Lesson 18

20.3K 306 0
                                    

Eighteen

Albert Leo

Suklay kamay ko inaayos ang buhok ko habang bumababa sa hagdanan ng naman kita ko si seferina nakahilata sa sofa at nanood ng kdrama.

"Kumain kana?" Hikab na tanong ko at dumiretso sa kusina para tignan ang ref kung may puwede pa bang mailuto. "Hindi ka papasok sa school?" Takang tanong nito habang may subo itong isang tetra pack na paboritong inumin niya, strawberry.

"Hindi sick leave ako." Walang ganang sagot ko habang tinitignan yung ref mukhang kailangan ko naman mag-grocery , kinuha ko ang isang pack ng hotdog at itlog sinabay ko na din kuhanin ang kanin lamig na hindi namin na ubos ni seferina kagabi, i- fried rice ko nalang to siguro. "Nagugutom kana ba? Magluluto lang ako saglit." Mahinahon na sabi ko sa kanya.

Pansin ko sa peripheral vision ko na tumayo ito at naglakad pa-palapit sa akin."May sakit ka?" Takang tanong nito saka niya ako hinawakan sa leeg.

Holy shit! She turns me on!

"Wala ka naman lagnat e, tingin ko tinatamad ka lang magtrabaho." Sabi nito saka umalis sa tabi ako at tinapon nito yung juice na iniimon lang nya kanina. "Porque nag sick leave kailangan may sakit na." Inis na sagot ko at tinalikuran ko siya.

Buwisit na babae to! Bakit may paghawak pang nalalaman tumango nalang ito bilang sagot at umupo sa bar stools habang siya naman pinapanood lang ako magluto.

"Nabobored na ako, nakakailang kdrama na din ako." Walang ganang sabi niya habang hawak babaa nito sabay ang buntong hininga."so?"Tanong ko at ibinigay ko sa kanya yung plato na may fried rice. "Hindi kaba na bobored? Ay! pasuyo na din ng spoon and fork." Ngiting request nito nang inilapag ko yung hotdog nakakaluto lang.

"Ayaw mo ba lumabas? Sige ako nalang aalis." Napakunot ako noo sa sinabi niya. Pala desisyon hindi pa nga ako nakakasagot.

Kung kailan naman nagsick leave ako saka naman ito ang aalis ng bahay. "Saan ka naman pupunta?" Ngumiti ng mapangasar habang kumakain ng hotdog niya na nakatusok sa tinidor nito.

Dalawang beses ako napa lunok sa sarili kong laway ng makita ko iyon, hindi naman niya ako inaakit sa katunayan nga kapag kakain kami ay normal ko nalang nakikita sa kanya dati pa! pero ngayon, pucha naman! leo ano nangyayari sayo? Kung ano ano nalang pumapasok sa utak mo.

"Ayiee nagtatanong na sya." Mapangasar na sagot nito."makipag kita nalang ako sa kababata ko." Paliwanag nito habang naglalagay siya ng fresh milk sa baso namin. "Thanks. Sino naman yan?" casual na tanong ko.

"Kevin." Casual na sagot niya habang ako naman ay hindi mapigilan magulat sa pangalan na narinig ko.

"Lalaki ang kababata mo?" Pilit kung pinapakalma ang boses ko at good thing mukhang hindi naman na pansin ni seferina yung pagtaas ng boses ko.

"Oo lalaki kaya nga kevin." Pilosopong sagot niya saakin.

"Anong oras ba kayo magkikita? Saan? At anong oras ka uuwi?" Tuloy- tuloy na tanong at halos hindi ko na din na pansin na naubos ko na yung gatas naibibigay niya saakin.

"Sunod- sunod talaga tanong? Grabe naman kinikilig ako." Matawa-tawang sagot nito.

"Sa mall lang. Kwentuhan at kakain lang kami, ang tagal na din kasi namin hindi nagkita." Tumango nalang ako bilang sagot. Gusto ko sabihin na bawal siya makipag kita, pero ano naman karapatan ko babata niya iyon.

"Leo aalis na ako." Paalam niya habang nagsusuot ng rubber shoes. Nakatayo lang ako sa may likod ng sofa habang pinagmamasdan ito."saan mall ba kayo pupunta?" Nakakainis sana pala inaaya ko nalang siyang umalis kesa may kadate na ibang lalaki. "Sa makati lang. May ipapabili kaba?" Naglakad ako paharap sa sofa at tuluyuan umupo na. "Wala." Sagot ko sa kanya, hindi na ako nagabalang lingunin ito at tinuon ko nalang yung sarili ko sa libro kahit hindi ko naman ito binabasa.

