CHAPTER 11

10.9K 314 7
                                    

Seven's POV

"Am i dreaming?" hindi makapaniwalang tanong ko. Lahat ng pumunta sa pagpupulong ay lumabas na matapos masabi ni Mr. Simon Legrand ang mga kailangang sabihin nito tanging kami na lang ang natira sa loob na hangang ngayon ay hindi parin makapaniwala sa mga nalaman namin kanina.

"Hindi ko na siguro kailangang ulitin pa ang mga sinabi kanina hindi ba?  Hindi naman siguro kayo bingi para hindi marinig lahat ng 'yon?" wika ni Amber na seryosong nakatingin sa amin. 

Napunta ang atensyon namin kay Rosh na mahinang natatawa tila kasiya-saya para dito ang naging reaksyon namin.
Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na anak ng Legrand si Autumn at siya ang huling babaeng natitira sa mga Legrand.  Kaya pala gano'n na lamang ang pag-aalala ni Amber at Lucas sa kanya at kung bakit gano'n kalapit si Autumn kay Rosh.


Kross tsked, " You should've told us that she's a Legrand. " mababakas ang inis sa pananalita ni Kross.Tinignan ito ng masama ni Amber.

Matalim na tiningin ang isinukli ni Amber dito," We don't have the right to tell anything to anyone. Alam kong alam mo ang bagay na iyon,Miller. " kalmado ngunit bakas ang inis sa boses ni Amber.

Shes has point but we still can't believed na nagmukha kaming tanga sa mga ginawa namin kay Autumn.
Well,wala naman akong masamang ginawa kay Autumn kaya alam kong wala akong kasalanan hindi katulad ni Kross.

"Paano namin siya mapoprotektahan kung hindi namin na siya ang anak ni Mr. Simon? " balik na sagot ni Kross na lalong nakapagpainit ng ulo ni Amber.

" Idiot!  Huwag makitid ang utak mo, Miller! We are just protecting Autumn. At hindi kami gagawa ng hakbang na walang sinasabi si Mr. Simon." halos sabunutan na ni Amber ang buhok niya dahil sa sobrang inis nito kay Kross.  I can't blame her,  kung isang Kross Miller lang naman talaga ang kausap mo ay tiyak na mauubusan ka ng pasensya.

"If you are questioning our decision kay Tito mo dapat mismo sinasabi ang bagay na iyan. Dahil sumusunod lang kami sa utos na ibinibigay sa amin dahil'yon ang patakarang mayro'n ang samahan." nakangising wika ni Rosh at naglakad patungo sa pinto.Tila natauhan naman si Kross sa sinabi nito at hindi na nagsalita pa at masama lang na tinignan si Rosh samantalang ang mga kaibigan ni Kross ay nanatiling tahimik.


"Where are you going?" Amber asked Rosh.

"Babalik na ako sa University.I need to check on her.Ikaw ng bahala magpaliwanag ng lahat sa kanila" wika nito tuluyang lumabas ng silid.


" Makinig kayo. " agaw ni Amber sa atensyon namin matapos makalabas si Rosh.


"Kailangang bantayan ng mabuti si Autumn.Kailangang alam natin ang bawat galaw niya dahil ano mang oras ay maaari na namang umataki ang Pentagon.Kung kinakailangang 27/7 natin siyang bantayan ay gagawin natin.Mr. Simon Legrand already asked permission to your parents regarding on this matter.Inaasahan namin na makikipagtulungan kayo para sa kaligtasan niya." Paliwanag nito.

"Hindi madaling kalaban ang Pentagon siguradong hindi sila titigil hanggat hindi nila napapatay si Autumn. " ngayon ay wika ni Gab na kanina ay tahimik lang.

"Alam mo din ba na siya ang anak ng Legrand? Magkaibigan kayo ni Lucas kaya imposibleng wala kang alam. " nakangising wika ko dito.

"Seven is right.  Siguradong alam mo rin ang tungkol kay Autumn. " Duke added.

Anong masamang hangin ang nagtulak sa taong ito para sumangayon sa sinabi ko?

"Don't lie to us ,Bautista. " Jack also said.

EAST UNIVERSITYOnde as histórias ganham vida. Descobre agora