Julia's P.O.V
Omayghad! hanggang ngayon ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Ano ba ito hindi ako makatulog kakaisip, naaalala ko pa rin 'yong sobrang pagka lapit ng mukha n'ya sa mukha ko. Doon kaya s'ya nag aaral sa eskwelahan na pinapasukan ko? Hayss nakakainis naman. Matutulog na nga ako.
Gelo's P.O.V
Ano kaya mangyayari saakin mamaya sa school? May mangyayari ba kaya talaga? hindi ako nakatulog ng maayos dala na din ng pag babanta nung mga kaklase ko tungkol doon sa monclaro ba 'yon, hays ewan.
"Liyahh! Gumising kana d'yan papasok pa tayo sa school". gising ko sa kapatid kong naka hilata at ang himbing ng tulog.
"Liyah anak, gising na". gising din ng nanay namin sakanya.
"Eh!! Ayoko pala!" Sabi ni liyah ng may pag mamaktol.
"Osige! Bahala ka hindi mo makikita yung crush mo". pag babanta ko sakanya
Agad-agad namang dumilat ang mata ni liyah ng biglaan kong banggitin sakanya yung lalaking hinabol n'ya na sabi n'ya crush n'ya daw.
"Eto na maliligo na!" Sigaw nya sakin na ang taas nang energy.
Trisha's P.O.V
"Oh basta 'yang mga lubid nayan hihilain n'yo yan pagka pasok na pagka pasok nung boy dito sa loob ng building, naintindihan n'yo ba?"
"Oo sha!" Sagot nina rose,cloe at yna.
"Very good, tignan lang natin kung hindi mapikon sakin iyon". sabay ngisi ko.
Gelo's P.O.V
Nang makapag ready na si liyah, agad agad na kaming bumyahe papuntang skwelahan.
"Hoy mamaya, hindi ako sasabay sa'yo". Sabi saakin ni liyah na seryosong naka tingin saakin.
"Ha? At bakit naman?" Tanong ko.
"Basta hindi ako sasabay". Sagot n'yang halatang ayaw talaga sumabay.
"Hahanapin mo yung nakita natin kahapon noh?" Pang aasar ko sakanya.
"Che! Ewan ko sayo paepal ka talaga hmp". Pikon nito saakin.
"Osya, oo na. Basta mag iingat ka kapag pauwi kana ha". Bilin ko sakanya.
"Oo na".
Gelo and Trisha's P.O.V
Nang makarating na sina gelo at julia sa school, agad agad bumaba si liyah tapos tumakbo papalayo kay gelo at nag paalam. Nang lingunan ni gelo ang campus papunta sa building ng room n'ya walang ka tao tao. Ang creepy naman dito kahit na umaga, asaan na ang ibang estudyante?. Sa isip ni gelo.
"Hilaaa!!!"
Na alerto ang tenga ni gelo ng may biglaan s'yang narinig na sigaw ng babae. Kaya biglaan s'yang lumingon sa taas. ng pag lingon n'ya may nakita s'yang mga naka handang balde at mayroong lubid.
"HAHAHAHA" tawa ng babae.
Puro putik at may mga maliliit na bato, ang ibinuhos kay gelo. Shit! Ano 'to?! ng lingunan ni gelo ang palagid n'ya nag sipag labasan na lahat ang mga ibang estudyante at naka tutok sakan'ya ang kani kanilang selpon habang tinatawanan si gelo.
"Naka-ka awa"
Nilingunan ni gelo ang likod n'ya ng marinig n'ya ang pamilyar na boses na nag salita. Nakita n'ya ang babaeng naka away n'ya dahil sa upuan,
oo! S'ya nga. S'ya nga ang sinasabi nilang dapat kong katakutan.
"Ano? Hindi mo ba nagustuhan ang regalo ko sayo?" Sabi ni trisha kay gelo.
"Ano bang problema mo?!" Sigaw ni gelo sa mukha ni trisha.
"Oh, easy baka makain mo'ko n'yan" pang aasar ni trisha kay gelo.
