Broken 19Third Person Point of View
Naramdaman ni Evette na parang hinila siya at isinakay sa ambulansya. Naririnig niya ang nakakabinging siren nito. Agad niyang nilibot ang kanyang paningin at tinignan ang kanyang tiyan.
Nakita niya ang isang nurse. Agad niya itong hinawakan at ngumiti. Nagulat ang nurse at agad na nerespondihan siya.
"P-please... Buhayin mo ang anak ko... Ang anak ko lang please. W-wag na ako... Ang anak ko nalang..." Sabi niya ng nanghihina. Agad na naiiyak ang nurse sakanyang pagmamakaawa na buhayin ang anak niya at hindi nalang siya.
"Mabuhay ka anak... Mabuhay ka, Lumiere Owen Corpuz Monzanto... Mahal ka ni Mama." Huling sabi ni Evette bago binawian ng ulirat.
'Mali bang minahal kita Naveen? Mali bang magmahal sayo? Katapat ba ng pagmamahal ko sayo ay buhay ng anak natin?
Pakiramdam ko ay madumi ako. Nirape ako ng pinagbigyan ko ng tiwala. Nagpakabulag akong hindi si Nalia ang kabit mo.
Pinagsisihan kong minahal kita Naveen. Pinagsisihan kong naging kaibigan kita Ram. Pinagsisihan kong naging Sekretarya kita Nalia.
Ryu... Sana ikaw nalang yung minahal ko. Pero alam ko sa sarili ko na kahit ipilit ko ang sarili ko sayo, hindi parin iyon mangyayari.
Dahil si Naveen ang kumakatawan sa puso ko, nasa kanya ang puso ko. Mahal na Mahal kita Naveen. Hanggang sa aking kamatayan, mamahalin parin kita.'
--
Samantala, sa bahay ng mga Corpuz, nagulat sila ng makitang si Evette ang ibinalita ngayon sa TV nila. Isa itong breaking news at nakunan mismo sa kamera."Isang babaeng buntis, Nabangga ng SUV. Tumilapon! Napagalaman na ang Babaeng ito ay ang Presidente ng kinikilalang companya sa buong Mundo. Si Evette Corpuz. Nakita itong tumatakbo habang sigaw ng sigaw ng pangalang babanggitin nating Naveen. Nagpapatrol, Noli de Castro." Sabi ng nagpapatrol. Agad na napatayo si Mrs. Corpuz at hindi mapigilang umiyak dahil sa nangyari sakanyang anak.
"Pang, si E-evette..." Tawag niya sa asawa niya. Namumuo ang galit at poot si Mr. Corpuz kaya dali dali niyang ipinatawag ang kutsero nila at sumakay.
"TAWAGIN MO SI MANG NESTOR! ILOCATE KUNG SAANG HOSPITAL DINALA ANG ANAK KO!" Sigaw ni Mr. Corpuz at tinatahan ang kanyang Asawa na iyak ng iyak sa loob ng kotse nila.
"Mag babayad kayo sa ginawa niyo saaking anak at apo! Hindi ko kayo mapapatawad!" Diin na sabi niya. "Dalian mo! Putang ina!" Sigaw ni Mr. Corpuz.
Tumango si Mang Nestor at agad na binilisan ang pagmamaneho ng sasakyan.
"P-pang... Ang apo natin.. si Evette..." Hindi magkamayaw na pagdadalamhati ng ina. Hinalikan ni Mr. Corpuz si Mrs. Corpuz sakanyang buhok at niyakap.
"Hindi sila papabayaan Mang.. Hindi ko hahayaang mamamatay si Evette kasama ang apo natin.."
--
Samantalang nasa hospital ang mayordoma. Napamahal Ito ng sobra kay Evette at itinuturing anak niya ito.Umiiyak ang mayordoma at si Mang Isidro sa nangyari. Biglang dumating ang magasawang Corpuz at galit na galit na tinignan sila.
Lumuhod si Mang Isidro at ang Mayordoma sakanilang harapan.
"Patawad po Ma'am Sir! Patawad! H-hindi po namin naalagaan si Evette. P-patawad!" Sabi ng dalawa habang umiiyak. Dahil para sakanila, si Evette ang pinakamagandang batang nagbigay sakanila ng bahay at nagpaaral sakanilang mga anak.
Humagulgol ulit si Mrs. Corpuz at niyakap ang mayordoma. "S-sinong gumawa nito sa anak ko Dehlia? Sino?" Sakit na sabi ng babae.
"M-maguurong po kami ng kasong Rape kay Mr. Ram. N-nakita ko pong nirerape siya. Nagsisigaw din po siya kung bakit siya nirape..." Sabi ni Mayordoma Dehlia.
"S-sasampahan ko siya! Putang ina!" Sigaw ni Mr. Corpuz.
Biglang bumukas ang pinto ng Operation Room at tinignan sila ng parang bigong bigo.
"Goodmorning Mr. And Mrs. Corpuz, Your apo is born at exactly 12 AM. But im sorry for your lost." Sabi ng doktor. Biglang napaluhod si Mrs. Corpuz at umiyak.
"P-please don't tell us.."
"Your daughter is Dead. The nurse said she was begging to let her son live. She died while your grandson is alive." He said. "Please excuse me." Sabi ng doctor at umalis na.
Biglang hindi makahinga si Mrs. Corpuz at nahimatay dahil sa nangyari. "MANG!" Sigaw ni Mr. Corpuz at magpatawag ng medic.
Umiiyak ang lahat sa sinapit ni Evette. Wala na. Patay na ang anak ni Evette. Kamamatay lang kaninang alas dose. Wala na ang anak nila Mrs. Corpuz.
Sobrang dalamhati ang nararamdaman ni Mr. Corpuz. Sobrang galit, poot at sakit ang kanyang pilit na iniinda. "My daughter..." Bulong niya at napaiyak nalang.
--
Araw na ng libing at hindi parin matanggap ng Pamilya Corpuz na patay na ang kanilang nagiisang anak.Ayaw nila na puntahan sila ng mga Monzanto dahil naniniwala silang dahil kay Naveen ay namatay ng tuluyan ang kanilang anak.
"Evette... Why? Why did you left me?" Tanong ni Ryu habang nakatingin sa kabaong unti-unti ng binababa. Umiyak siya at di mapigilang mapaupo.
"I failed to save you.." sabi niya at umiyak ng umiyak. Habang sila Sobo Riko naman ay umiiyak na yakap yakap ang kanyang asawa na nakatingin din sa kabaong.
"I-i can't take it anymore Evette." Sabi ni Ryu. Humagulgol siya ng humagulgol.
Nasa preso ngayon si Ram dahil sa kalapastangang ginawa nito. Ayaw ng mga Corpuz na palabasin siya sa kulungan. Kahit na lumuhod ang kanyang pamilya sakanila ay hindi parin sila nito pumayag.
Wala ng balita ang mga Corpuz kay Naveen. Hindi sana sila papayag na gawing Monzanto si Lumiere kaso iyon ang huling nasambit ni Evette sa kanyang pagkamatay.
Hanap-hanap parin sila sa kasama ni Ram na dating sekretarya nito. Kasabwat daw ito sa pinsalang nagawa ni Ram.
Habang ang anak naman ni Evette ay nanatili sa hospital dahil pre-mature pa ito.
Tumayo si Ryu at pinahid ang kanyang luha. Tumingin siya sa langit habang naka kamao ang kanyang kamay. Hindi niya mapapatawad si Naveen sa salang ginawa nito. Kung sana malakas siya, siguro nakuha niya ito.
Kung sana may kapangyarihan lang siya, nagawa na niyang burahin sakanyang isipan si Naveen. Kung sana lang.
"He broke your dreams Evette. He broke your vows. His your Broken Vows."
Unti-unting tumutulo ang luha ni Ryu habang nakatingin parin sa kalangitan. Sumabay ang ulan sakanilang pagdadalamhati.
"May your soul rest in peace Evette. My love." huling sambit ni Ryu at umalis na sa sementeryo.
Sa kalayuan, andun nagmamasid ang mga Monzanto. Alam nila ang sakit kung bakit ganyan ang mga Corpuz ngayon at galit na galit sakanila.
"We're sorry." Sabi ni Flores at tinignan na lamang nag aalisan ang mga Corpuz sa libingan habang umiiyak parin.
"Kasalanan mo to, Naveen." Sisi ng kanilang Ina. Tumahimik nalang si Flores at naglakad papalapit sa pinaghukayan ni Evette.
"Patawad."
--A/N:
EPILOGUE NA TAYO!! HORAAAYY!

YOU ARE READING
Broken Vows (COMPLETED)
RomanceFairy tales, Happily Ever Afters, Happy Endings, Evette dreams to have those kind of stories in her life. She believe life like that are always happy even if may kaunting gusot. And yes, Evette finally lives a life like that. With her prince charmin...