Chapter 8: Trick or Treat? [Love]

13 1 1
                                    

"Life? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Kailangan nating mag-usap." seryoso niyang sabi sa akin. Nakita niya ang hawak kong bouquet.

"Love, kailangan na nating pumasok." sabi naman ni Chance sa akin. Hinawakan niya ang kanang kamay ko. Napatingin sa amin si Life.

"Love." sabi ni Life.

Bakit ganoon, bakit hindi ko magawang tanggihan si Life?

"Uh, Chance. Mauna ka na muna. Susunod ako, promise." sabi ko kay Chance. Sasagot pa sana siya ngunit tinitigan ko siya.

"Love, mag-iingat ka. Balik ka agad dito." huling sabi sa akin ni Chance bago pumasok sa loob.

"Tara na?" aya sa akin ni Life. Tumango naman ako at nagsimula na kaming maglakad paalis.

-~-

Nandito kami ngayon sa paborito naming tapsilugan.

"Saan ka ba nanggaling kagabi? Naghintay ako, buong gabi, hinihintay kitang makauwi pero hindi ka naman umuwi. Saan ka nag-stay kahapon?" pag-aalala niya.

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay bago muling nagsalita. "Life, huwag kang mag-alala. Ang mahalaga naman, nandito na ako sa tabi mo." paninigurado ko.

Hindi ko na lang muna sasabihin ang tungkol kay Heal. Ayokong mag-iba ang tingin niya sa akin.

Ipinatong niya ang kanyang kamay sa kamay ko. "Love, na-miss ko 'yung ganito. 'Yung ang saya-saya natin, wala tayong iniisip na kahit anong problema, tapos kumakain lang tayo ng tapsi. Parang ang tagal na noong huli nating ginawa ito." sabi niya sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

Bumitaw ako at sumubo ng kanin. "Alam mo, tama ka, dalas-dalasan nga natin 'yung mga ganito." sabi ko sa kanya. Nakita ko naman siyang yumuko. "Bakit may problema ba?" tanong ko.

Muli niyang iniangat ang kanyang mukha. "Wala naman. May naalala lang akong isang bagay."

Alam ko namang kahit anong gawin ko, si Heal pa rin ang paniniwalaan ni Life.

Muling rumehistro sa utak ko ang sinabi ni Health kagabi.

"Nga pala, damit ba ni Chance 'yang suot mo?" tanong niya sa akin.

"Uh, oo. Nagmamadali kasi kami kanina kaya hindi na ako nakabalik ng bahay at hindi ako nakapagsuot ng matinong damit." dahilan ko.

"Kaya pala. Oversized kasi kaya halatang hindi sa iyo." sagot naman niya sa akin.

Maya-maya pa'y nag-ring ang cellphone ko.

1 unread message from Fortune

Hay, mangungulit lang naman ang batang iyon. Hindi ko muna sinagot ang text.

Bigla na namang tumunog ang phone ko.

2 unread messages from Chance

Si Chance naman ngayon. Siguro, pinapabalik niya lang ako. Hindi ko na muna binuksan ang text.

"Himala, ang dami yatang may kailangan sa iyo ngayon." puna ni Life.

"Walang may kailangan sa akin. Nanggugulo, marami." sagot ko sa kanya. Natawa siya sa sinabi kong biro.

"Patayin mo kaya muna 'yang phone mo para walang makaabala sa atin." suhestiyon ni Life. Pumayag naman ako sa sinabi niya at pinatay ko muna ang phone ko. Siguro naman, wala namang may kailangan sa akin ngayon.

-~-

10:00 na pala. Isang oras ko nang kausap si Life ngayon. Isang oras na ring nakapatay ang phone ko kaya wala masyadong abala sa amin.

Every Kind Of LoveWhere stories live. Discover now