TAGU-TAGUAN
By: Moira Dela torreMinsan, isang araw
Puso'y napasigaw
Nahulog sa iyo
'Di ko na matanaw
Pangangatwiran ko'y
'Di na mapagkatiwalaanUmasa sa iyo
'Di na mabibitawan
Na baka sakali lang
'Di na masasaktan
Ngunit pangangatwiran
Mo'y 'di mapagkatiwalaanKaya't pipikit na lang
Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Masarap magmahal 'pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo
Nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraanLangit ang natanaw
Pangarap ay ikaw
Lupa ang nabigay
'Di nakapaghintay
Sana nagpatintero
At naiwasan ang impiyernoKaya't pipikit na lang
At baka-sakali langTagu-taguan, maliwanag ang buwan
Masarap magmahal 'pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo
Nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraanPagdating sa dulo
Ako'y nasaktan mo
Sinubukang 'paglaban
Sigaw ng puso ko
Ngunit ba't pipilitin
Ang 'di naman para sa akin?Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Masarap magmahal 'pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo
Nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraanTagu-taguan, maliwanag ang buwan
Masarap magmahal 'pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo
Nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraanNu'ng 'di pa naiwan (nu'ng 'di pa naiwan)
Nu'ng 'di pa naiwan (nu'ng 'di pa naiwan)
Nu'ng 'di mo iniwan (nu'ng 'di mo iniwan)
Hmmm
