, na ikinangiti niya ng malaki at sunod sunod na tango.

"Talaga be?" Laki pa ng ngiti niya, hahaha.

"Oh nga ma." Natatawang sagot ko naman, paano kasi ay para siyang bata.

"Gawin mo yan ah." Natutuwang tugon pa nito. Pero mas natutuwa ako, paano kasi ay mukha talagang bata si mama, no mali, baby pala. Kadalasan nga ay napagkakamalan pa kaming mag kapatid, panganay daw si ate, sunod si mama at ang bunso ay ako. Haha, kung alam lang nila na dalawa lang kaming mag kapatid.

Habang nakatitig ako kay mama ay nabuo rin ang isa kong desisyon.

"Alam mo ma, if ever na maging zombie ka? Mag papa zombie narin ako." With matching katok pa sa kahoy yan, pero seryoso ako diyan. Kasi what's the point diba? Mag sa-suffer lang ako sa pag kawala niya.

Pag tapos ng kwentuhan namin ni mama ay umakyat na siya sa kwarto ni ate, gawa lang ito sa playwood at matunog pag nilalakaran mo. Habang ako naman ay naiwang nag susuri sa kapaligiran at nag iimagine ng mga posibleng mangyari.

Kung mag kaka zombie apocalypse man ay hindi kami tatagal, lalo pa at open ang terace namin, na tinakpan lang ng trapal. Kailangan may gawin ako!

Kaya naman kinuha ko ang cellphone ko, kung saan ko sinusulat bawat kabanata at ang notebook at ballpen ko na de bura kung saan ko naman nilalagay ang mga idea at content ko. Kinuha ko ang upuan at ginawa itong patungan at ipinosesyon ito sa gitna kung saan malinaw kong nakikita ang terace namin, saka ko sinimulan ang pag susulat.

Pa minsan minsan ay nawawalan ako ng idea, pero pinipilit ko parin. Medyo nahihirapan ako dahil hindi ko alam kung tama ba ang way ng pag susulat ko o hindi.

Marami na kasi ang nakapag sabi na maganda daw at unique ang mga ideas ko pero poor naman daw ang way of writing ko. Medyo nakaka-frustrate lalo na at hindi mo alam kung tama ba o mali ang ginagawa mo. Dagdagan mo pa na kulang ang nararamdaman mo, siguro nga sa mga bihasa ng mag sulat ay madali na lang, pero sa mga kagaya kong baguhan? Men, kailangan namin ng hard feelings, meaning masaktan o malungkot. Ewan ko kung ano ang emosyong kailangang maramdaman ng iba, pero sa akin? Sapat na ang sakit o lungkot, dahil mas naha highlight ang mga ideas ko.

Pero para sa taong sobrang masiyahin at walang kaproble-problema sa buhay na kagaya ko ay bibihira lang akong malungkot, lalo naman ang masaktan. Go with the flow rin kasi ako kaya siguro ganun. Kaya naman ang technique na ginagawa ko ay manood ng mga nakakaiyak na palabas. Pero hirap din kasi akong maka iyak, tipong pilit kumbaga. Hindi naman ako robot, pero hindi talaga ako basta basta na lang na nakakaiyak or what so ever.

At habang frustrated sa way of writing ko ay nag simula na akong mag search, mula kay youtube ay tatalon naman ako kay google and so on. Nanonood na rin ako ng mga inspirational videos about sa life at inspirational videos para sa mga aspiring writers na kagaya ko.

Tumalab naman, dahil pag kalipas ng isang buwan ay pumatok sa masa ang likha ko na pinamagatang 'My Zombie Girl' kaya naman mas na motivate ako, at marami na sa mga kakilala ko na nakakaalam na nag susulat ako na nakapag sabing sobrang laki raw ng improvement ko, lalo na ang writing skills ko na nakakapagdala raw sa kanila sa mismong scenario sa bawat kabanata.

Na siya naman talagang top priority ko, eto kasi talaga yung una kong priority ng simulan ko ang pag susulat, at ang isa sa mga rason kung bakit ako nag susulat. Ay para maipadama sa mga mambabasa ang dapat nilang maramdaman, at madala sila sa tagpuan ng bawat kabanata. Nag sulat rin ako dahil ito ang estorya na gusto kong mabasa pero wala naman akong mahanap, meron may ay ayoko ng plot at pang yayari, at dahil may nakita akong post na nag sasabing "If you don't find the book that you want to read, then write it" and that's one of the reason kung bakit sobrang tibay parin ng determinasyon ko na makagawa ng mga nobela.

Ang haba na ng mga naikwento ko, pero di parin ako nakakapag pakilala. So, I'm Tiara Kite Cerise Enar, also known as Ms. Saranggola as my pen name.

^_^

Dreams And ZombiesWhere stories live. Discover now