CHAPTER 6

11 8 0
                                    

Shaina (POV)

Bago kami umalis ng resort kumain na muna kami at nag take out ng mga pagkain. Malayo layo pa naman ang byahe iidlip na muna ako sandali nakaka bagot din kasi. Pinaslak ko ang airphone at sumandal sa upuan. Okay na ito, iidlip lang ako.

Nang naramdaman ko ng sumasakit ang leeg ko, umupo na ako. Magkaka stiff neck ako nito. Sinilip ko ang likod walang throw pillow. Naramdaman niyang binagsak ko ang pwet ko sa upuan. Inaantok pa ako malayo parin kami.

"Walang throw pillow diyan." saad niya at nagpatuloy sa pagbabyahe.

Wala akung magawa kundi ang tumingin sa labas. Okay i felt relax now because of city lights. I think were almost here.

Nagpark siya sa tabi at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Ang gentelman naman. Ngumiti ako bago lumabas makakapagpahinga na ako sa wakas. Gabi na at I'm pretty sure nagpapahinga na ang iba.

"Salamat sa paghatid at sa pagsama saakin." sabi ko tsaka ngumiti. Tumango siya at pumasok na sa loob.
Kanina pa ito tahimik, anyare sa ulopong na ito. Bahala siya kung nagsisi siyang ako iyong pinasama niya.

Aalis na nga lang ako, para kasing ang pangit ng atmosphere dito. Gabi narin at kinakailangan ko ng magpahinga.
Tumalikod na ako at para makaalis bigla niyang hinawakan ang kamay ko at tumingin saakin ng bahagya tsaka tumingin sa kaliwa niya. Anyari dito inaantok na o ngugutom.

"Bakit?." tanong ko tsaka siya tinignan. Nag iwas siya ng tingin at kinagat ang ibabang labi nito. Ghaaaad ang hot niyang tingnan. Ako ba mismo ang nag alis ng kamay ko, dahil subrang higpit ng pagkakahawak niya. Di naman masakit but i felt something na kuryente na dumadaloy. Hays inaantok na siguro ako.
"Kung wala kang sasabihin, maari naba akung umalis. Inaantok narin kasi ako e." saad ko.

"Uhm, okay. Good night." saad niya at tinalikuran ako tsaka pumasok sa kotse niya. Anong nangyari duon, napakatahimik tapos bigla bigla magsasalita. Ako yung nabubuang ee!
Naglakad nako ako para makapagbihis. Palabas na ako ng elevator ng mapansin ko ang ibang empleyado ng may ari ng condong tinutuluyan ko ay nag-aayos or naglilinis sa gabing ito ng katapat kung condo. Baka pabigla bigla yung mag ookupa ng condo. Mabuti nga iyong may kasama ako sa palapag na ito.

Isinantabi ko na lang iyon at naglihis ng daan para makapasok na sa loob. Haaaaaaay. Im so tired gusto ko ng matulog pero malagkit ang pakiramdam ko. Kailangan kung mag half bath. Madaliang half bath ang ginawa dahil narin sa pagod ng byahe.

Nagising ako sa sunod sunod na tawag sa aking phone. Sinong pesting tatawag saakin ngayon. Inis kung sinagot ang tawag sa pagsagot palang ng taong tumawag saakin ay nabuhay ang aking pagkatao. Si papa ang tumatawag dinaman ako takot pero ayaw ko ring pagalitan.

*Hello pa?.* sagot ko sa tawag

*Naabala ko ba ang pagtulog mo Nichole.* sagot niya

*Di naman pa.*

*Hmmm. Okay kamusta ka diyan, nangangamusta kasi mama mo namimis kana raw niya.*

I missed them too, hope to see you soon pa.

*Okay naman po ako pa, paki sabi kay mama missed kuna rin po siya pati narin ikaw pa.* hays

*Okay anak, ibababa kuna at ng makapag ayos kana. Tatawag ako ulit tapos ng trabaho*

Nagpaalam na ako sakanya bago tumayo at ng makapagligpit ng higaan. Ang war freak kung matulog, inayos ko ng mabuti tsaka ako pumasok sa banyo at ng makapag sipilyo. Magluluto muna ako at maglilinis ng buong condo pagkatapos maliligo na ako.