"Sungit naman nito tssk! bye bye!" Paalam niya at rinig ko ang pagbukas sarado ng pinto.

Napatingin ako sa wall clock alas diyes palang ng umaga at hindi ko maiwasan na manibago sobrang tahimik. nakakabingi sa katahimikan. Nangangati ko yung kamay ko na itext si seferina at sabihin kami nalang dalawa ang lumabas.

"Makatulog na nga lang!" Frustrated na sabi ko sa sarili ko at ibalik yung librong hawak ko

****

"Gurl may napapansin talaga ako?" Takang humarap ako kay kevin kahit busy ako magtitingin ng sapatos. "Ano ba iyon?" Alam ko na yan. Ganyan na ganyan yan kapag nakakakita ng mga gwapong lalaki at ituturo niya saakin.

"Alam ko na yan baks, ituturo mo lang saakin yung mga gwapong lalaki na pinaglalawayan mo." Walang ganang sabi ko habang sinusukat yung sapatos na napili ko.

"Hindi baks iba to." Kunot noo kong tinignan si kevin. "Ano ba kasi yan busing - busy ka." Tanong ko sakanya at tinignan ko din yung direction kung saan ito nakatingin.

Umiling iling nalang nang wala ako makita kung saan ito nakatingin. "Malala na yan baks." Sabi ko at inirapan ito.

Naiinis ako kay leo nagpaparinig na nga ako na gusto ko lumabas hindi man lang ako samahan nagsick leave sick leave pa sya hmp! Wala naman sa plano na magkikita kami ni kevin kaso siya kasi una kong naisip kaya no choice ako  kaya pinanindigan ko nalang, kaya nun tinawagan ko si kevin na baka pwede samahan niya ako lumabas nasermonan pa ako dahil may date daw sila ng boyfriend nito at ang laki ko daw na istorbo talaga. Pero kalaunan binawi naman niya at pumayag siya kasi malalate naman daw pala yung boyfriend nito at susunduin nalang daw siya paguuwi.

Mapapasana all nalang talaga ako kanya samantala si leo tamad tamad.

Kinilig pa naman ako kasi biglaan nagtext si leo saakin at nagtatanong kung saan daw ba kami sa makati magkikita nun kevin daw? Ang ganda ganda pa ng reply ko with angel pa. "bakit susunduin mo ba ako?😇"Tapos ang reply lang saakin " Asa ka naman."  Bwisit talaga iyon. Ang lakas makasira ng moment kaya tipid akong nagreply sakanya. "Aura." 

"Lalim ng inisip mo gurl, mukha hindi ata ako yung gusto mong kasama." Sabi nito habang naka pamewang pa.

"Hindi nga." Pangaasar ko at tumayo para ibigay kay ate sales lady yung sapatos na pili ko para mailagay na sa box at mabayaran na din. "Joke lang!" Sabay ang dila ko sakanya at inirapan naman ako nito.

Andito kami ngayon sa department store nagiikot at nagpapalamig talaga wala naman kasi kami talagang plano at itong bakla nato halatang napilitan lang naman siyang samahan ako.

"Gosh!! Gurl legit na talaga to." Sabi nito sabay palo sa braso ko habang nagbabayad sa cashier.

"Ano ba kasi yan?!"

"May sumusunod talaga saatin." Kunot noo akong hinarap si kevin.

"Seryoso ba yan?" Tanong ko sakanya nang bigla naman niya ako hilahin at ituro nito yung sinasabi niya sumusunod saamin.

Laking gulat ko at hindi ko maiwasan mapangiti sa nakikita ko ngayon alam kong sya iyon, kahit naka facemask at woody na jacket pa siya alam ko na siya iyon. Na si leo iyon.

"Gurl mukhang mapapaaga ata uwi ko, mukhang yan ata yung mas gusto mong kasama." Mapangasar na sabi niya.

"Mukha nga baks kasi hindi ko sinabing lalaki din ang gusto mo." Wala sa sariling sagot ko sakanya kasabay ng pagbatok naman nito saakin.

Gusto din palang lumabas hindi pa sinabi agad.

I Married My Student [Major Revision]Where stories live. Discover now