chapter19:trouble

2.7K 91 9
                                    

~Continuation~

Jacob's pov:

"Zach"

Hindi ko na sila hinintay pa at nag teleport na sa back part ng academy

Maraming darkirians ang umaatake at may kasama silang giant one-eyed monster na bumubuga ng apoy at patuloy paring pinapasabog ang mga buildings

Kumakalat ang mga studyante dito sa likod na lumalaban at halos sakanila ay nasugatan o di kaya nawalan ng malay

Marami narin sa mga darkirians ang nakahandusay at biglang nasusunog

Maya-maya dumating na sina zander at mga iba pang professor

"Paano sila nakapasok dito? Malakas ang pagkagawa ng barrier na bumabalot sa buong academy"takang tanong ni charles habang patuloy na lumalaban

"There's a dark inside the academy"sambit naman ni anthony

"Students! Get out of here"pagsigaw ni hm kaya agad naman silang nagsitakbuhan palayo

Kaming royalties nalang at sina cyrus pati ang mga professor ang natira dito

Nilibot ng aking paningin ang buong lugar para hanapin si zach pero hindi ko siya makita

Shit! Where is she?!

Nagsitakbuhan ang mga kalaban sa amin at kanya-kanya kaming tinatapunan ng mahika

Sabay-sabay na umatake sa akin ang tatlong darkirian kaya nagpaulan ako ng flame shower kaya namatay ito agad. Nagpalabas narin ako ng fire dagger at pinangtusok sa mga darkirian na lumalapit sa akin

Merong tumakbo papunta sa direksyon ko at tinapunan ako ng maraming shuriken kaya agad akong gumawa ng shield para masangga ito. In-uppercut ko ito at tinusok sa dibdib niya ang dagger at agad itong namatay

Patuloy parin sa paglalaban ang mga kasama ko at unti-unti ng nauubos ang mga kalaban nang tumalon pagitna sa amin ang one-eyed at pinatapon kami gamit ang kanyang malaking axe

Bigla itong bumuga ng itim na apoy kaya kanya-kanya kaming gawa ng barrier ngunit sa lakas nito napatalsik kami

"A-ack"daing ko habang hinahawakan ang balikat ko na dumudugo

"Why so weak royals?"biglang sulpot ng isang dark na nakahood

"Who are you?"seryosong sambit ni hm na inalalayan ng ibang prof dahil sa tama nito

"Nobody"he develishly smirked at us

"Walang hiya ka!"susugudin na sana siya ni prof.black ng inunahan niya ito at nagpalabas ng smoke

Nang nawala ang usok ay meron na siyang hinahawakan na babae na nakaluhod at tinatakpan ang mukha nito ng itim na hood

"Attack and she'll die"sambit niya at tinanggal ang takip

Napasinghap kami ng tinanggal niya ang hood at bumungad sa amin ang mukha ng babae

"Oh my god"napatakip nalang ng bibig sina zoey at sophia pagkakita  nila

Naluha nalang ako sa lagay niya ngayon, her body is full of blood and her left eye is scratched

"Zach"bulong ni cyrus at nakita kong kinuyom ni zander ang kamao nito na halatang gusto na nitong patayin ang lalaki

"Don't hurt her, she has nothing to do with this!"galit na saad ni cyrille habang pinipigilan siya ng iba na umatake

"I know but he wants her"tumaas ang mga balahibo ko ng sabihin niya yun

Susugod na sana ako ng itutok niya sa leeg ni zachy ang isang dagger kaya umatras ako at huminga ng malalim

"She will come with us"

The long lost princess of LITHRO KINGDOMWhere stories live. Discover now