1 - Fulfillment

6.5K 478 119
                                    

Warning

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Warning. SpG.

Carra

Napabuntong hininga ako nang makapasok sa airport galing sa Japan. I'm back and it's just so funny. Dalawang linggo pa lang si Mama na nagpapagamot sa Japan pero binawian na siya ng buhay at doon na rin siya pinag-cremate. Ang saya, di ba?

Tumulo ang luha ko pero agad ko rin na pinahid. Kahit na ang abo ng nanay ko ay hindi ko na naiuwi kasi mas mainam na iiwan na raw doon. Ang ganda naman kasi maayos ang lahat. Ibinigay ni Rheus ang lahat ng kailangan kahit na ang magarang libingan pero patay na ang Mama at wala ng silbi na nasa loob siya ng magandang nitso at may magandang lapida. Ako, umapak ako sa Japan na wala man lang kasiyahan na naramdaman. Paano ako magiging masaya kung nakapunta nga naman ako roon ay dahil sa namatay kong ina at hindi naman para magbakasyon?

Milyon, milyon ang halaga ng nagastos at naiinis ako dahil kakakasal ko pa lang noong isang araw, natali ako at nabaon sa utang pero wala na ang ipinaglalaban kong buhay, ang buhay ng babaeng pinakamamahal ko sa lahat.

Para akong wala sa sarili na pumirma sa marriage contract. Para akong tanga na sumama sa New York para sa kasal pero matapos iyon ay naiwan naman ako sa isang mansyon dahil pumunta naman si Rheus sa Paris. Tinawagan siya ng kapatid niyang babae at dali-dali siyang pinalipad doon na parang aswang.

Ako, parang si tanga na kausap ang sarili ko. Nakikita ko si Mama sa isang video kapag gusto ko pero hindi ko na siya makausap dahil may tubo siya sa bibig. Iyon na yata ang pinakamasakit sa isang anak, ang makita ang nanay na nahihirapan tapos makikita ang mga mata na nakatitig lang at lumuluha.

Tapos, biglang isang araw ay may dumating na mga lalaki, tauhan pala ni Rheus. Dumating sila matapos ang ilang araw na hindi ko na nako-contact ang Mama ko. Patay na pala siya. Sinundo lang ako ng mga lalaki para samahan sa Japan.

At ngayon nakabalik na ako sa Pilipinas. Ang asawa ko sa papel, hindi ko alam kung nasaan at wala akong pakialam. Sana nga huwag na siyang bumalik.

"Our lady, this way to the car." Nakangiting sabi ng isa sa mga lalaki kaya napatingin ako rito.

Ganito talaga siya kung makangiti sa akin, parang gandang-ganda siya sa mukha ko. Mana siya sa amo niyang kung makatitig naman ay parang nambubuntis.

Mga lalaki, mukhang manyakis lahat.

Tahimik akong sumakay sa sasakyan.

Sa isang iglap ay nagbago lahat ang buhay ko. May kotseng sumusundo sa akin, may nagluluto, may tagabitbit ng bag at kung anu-ano pa pero nalulungkot ako.

Alam ko na isang araw, mawawala ang puri ko. Kasama iyon sa kontrata namin ng kinakapatid kong Satanas. Ang hindi ko alam, kung alam na ng anak niya at alam na ng mga magulang niya.

Laylay ang ulo ko at ipapatong ko na lang sana ang baba sa tuhod ko nang biglang may pumasok sa limousine. Agad kong itinabingi ang mukha ko at para akong namakalikmatang napakurap.

OwnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon