Give and take

21 0 0
                                    

  "It's nice seeing you again,Hija."kitang-kita ang kagalakan sa mukha ng ginang nang salubungin siya nito at yakapin.Naglakas loob siyang pumuntang mag-isa sa bahay ng mga ito at siyempre na-miss niya rin ang ginang.

Nginitian niya ito."Ako din po,Tita."

  "Ilang linggo ka na ring hindi bumibisita dito,nag-away ba kayo ni Lokie nitong nakaraan?"kuryosong tanong nito sa kanya.Medyo hindi na nga rin sila nagkikita ng binata at hindi naman din siya inaaya ulit para pumunta dito.

  "Po?Ay,hindi naman po,Tita.Naging abala din po kasi ako lately."medyo may ilang na sagot niya.Totoo naman iyon pero kung gugustuhin naman niya o kung niyaya man siya ni Lorcan ay papayag din naman siya.

  "Sigurado ka ba?"naniguro pang tanong nito.

  "Yes po,Tita."tila hindi ito kumbinsido pero hindi na rin nag-usisa.Parang marami pang gustong sabihin ang magandang maybahay ng mga Mondemar.

  "Halika sa kumedor,Hija.Tikman mo ang specialty kong lasagna kung papasa ba sa taste mo."this time ay ngumiti na ito.Magkaabrisete pa silang tumungo sa kumedor.Pasimpleng hinahanap ng mga mata niya si Lokie pero hindi niya pa ito nakikita.Nadismaya siya dahil doon.

  "Are you looking for my son?"may panunudyong tanong ni Lexandria sa kanya.Napansin pala siya nito. Agad siyang pinamulahan ng mukha.

  "Ahmmm...Opo,Tita eh.Nasaan po pala siya?"nahihiyang tanong niya sa ginang kahit parang gusto niyang bawiin ang itinanong niyang iyon.

Nakakunot-noong tinitigan siya ng ginang. "I don't know,Hija.Siguro ay busy sa kumpanya.Dalawang araw na siyang hindi napaparito.Hmmm,hindi ba niya sayo pinapaalam?Tell me."medyo naging seryoso ang ekpresyon ng mukha nito.

  "Kasi po...kasi..."hindi niya maapuhap ang isasagot.Ayaw niya namang may mabiglang masabi at baka mabuko pa nito ang pagpapanggap nila.

  "My God!Dapat lagi mong inaalam ang mga whereabouts ng boyfriend mo.Kilalang chick magnet si Lokie.Although,nakikita ko namang mahal ka niya talaga at seryoso siya sayo."pangaral ng ina ni Lokie sa kanya.

Seriously? Imposible iyon. Mag aling lang sigurong aktor ang lalaking iyon.

  "Kung may hindi kayo pagkakaunawaan ng anak ko, ayusin niyo kaagad.Huwag niyo nang patatagalin pa.Kayong dalawa lang naman din ang mahihirapan.Dapat marunong kayo ng give and take."dagdag pa nito.

 " Yes po, Tita. Bibisitahin ko na lang po siya sa opisina niya mamaya."wika niya.

  "That's good, Hija..You know what Ameerlyna,...I really like you for my son.I'm always praying na sana ay kayo na talaga ang magkatuluyan hanggang sa huli."nakangiting saad nito habang sinasalinan siya nang pangalawang batch ng bake lasagna sa kaniyang platito.Ginantihan niya naman ng ngiti ang babae.

Sana nga po, Tita...Sana...At sana ngang totoo ng mahal ako ni Lokie dahil ...mahal ko na siya...

Guilty In Love (on-going)Where stories live. Discover now