1800's - Meet Ophelia

847 31 16
                                    

" Maam Ophelia, kukunin ko na po ang pagkain nyo. " sabi sa akin ni Manang Celia.

Hindi ko sya pinansin, pero nakita ko sa gilid ng mata ko na kinuha nya ang tray na may lulang di nagalaw na pagkain. Naaninag kong napangiwi sya at saka lumabas ng pinto. 

Nagpatuloy ako sa pagtingin sa saradong bintana. Maaliwalas tingnan ang kwarto ko dahil mataas ang araw sa labas. Pumapasok yung sinag ng araw sa bintana. 

Kung hindi ako nagkakamali, alas tres na ng hapon. 

Nilinga linga ko ang kwarto ko. Ang kwarto kong puro puti ang gamit. Napakaaliwalas tingnan. Napakasarap sa mata kung sa iba. 

Napakasaklap para sakin.

Tong lahat ng puting gamit nato.. itong suot kong puting damit.. yung puting pader, puting kurtina, kama.. sinisimbolo nito ang isang bagay na malapit ko nang makuha matapos ang matagal na panahon..

Kalayaan..

*flashback*

" Mama! " sigaw ko habang tumakbo ako papalapit sa mama kong nakahandusay sa sahig.

Kakagaling ko nun sa labas, sa hardin kung saan naglilibot ako para tingnan ang mga rosas na si mama mismo ang nagtanim.

Napaupo ako sa sahig.. sa may tabi ni mama.. nakahandusay sya dun sa dulo ng hagdan at walang malay..

Patuloy ang pag agos ng mga luha sa mga inosente kong mata habang paulit ulit kong tinatawag ang pangalan ni mama..

Inalog alog ko sya sa makakaya ng aking musmos na katawan.. pero hindi na nya minulat ang mata nya..

habang umiiyak ako ay napatingin ako sa taas.. at nakita ang isang babae.. nakangiti sya at para bang tuwang tuwa sa nakikita nya..

" Anak, eto si Veronica.. sya na ang magiging bagong mommy mo ngayon.. " sabi ni papa habang hawak ang kamay nung babae na nakita ko sa may hagdan nung araw na namatay si mama..

Muhing muhi ako sa babaeng yon.. kay Veronica.. binulag nya ang papa ko sa kanya.. kung makatingin ang papa ko sa kanya.. parang di nya minahal si mama..

parang sa pagkamatay ni mama ay sinama nya na rin ang pagkawala ng mga damdamin nito para sa kanya..

pinipilit kong maging masaya para kay papa.. pero hindi parin maalis ang muhi ko kay Veronica..

pakiramdam ko..

may masama syang balak..

" Ophelia.. maaring nung buhay pa ang tatay mo eh malaya kang nakakagalaw.. ngayong wala na sya.. ako na ang susundin mo.. naiintindihan mo ba? " sabi nya sakin habang nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko

Nung hindi ako umimik ay nagsimula siyang maglibot sa kwarto ko at sinara ang bintana.. tinanggal nya sa lamesa ko ang litrato ni mama at ni papa at tinapon ito..

nung mga panahon na yun gusto ko syang sunugin ng buhay sa hindi pagrespeto sa mga magulang ko..

pero..

hindi ko magawa..

" Hindi ka maaring lumabas ng kwartong ito. Ang pagkain mo ay dadalhin nalang dito. " sabi ni Veronica sabay kandado ng pintuan ko.

Para akong preso..

" Psst. " narinig kong sitsit sakin, pero di ko alam kung san nanggaling

napatingin ako sa bintana.. at nakita ang isang lalaking pagkakisig kisig..

nakatayo sya sa may maliit na terasa sa labas ng bintana ko..

nagulat ako.. kasi pano sya nakapasok dito..

kinatok nya pa ng kinatok ang bintana at sinenyasan ko syang wag maingay..

nilapitan ko sya sa may bintana..

" Sino ka? Anong ginagawa mo dito? " sabi ko sa kanya

" Ako si Nicolas. Nandito ako kasi wala akong magawa. " sabi nya sakin

" Hindi ka dapat nandito! " pagdidiin ko sa kanya

napangiwi sya..

" Ikaw rin.. di ka rin dapat nandito. Dapat nasa labas ka, nakikisalamuha. " sabi nya 

" Hindi ako pwedeng lumabas. Hindi ako maaaring lumabas. Pinagbawalan ako " mariin kong sabi sa lalaki sa labas ng bintana na tila may pinapaabot sakin

" Kahit kelan pwede mong labagin ang batas na pinataw sayo. Tao ka at may karapatan ka sa sarili mong buhay. Hanggang sa susunod, Ophelia. " sabi nya sakin sabay baba ng terasa.

Nagpaulit ulit ang mga huli nyang sinabi sakin..

dahil tama sya.

*end of flashback* 

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama. Hinila ko mula sa ilalim ng kama ang dalawang piraso ng papel na matagal ko nang tinatago..

ang litrato ng mama at papa ko..

narinig ko ang pagkatok sa bintana at nakita ko ang lalaking pamilyar na pamilyar na sakin..

si Nicolas..

ang lalaking nagmulat sakin sa lahat ng bagay..

ang lalaking tutulong saking tumakas..

ang lalaking gusto kong makasama sa habang buhay..

Nilapitan ko sya sa terasang maliit sa may bintana. Nang sumenyas na sya at nagsimula na akong tumakbo palabas ng kwarto.

Wala nang atrasan to..

abot kamay ko na ang kalayaan na minimithi ko..

sana lang di mali ang desisyon na ginawa ko..

-

Hellooooooo!~ YEHEY AFTER 1000000000000 YEARS NAKAPAG UPDATE DIN AKO! Nga pala, Jemilline hereeeeee. HAHAHA. Pagpasensyahan na hyper, maraming usok ang nahithit mula sa kandila eh. Happy 15k reads pati sa Time Machine! YAY! HAHAHA. Sana naenjoy nyo ang UD! Maraming maraming salamat sa patuloy na sumusuporta sa stories namin! 2 tao nalang ang ipapakilala at tapos na ang introductions! YEHEY! Malapit nang magsimula ang totoong kwento, kaya abangan nyo na!

Sana binabasa nyo mga author's note namin nuh? SANAAAAAA.

With love, Jemilline

In behalf of Eloise na crocodaaaaayl *O*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Time MachineWhere stories live. Discover now