Chapter 1: Stubborn like a Pimple

79 36 1
                                    

Naglalakad na ako pauwi sa bahay ko isang hapon. Medyo malamig ngayon kaya naka-hoodie ako. Medyo may kaingayan pa kasi rush hour pa. Pag-check ko sa relo ko eh fifteen minutes past five na pala.

Napadaan ako sa supermarket, kailangan ko kasing bumili ng something for my dinner.

Ano ba mabibili ko dito?

Hindi naman ako marunong magluto kaya naman sa mga instant foods ako pumunta.

Kasalukuyan akong tumitingin sa mga Japanese cup noodles nang bigla na lang may nagsalita sa likuran ko.

"Anong ginagawa mo dito?" dahil sa gulat ko eh nabitawan ko pa yung cup noodles na hawak ko. Pag lingon ko eh wala akong nakita maliban sa isang lalaki na nakatitig sa 'kin gamit ang mga inaantok niyang mga mata.

"Duh?! FYI! Hindi mo naman pag-aari ang supermarket na to Grey" sagot ko sabay pulot ng cup noodles.

"You're not answering my question" sagot niya.

"Fine! I just came here to buy something for dinner" sagot ko sabay distansya sa kanya.

"Cup noodles? Kahit Japanese yan, wala yang pinagkaiba sa mga cup noodles dito" sagot naman niya.

Tinitigan ko siya ng masama. "Wala kang pake."

Tiningnan ko yung dala niya. May shopping basket siyang dala na may mga gulay at seasonings sa pagluluto. Naka-uniform pa nga siya eh. Sabagay ako din naman naka-uniform kung hindi ko lang suot tong hoodie ko. Same school lang kami ng pinapasukan, pareho kaming fourth year and guess what? Classmates pa kami.

He's Christian Grey Azrael. My "PA" kuno. Malay ko ba. Si Daddy lang naman may gusto nun eh. Kung 'di lang sila naghiwalay ni Mommy eh di sana di ako babagsak sa ganitong sitwasyon. At sa dami ng pwede kong bagsakan sa asungot pang 'to.

And ako nga pala si Athea Yvian Hye Rin (pronounced as 'Ye Rin'). I'm 16 and the one and only child and daughter of Mr. and Mrs. Hye Rin, may-ari sila ng isang publishing house. At wala rin akong pake kung ano ang pag-aari nila o properties na meron sila. And yeah I'm half japanese and half korean but pure filipino at heart.

"I have to look after you. Nangako ako sa Daddy mo na I'll take care of you. Kaya kapag may nagyaring masama sayo, ako ang masisisi" sagot naman niya.

Nanginig ang kamay ko na nakahawak pa din sa cup noodles. Hindi ko maiwasang mainis pag naririnig ko ang pangalan ng parents ko...

"Uhh... Sorry" sabi naman niya agad.

"Di na lang ako magdidinner" sagot ko naman sabay talikod sa kanya.

Pero di pa ako nakakarating sa exit nung pinigilan niya ako sa braso ko.

"Balak ko sanang bisitahin ka this evening. Ipagluluto kita ng dinner if gusto mo. Actually namili na nga ako. It was supposed to be a surprise" sabi niya na may konting ngiti sa labi.

Agad namang napako ang tingin ko sa mukha niya. It was unusual na makita siyang may kahit konting smile sa mukha niya. Mas okay siyang tingnan na nakangiti kahit onti lang. Dun ko lang narealize na...

...

...

...

...totoo pala ang End of the World.

"Okay. Pumunta ka kung gusto mo. And thanks!" sagot ko naman sabay lakad palabas.

And he is the most stubborn PA I've ever had. Naka-ilang PA na kasi ako. Walang tumatagal ng isang buwan. Hindi kasi nila kinakaya ang attitude ko eh. Ako na mismo ang nagpaparamdam sa kanila na rejected sila. Wala akong sinesanteng PA, nag-resign silang lahat.

Committedly Inlove at a Tragic MomentWhere stories live. Discover now