Tsapter Tri

8 0 0
                                    

Dumarating din yung time na nakakakita kana ng mga palpak side sa partner mo,

Pwedeng dahil kasi yun sa hindi mo muna pagkilala sa kanya ng lubusan,

May kakilala akong ganito,

Palagi niyang sinasabi sa akin na "Kailan kaya ako makakahanap ng matinong lalaki?"

Sasabihin ko na sanang "bulag kaba?! nasa harapan mo oh!",

Nang biglang naalala kong hindi pala ako matinong lalaki, ogag pala ako, ogag,

Hinayaan ko na lang siya,

Hindi ko rin naman masasagot yung tanong niya.

Hindi nagtagal dumating ang time na nagka-BF siya,

Katwiran niya sa akin nangulit daw ng nangulit,

At naalala kong nalabag na niya yung rules sa una kong libro (hanggang kailan kaya ako mag-aantay na mailabas na yun),

Pagbigyan, naramdaman naman daw niyang mahal siya nung lalaki,

And her love story begins to write,

Until...

Nang matiempuhan niya akong nag-iisa (at laking pagtataka ko, palagi naman talaga akong mag-isa),

Ayun at bumulalas ng reklamo sa akin,

Kesyo daw ganito, kesyo daw ganyan,

At marami pang mahabang reklamo na akala niya ata costumer complaint area yung napuntahan niya,

Eto ang sagot ko,

Ang mabait kong sagot,

"ABA'Y KUNG TADTAD KA NA NG REKLAMO, MAKIPAGHIWALAY KA NA!!! HINDI KABA NARIRINDI SA MGA REKLAMO MO?!",

Hindi umimik yung tao, mukhang nasobrahan ako sa mabait kong sagot,

"Eh hindi ko kayang gawin yun kasi mahal ko narin yung lalaking yun eh" sagot ng loka este ng kakilala ko,

"EDI TUMIGIL KA NA SA KAKAREKLAMO, MAHAL MO PALA E TAPOS REKLAMO KA NG REKLAMO, 

PINILI MONG MAHALIN YAN KAYA INTINDIHIN MO YUNG MGA KAPALPAKAN NIYA OR ELSE TAPUSIN MO ANG RELASYON PARA WALA KA NG KONSUMISYON, 

INTIENDES?!"

Tango lang ang naisagot niya,

Ang bait kasi talaga ng sagot ko e,

Ikaw kaya tadtarin ng litanya ng reklamo,

Hindi din kaya bumait ang pagsagot mo?

Awa naman ng langit natuto na yung kakilala kong yun,

Pero hindi sa pagtigil ng pagrereklamo,

Kundi kung kanino na lang dapat lumitanya ng mga reklamo niya,

Dahil alam niya ang isasagot ko kapag sa akin na naman siya magrereklamo.

Reklamo.

Yan yung bagay na gagawin natin kapag wala na tayong pagunawa,

Pwede namang magreklamo kung ang pagkakamaling ginagawa ng partner mo sobra sobra na to the highiest level,

Pero ang mga bagay na hindi natin naiitindihan,

Bawal ireklamo,

Una dapat maintindihan natin.

Para kung alam na natin pwede mo ng ireklamo yun,

Kung karapatdapat ng ireklamo,

Naiintindihan mo ba

Kung hindi ay repeat this passage until fade.

KWENTONG LAV ISTORIWhere stories live. Discover now