Sa sobrang inis ni gelo, ang makapal at madikit na putik na nasa damit at buhok n'ya na nag kalat pilit n'yang dinukot at ipinahid sa mukha ni trisha.
"Fuck!!" Sigaw ni trisha.
"Yan buti yan sa'yo" asar ni gelo.
Agad tinulak ni trisha papalayo sakanya si gelo, at pilit pinupunasan ang putik na pinahid sa mukha n'ya gamit ang kamay n'ya na pang punas.
"At ang lakas talaga ng loob mong ganyanin ako noh?!" Sigaw ni trisha kay gelo. Habol pa n'ya ng,
"Wala ka talagang takot sa'kin ha!?Tignan mo lang mangyayari sayo". Pag babanta ni trisha.
"At bakit naman ako matatakot sa tulad mo?" Pang iinsulto ni mark.
Napahinto sa dahan dahang pag lakad si trisha palayo ng marinig n'ya ang sinabi ni gelo.
"Isa ka lang namang tao". Habol pa ni gelo.
"Tao na walang alam sa buhay kundi pag tripan ang ibang tao, siguro yan ang turo ng magulang mo sa'yo". Pang iinsulto ni gelo.
Nagulat ang lahat na estudyante sa sinabi ni gelo at pinatay ang video cam. tiyaka nanahimik ang lahat. Sabay naman ng biglang pag takbo ni trisha papalapit agad kay gelo at hinaltak ang kwelyo n'ya.
"Iniinis mo talaga ako!!" Sigaw ni trisha na nanlilisik ang mata.
"Mag sorry ka! kung gusto mong matapos na'to" utos ni trisha kay gelo.
"At bakit naman ako mag sosorry? Tignan mo nga ang itsura ko? Puno ng putik ang katawan ko at ang dumi dumi ko na, tapos ako pa ang mag sosorry? Hindi naman tama 'yon". Sabi ni gelo kay trisha. At bigla n'yang tinulak si trisha para bitawan ang pag hawak sa kwelyo n'ya.
"Ito ang tatandaan mo, pumasok ako sa eskwelahan na 'to para mag aral ng maayos, ayoko ng gulo o kahit ano. Kaya pwede ba? Tigilan mo na nga 'yang kahibangan mo na lahat ng estudyante tatakutin mo para sumunod sa'yo, tao ka lang, hindi ka DIYOS". Sigaw ni gelo kay trisha.
"Baket? Nakaka pikon ba? Kulang pa yan. Nag sisimula pa lang ako" ngisi ni trisha kay gelo at habol pa n'ya nang.
"I will make you say sorry to me, tandaan mo yan, luluhod ka sa harapan ko". Banta ni trisha at diretso talikod n'ya.
"Bali baliktarin man ang mundo, hinding hindi ko luluhodan ang tulad mong hindi naman tinuruan ng magulang". Sabi ni gelo kay trisha sabay lakad papalayo.
"Oh my ghad sha, and dumi ng mukha mo puro ka putik" sabi ni yna kay sha.
"Btch think?! Syempre pinahiran ako ng putik so definitely madumi talaga mukha ko!". Iritang sabi ni trisha kay yna.
"Kayo?! Hindi pa kayo aalis?! Tapos na yung palabas! Layas!". Sigaw ni sha sa ibang estudyante.
"Humanda talaga sakin 'yong lalaking 'yon. Mag babayad s'ya sa ginawa n'ya. Simula pa lang 'to". Sabi ni sha sa mga kaibigan n'ya habang nanlilisik ang mata.
ESTÁS LEYENDO
𝑨 𝑫𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒄𝒆 𝑩𝒆𝒕𝒘𝒆𝒆𝒏 𝒀𝒐𝒖 𝒂𝒏𝒅 𝑴𝒆
Romance(A Distance Between U And Me). is all about the two people with different status and lifestyle. This story will make you believe that TRUE LOVE DOES EXIST. A lot of people nowadays look for the person's physical appearance, and their background prof...
