Chapter 2 - Ang Sikreto Ni Clement Dadonza

146 17 1
                                    


Hindi lang ang pamilya namin ang may mga tinataglay na kapangyarihan. Marami kaming nasa iba't ibang panig ng mundo. Kinuwento sa akin ni Mama na sa aming pamilya ay may isang uusbong na may pinakamalakas na kapangyarihan. 'Yon daw ang hinihintay nila na hindi nangyari kay Kuya Eldridge. Nadismaya sila na pangkaraniwan lang ang natanggap ni Kuya. Kaya naman inaasahan nila na sana raw, ako na ang makakuha ng super magic na ibibigay ng aking puno. Kundi naman daw sa akin ay baka kay Ayana o Guzman. Nalaman ko rin na ang mga nararanasan ko noon sa dorm ko ay dahilan pala na malapit na akong magdalaga at malapit na akong maging isang ganap na makapangyarihang tao. Ang pagpapalit ng kulay ng dugo, mata at buhok ko ang mga senyales nun. Kaya rin pala ako nagtatakaw sa mga prutas at gulay ay para din maghatak na ako ng lakas para sa mga susunod na araw. Nawala na ang takot ko na ang buong akala ko'y may sakit na ako. Napalitan na 'yun ng saya at pananabik.

Nag-aayos ako ng mga gamit ko sa kwarto ko ng pumasok si Mama.

"Sa ika-labing walo ng edad mo ay lalabas ang isang kakaibang pawis o luha sa katawan mo, pagpatak nun sa lupa ay magiging isang malaking buto 'yun na siyang magiging puno mo habang buhay. Marami kang pagdadaanan para makamit ang 'yong kapangyarihan. Hirap at pagod ang dadanasin mo, " mahabang kwento ni Mama kaya namangha na naman ako. Pero syempre, natakot din ako. 

"Para akong nasa isang movie ng pantasya. Hindi ko lubos maisip na may totoo pala sa mundong ito na nagtataglay ng mga totoong kapangyarihan at ang pamilya pa natin 'yon," sagot ko kay Mama na kinangiti niya. Umupo siya sa tabi ko. 

"Ganyan din ako noong nagdadalaga ako at matuklasan ko ang kakayahan ng pamilya namin," sagot niya. 

Kinuwento rin ni Mama ang mga naging kapangyarihan nina Lolo, Lola, Tita at Tito ko. Lahat sila ay namangha ako sa mga naging kapangyarihan nila. Matapos magkwento ni Mama ay lumabas na kami sa kwarto ko dahil nakahanda na ang tanghalian. Masaya kaming nagsalo-salo. Habang kumakain ay patuloy parin silang nagkukuwento tungkol sa aming pamilya. 

Pagsapit ng hapon ay inasikaso na nila Mama at Papa ang mga papel sa bago naming magiging school. Para bukas ay makapasok na raw kami at makahabol sa mga kailangan naming habulin sa school na'yon. 

At dahil wala sila, naisipan kong libutin ang Chestara para naman makibasado ko na ang bawat sulok dito. Binaybay ko ang daan na puro mga damo, halaman at mga bulaklak lang ang nakikita ko. Malayo na ako sa mansyon namin. Naglalakad ako ng makita ako ng malaking puno. Sa ginta ng katahimikan doon ay bigla akong nakadinig ng bumabaswit. Natakot ako dahil bukod sa mag isa lang ako ay baka isang mabangis na hayop 'yun, kaya minasid kong mabuti ang buong paligid.

"Bago ka lang dito?" nagulat ako ng biglang bumagsak sa isang malaking puno ang isang lalaki at napunta 'yon sa harap ko, kaya't napasigaw ako.

"Bwisit ka! Papatayin mo ako sa takot!" inis kong bulyaw kaya natawa naman siya.

"Kalma, ako lang ito," pambubuska pa niya kaya lalo akong nainis.

"Sino ka ba at nandito ka sa lugar na walang masyadong tao?" Tanong ko.

"Iyon nga ang dahilan kung bakit nandito ako. Ayoko ng maraming tao. Ayoko ng maingay. Nandito ako para mapag-isa. Nakakasawa kaya ang pagkaguluhan ka ng mga kababaihan," saad niya na medyo kinangisi ko. Pero impyrenes, guwapo nga siya! Kung tutuusin, kapag pumasok siya sa dati kong school ay nakatitiyak akong siya ang pinakagwapo.

"Bakit ka naman pagkakaguluhan? Artista ka ba dito?" tanong ko na natatawa.

"Bago ka nga lang siguro dito?" nakangisi niyang sabi. "Hindi mo ba ako kilala? Ako si Clement Dadonza," aniya na kinanganga ko. Sino ba siya sa akala niya? Ni hindi nga siya nababanggit nila Papa, Mama o Kuya Eldridge eh.

Flower And TreeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz