Chapter Twenty Three

2.3K 60 12
                                    

Bumalik siya nang opisina na nanlalamig ang kamay. Napaupo siya sa sahig.

No. Not his Reeve.

"I'm sorry. I'm sorry. Sorry. I don't know. I'm sorry." Bulong niya nang  paulit ulit.

Tumutulo ang mga luha sa pisngi. Kailangan niyang ilabas ang nararamdaman. Parang  sasabog ang puso niya sa nalaman.

Dumoble ang sakit na nararamdaman niya. Bumalik ang lahat ng masasayang alaala nila ng dalaga na magkasama. Mas lalo lang siyang naiyak. Matagal siyang  umupo doon at umiyak lang.

Naiwan pa niya kanina ang kaibigan niya. Pero wala na ito ngayon.

Maya-maya pa ay tumayo siya at tinawagan ang ama.

Kailangan niyang makita ang prinsesa niya. Ikamamatay niya kung makuha pa ito nang iba. Sa kanya lang dapat ito. Pero nang  maisip ang mga kagaguhang ginawa ay napasabunot nalang siya sa kanyang buhok.

Ang prinsesa niya. Masasaktan niya ang prinsesa niya kapag nalaman nito  ang mga ginawa niya para makalimutan ito.

"No. Please. Shit. I'm.... I'm sorry. I'm fucked up. I....."   napayuko siya.

Kasalanan niya to. Shit.

Babawiin niya ito. That's a promise. Kahit magalit ito sa kanya. Kakayanin niya. Mapatawad lang siya nito. Sa mga kasinungalingan niya. Wala siyang ibang minahal maliban dito. His princess.

He dialed his fathers number.

"Son. Napatawag ka?" Anang ama.

"Dad. Find Reeve for me" mahinang usal niya.

Its more like a whisper. Sumasakit ang dibdib niya sa pagbanggit sa pangalan nang  dalaga. Akala niya wala na siyang maiiyak pa.

"S-She's here. My princess is here. Please dad." he begged. Kasabay ng paghikbi niya.

"Shit. It hurts dad, please" dagdag niya.

Matagal bago nakasagot ang ama niya.

"I'll see what I can do" anang daddy niya.

"Thank you" agad niyang binaba ang tawag.

Lumabas siya nang  opisina. Kailangan may gawin siya para mahanap ito.

Apartment.

Tama. Pupuntahan niya ang dating apartment ng dalaga. Nagtatakang tumingin sa kanya ang mga empleyado niya. Dali dali siyang sumakay ng elevator pababa. Nang  nakababa na siya'y pumara siya nang taxi. Ayaw niyang magmaneho. Hindi na niya kaya. Nanghihina siya. Nanginginig pa ang kanyang mga kamay.

Nang makarating doon ay dalidali siyang pumasok at hinanap niya ang dalaga pero wala ito roon. The room is empty.

Nanlulumong napaupo siya sa sofa.

Where are you Bah.

Walang buhay ang apartment na iyon ng dalaga.

Naisip niyang baka nandoon sa probinsya naglalagi ito. Agad siyang bumiyahi sakay ng kanyang private chopper.

Hindi siya nakaramdam ng gutom. Kinakabahan siya. Panay rin ang tingin niya  sa kanyang cellphone. Hindi pa tumatawag ang daddy niya. Limang oras na ang nakaraan ng tinawagan niya ito.

Halos talunin niya pababa dahil parang ang tagal umabot sa lupa ang sasakyan.

Tumakbo siya para agad makarating sa maliit na gate ng bahay ng dalaga.

Kinatok niya ito at biglang bumukas ang pinto.

Lumabas ang isang babae. Walang ipinakitang gulat o ano mang pagkamuhing ekpresyon sa mukha.

Lusting My Father's Secretary - Completed (UnderEditing)Where stories live. Discover now