77

2.3K 76 34
                                    

JEMA’S POV

Agad kong kinuha ang susi ng sasakyan ko.

Hindi ako pwedeng mag kulong dito sa kwarto. Baka mag bigti nalang ako.

Nagpunta ako sa isang bar.

Parang nauuhaw ako bigla ng alak. Good thing walang pipigil sa akin.

Naupo ako sa isang table sa pinaka gilid kung saan hindi gaanong napupuntahan ng tao.

“Ma’am what’s your or-“

“I bucket. Yung matapang”- hindi ko na pinatapos pa ang tanong ng waiter.

“Matapang po? Are you sure, Ma’am?”- tanong nito.

Sinamaan ko naman ito ng tingin.

“Mahirap ba intindihin yun? Basta bigyan mo ako ng kahit anong alak na matapang!”- medyo badtrip na sagot ko.

“O-okey, Ma’am”- agad na tumalikod ang waiter. Natakot ko ata ito.

Hindi nag tagal dumating ito na may dalang isang bucket ng alak.

Binayaran ko na rin ito ng sobra para incase na malasing ako hindi na nila kailangan pang tumawag ng kakilala ko para mag bayad.

Sinimulan ko na ang pag inom.

Nakatingin lang ako sa kawalan.

Naalala ko si Deanna.

“Tang ina”- sabay lagok ng alak.

Halos gumuhit sa lalamunan ko alak dahil sa tapang nito.

Hindi ko masisi si Deanna.
Lahat ng meron kami ni Deanna ay isang malaking sikreto.
Alam ko iyon, pero ang sakit palang malaman at marinig na hindi ka kayang panindigan ng mahal mo sa harap ng mga magulang nya.

Pangalan ko palang parang ayaw na ako ng magulang nya.
Ano ba naman kasi ang maipagmamalaki ko? Volleyball player lang ako.

Sunod-sunod ko lang ininom ang alak na nasa harapan ko.

Unti-unting tumulo ang luha ko.

“Ano? Mahal mo pa? Mahal mo pa pala, e”- kausap ko ang sarili ko.

Ano ba naman kasing panama ko sa ibang na li-link kay Deanna, ‘di ba?

“Tang ina mo jema”- mura ko sa sarili ko habang pinupunasan ang luhang tumutulo sa mata ko.

Hindi ko magawang magalit kay Deanna. Hindi ako pwedeng mag demand dahil una palang alam ko na na ganito ang mangyayari.
Una palang nag kasundo na kami na itatago namin ang relasyon na meron kami.

Naikuyom ko ang mga palad ko.
Napahawak ako sa suot kong kwintas na may letter D.

Tuloy-tuloy lang yung luha ko. Ganito pala ang pakiramdam na nasasaktan ka pero wala kang Karapatan na ipaalam sa iba.

I’m on my own. Ang hirap ng ganito.

Isa-isa kong ininum ang alak na binili ko.

Hanggang makaramdam ako ng hilo.

Pinagmasdan ko ang mga taong nasa dance floor.

Tumayo ako pero napakapit ako sa lamesa dahil muntik akong matuba dahil sa kalasingan.

Nagpunta ako sa gitna ng dance floor.
Nakipag sayaw ako sa mga malalapitan ko.

Babae. Lalaki. Kahit sino sinasayawan ko.

“Hi, miss. Looks like mag isa mo lang”- may isang lalaki na lumapit sa akin. May hawak itong isang baso ng alak.

“Mag-isa ko lang din, baka naman pwede natin samahan ang isa’t isa ngayong gabi”- dagdag ng lalaki.

WEAK (Jedean Gawong)Onde histórias criam vida. Descubra agora