51. Love On The Line

630 14 0
                                    

Chapter Fifty One
Love On The Line

NAGTAMBAK ang mga kinuhang gamit ni Candice sa condo ni Becky sa Cavite.

Nasa isang sulok ang mga ito at nagmistulang kalat. Dalawang lampshade, dalawang suitcase, mga libro, toiletries, at kung ano-ano pa habang ang tatlong magkakaibigan ay nakaupo sa sofa. Napapagitnaan si Candice na sapo ang sariling mukha ng dalawang kamay. This time ibang Candice na ang kaharap ng mga ito. Mahina at umiiyak.

"Okay ka lang, besh! Kanina ka pa umiiyak eh," may pag-aalalang tanong ni Becky.

"The mere fact na nag-alsa balutan na s'ya that means she already accepts her defeat. Tama ba, besh?" si Lexie ang sumagot.

Sa narinig ay lalong lumakas ang pag-iyak ni Candice at lalong tinakpan ang mukha gamit ang dalawang kamay. Umeko ang hikbi niya sa buong living room.

Hindi pa ito nakunteto.

Dumapa s'ya sofa upang isubsob doon ang mukha. Ito ay upang takpan ang mukha dahil sa kahihiyan at upang hindi makita ng mga kaibigan na luhaan s'ya at talunan. Bagay na ngayon lang nangyari.

Napaalis ang dalawa sa tabi n'ya nang s'ya ay dumapa. 

"Tahan na, besh." Hinagod ni Becky ang likod n'ya.

Dinig pa rin ang malakas n'yang paghikbi.

"I'll go get some water. This ain't good. Baka pa s'ya himatayin," ani Lexie na nagmamadaling tumayo na at nagtungo sa kusina.

Makaraan ang ilang sandali finally ay nahimasmasan na si Candice.

Naka-indian sit s'ya sa sofa habang umiinom ng tubig. Pinunasan n'ya muna ang magkabilang pisngi gamit ang likod ng mga palad bago nagsalita.

"Thank you, guys. I've never been this weak my entire life." At naiyak na naman s'ya.

"Shhh!" Lumapit si Becky sa kanya at pinunasan ang luha n'yang dumausdos na naman sa kaliwang pisngi n'ya.

Ang luhang kasing lamig ng pakiramdam n'ya ngayon at ng gabing  totoong nakipaghiwalay na sa kanya si Brent. She never imagined that one day it could really happen.

"I went there just to piss him off and eventually who knows I might seduce him and take him back. Ginawa at sinubukan ko iyon bago ko gawin ang huli kong plano...but..." aniya sa basag na boses. "But what happened is just the other way around," tuluyan na naman s'yang bumigay at napaiyak na naman.

Tinulungan naman s'ya ni Lexie na iangat ang kamay na hawak pa rin ang baso ng tubig upang s'ya ay muling makainom.

"Nainis kasi ako nang malaman kong nagpapapasok na s'ya ng ibang tao sa bahay namin. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nagwala ako."

"Andie..." niyakap na s'ya ni Becky.

"Whatever have had happened is nothing. The humiliation, that's nothing. Compared to the feeling I am  feeling right now. He already broke up with me. He said we're over right in front of my face. Pagkatapos ay hinabol na n'ya ang babaeng 'yon."

"So, what will you do now?" tanong naman ni Lexie na naupo na sa tabi n'ya.

"Yes, I may be defeated now but not for long..."

"What do you mean?" si Lexie ulit.

"I still have one more attack before I finally say it's over," sagot n'ya kay Lexie sabay tingin dito. "Maaring tapos na para kay Brent o tapos na ang laban ko sa kanya but with that girl. Still, I am not yet done," buong tapang na saad n'ya.

Humigpit pa ang pagkakahawak n'ya sa basong kanya nang inangat para sa huling lagok niya ng tubig.

~~

I Got You (Complete)Where stories live. Discover now