Kabanata 13

5K 108 11
                                    

Kabanata 13


Palawan


Ang sabi ng iba'y kapag nakabilang ka na sa iyong isip ng isang daang tupa ay makakatulog ka na pero hanggang ngayo'y gising pa din ako.


Pagkabalik ko kanina sa kwarto'y halos sampung minuto lang ang lumipas ay iniluwa na din ng pintuan si Atlas. Tinanong niya lang ako kung may kailangan ba ako pero hindi ko siya pinansin kaya't wala siyang nagawa kundi ang umalis.


Nang gumabi na ay siya ang nagdala ng hapunan ko ngunit hindi ko pa din siya pinansin. Nanatili lang ako sa kama ko at hinintay siyang makaalis bago ko kainin ang dala niya. Naglinis din ako ng aking katawan kahit na hirap na hirap ako para maging presko ang aking pakiramdam at makatulog ng mahimbing pero baligtad ang nararanasan ko ngayon.


"I want to sleep," sambit ko sa aking sarili at saka ako nagtalukbong ng kumot, umaasang makakatulog na din ako paglipas ng ilang minuto.


Naka ilang biling din ako sa kama bago ako tuluyang dalawin ng antok.


Kinabukasan, nagtungo na nga kaming dalawa sa hospital at halos dalawang oras lang ay natapos din ang test na kailangang gawin sa akin.


Para akong batang nagmamasid sa lahat ng makikita ko sa labas. Sayang at nag-aya na kaagad akong umuwi dahil biglaang sumama ang pakiramdam ko.


"Are you alright?" he asked me.


Tumango lang ako at sinubukan kong maging komportable sa pag-upo. I just tried to take a nap, baka kulang lang ako sa tulog.


Nagising na lamang ako na malambot na ang aking hinihigaan. Nahirapan akong tumayo dahil sa bigat ng aking nararamdaman. Nilalagnat yata ako.


Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kwarto at saktong kakalabas lang din ni Atlas sa kwarto niya.


His eyebrows furrowed when he saw me struggling to walk. Bumilis ang lakad niya para tawirin ang distansya sa pagitan naming dalawa.


"Nilalagnat ka," bungad niya kaagad matapos ilagay ang kaniyang palad sa aking noo.


Nawawalan ako ng balanse kaya't hinapit niya ang bewang ko papalapit sa kaniya. His musky and fresh scent started to linger on my nose. Mukhang kaliligo niya lang pala.


"Tatawagan ko ang doktor mo. Let's go back to your room," baritono niyang aya sa akin at inalalayan akong pumasok sa kwarto.


"Ah!" napasigaw ako ng bahagya dahil sa biglaan kong pag-upo. Ibinaba niya kaagad ang kaniyang telepono para tingnan kung anong nangyari sa akin.


"Nasaan ang masakit? Alin?" nag-aalala niyang tanong kaya't napatingin ako sa kaniyang mga mata.


His eyes are telling me how worried he is right now, kahit na nilalagnat lang naman ako. Siguro'y nabigla lang ang katawan ko dahil sa pag-alis namin kanina.

Enduring the Pain (Surigao Series #1)Where stories live. Discover now