Mission #2

2.6K 135 16
                                    

Mark Kieffer Montilla

Why can't I just forget about that encounter with Reed earlier? Hindi ko akalain na hindi niya ako makikilala o baka sa tinagal ng panahon ay marami na talagang nagbago?

Ingay mula sa mga estudyante ang sumalubong sa akin nang pumasok ako ng cafeteria. Ang iilang studyante ay abala sa kanilang pagkain habang karamihan naman ay abala sa pakikipagpalitan ng kuwento sa mga kaibigan nila.

Maganda naman ang naging takbo ng unang araw ko. Dahil una ay nagkita na ulit kami ni Reed at pangalawa ay mababait naman ang mga naging classmates ko kahit may iilang babaeng dikit ng dikit sa akin.

Iginala ko ang aking paningin upang maghanap ng bakanteng upuan. Super crowded na sa cafeteria dahil na rin sa dami ng estudyanteng nag-aaral dito.
May mga babaeng nag-offer sa akin ng upuan pero tinanggihan ko lang sila, gusto ko muna kasing mapag-isa.

Pakiramdam ko ay hindi pa ako handang makisalamuha sa kanila. Maya-maya pa ay nakahanap na rin agad ako ng upuan, malapit ito sa bintana sa dulo ng cafeteria.

I started having my lunch when all of the sudden somebody grabbed my arm. I looked up and I saw a familiar face of a girl. The Chinese girl who I met earlier.

Umupo siya sa harapan ko at biglang inagaw ang sandwich na kakainin ko na sana. Pinanood ko lang siya na ubusin ito at pagkatapos ay biglang dinampot ang softdrinks na binili ko. Kapal ng mukha nito, ah.

"In fairness ang sarap ng pagkain dito sa Cyber High," saad niya habang dinidilaan pa ang daliri niyang may naiwan na palaman ng sandwich.

Ano ba talagang problema ng babaeng ito at ayaw niya akong tantanan?

"Hoy, ikaw ah, talaga bang inuubos mo ang pasensya ko?" kalmado pero naiinis kong tanong sa kaniya, agad naman siyang tumingin sa akin at nagulat ako nang ngitian niya lamang ako. Halos mawala na ang mata niya dahil sa ngiting iyon.

"Alam mo lonely kasi ako. Walang gustong makipagkaibigan sa akin kaya noong una kitang makita naramdaman ko na agad na ikaw ang magiging una kong kaibigan dito," mahaba niyang litanya.

Pagkatapos niyang magsalita ay inayos ko na ang gamit ko upang umalis dahil baka hindi ko siya matantiya at baka kung ano ang magawa ko.

"Alam mo babaeng Chinese, wala akong panahong makipaglokohan sa iyo. For sure kaya wala kang nagiging kaibigan dito dahil diyan sa attitude mo," walang gana kong sabi sabay tayo at akmang aalis na nang bigla na naman niyang hawakan ang kamay ko.

"Please, be my friend at tutulungan kitang makuha si Reed."
Natulala ako dahil sa sinabi niya, agad akong humarap sa kaniya at tinitigan siya nang maigi.

"What did you say?"

"Yes, tama ka nang pagkakarinig tutulungan kita kay Reed," sabay ngiti na halos nakapikit na ang mga mata.

"Paano mo ako tutulungan, magkakilala ba kayo at teka nga, paano mo nalaman yong tungkol kay Reed?" nagtataka at sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

Nagulat ako nang itulak niya ako pabalik sa pagkakaupo saka umupo rin siya na nakaharap sa akin.

"Alam mo kung bakit, noong una kitang nakita kanina alam ko nang may gusto ka kay Reed at kitang-kita ko iyon sa mga mata mo noong tinulungan ka niyang makatayo kanina."

Teka halatang-halata ba ako?

"Doon ko nalaman na may gusto ka kay Reed. Kakaiba kasi yong tingin mo sa kaniya eh, may halong pagnanasa." Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko na lang nahampas ng librong dala ko si Miss Chinese.

"Aray ko girl, para saan naman iyon?" naasar niyang saad.

"For your information, wala akong pagnanasa kay Reed, gusto ko lang siyang bumalik sa akin katulad nang dati!" mariing paliwanag ko.

Addicted To You |BxB| (Published Under TBC Publications)Where stories live. Discover now