Sinimulan kung linisin ang condo ko ng 7:05 natapos ako ng 12:00.
Ghaaaaad! Ganon naba karumi at kalakat nitong condo ko. Wala talaga akung pinagbago pagdating sa mga kagamitan ko. Maliligo na ako, gusto kung manuod ng sine. Itetext ko si Ann maya tapos kung maligo. Namiss ko rin yung boses mandirigma niya.

I text her already sabi niya sa coffee shop malapit sa condo ko kami magkikita. Lagi kaming tumatambay duon pagka weekend masarap kasi yung desert tsaka coffee nila.

Papunta na ako at nakita kung naka upo na si Ann sa likod banda. She likes to take a picture kung may magandang background. I wave my hand at her.

"Ann, dika pa nag order?." tanong ko at naupo.

"Hinintay pa kita, para sabay tayo." sagot niya tsaka tumayo. "Ganon parin diba?." saad niya tumango ako dahil alam ko kung ano sinasabi niya. Our favorite coffee and cake.

Kukunti lang ang tao, kaya nakabalik siya agad dala dala ang order namin.
I miss this, dark chocolate cake sakanya cheesecake naman saakin. Caffuchino parehas coffee namin.

"Na miss ko to Sha." saad niya habang nilalantakan ang pagkain niya. "By the way tapos natin dito saan tayo?." tanong niya. Ngumiti ako dahil gustong gusto kung manuod ng sine ngayon. Trip ko lang gusto ko sana horror pero baka ayaw ni Ann.

"Manunuod tayo ng sine Ann. Horror sana kung meron." sagot ko at nilantakan narin ang aking pagkain.
Tumango tango siya, ngunit ngumiwi sa tanong kung horror yung panunuorin namin. I'm sure ayaw nito, matatakutin itong bruhildang ito.

"Pwedi mag suggest, huwag nang horror. Hays di ako makakatulog. Jusko Sha mapapanaginipan ko yan! Please lang kahit action na lang okay na ako." mahabang litanya niya. Hays napaka duwag.

"Pero kung saka sakaling sumama si Ckarl dika matatakot?." saad ko tsaka siya ngumiti. Ghaaaad inlove ang bruhilda.

"Sha, jusko bakit ako matatakot my night in shining armour na ako." sagot niya at tumawa. Lukaret talaga.

"Ewan ko sayo, tapos kana?." saad ko tsaka nag punas at tumayo. Tumayo na siya at nauna pang naglakad. Iniwan ba naman ako.
"Hintayin mo nga ako. Bakit nagmamadali ka?." tanong ko. Humarap siya saakin then a big smile plastered on her lips. Wat da! Napano ito. Sinaniban. Juskoooooooooo!

"Sha, malay mo manunuod siya ngayon ng sine. Diba destiny magkikita kami." sagot niya at pumalakpak. Nagtungo na kaming parking lot ganon parin reaksyon niya. Ang babaw ng kaligayahan.

Nagtaxi lang ako kanina dahil sabi niya she will drive me home daw. Kaya sinunod ko, sayang ang gas. HAHAHAHAHAHAHA.

Pagdating namin ng mall, palinga linga itong babaeng to. Ako yung nahihiya sakanya. Nakakahiya super. Kahit gaano pa ako kasanay na ganito ka ingay si Ann a part of still feel kahiyaan. "Ann, diretso na kaya tayo sa sinehan. Sino ba kasing hinahanap mo?." tanong ko dahil pati ako napapalinga narin.

"Hinahanap ko si Ckarl, malay mo manunuod sila ng sine ngayon. Eh di destiny na." sagot niya at hinila ako papunta bilihan ng ticket. Siya na mismo nagbayad lahat pati pagkain namin. "Lakas talaga ng pakiramdam ko na manunuod yun Sha." dugtong niya at naupo na. Dipa nagsisimula ang panunuorin namin. Naupo ako banda sa kanan niya dahil malapit sa daanan.

"Ann, mag si-cr muna ako. Kanina pa ito ee." saad ko, tumango siya at humagikgik. "Bakit ka tumatawa?." tanong ko parang tanga.

"Bilisan mo Sha, baka tae nayan." sagot niya dina napigilan tumawa na talaga. Kumaripas ako paalis baka madamay ako kung papagalitan siya ng nanunuod. Lukaret na babae. Pagpasok ko ng cr di lang ako ang naruon may ibang girls na naghuhugas. Pumasok ako sa pinaka dulong cubicle. Magsasalamin sana ako pero may nakita akung familliar na lalaking nakatayo sa labas. Ghooosssh! Bakit andito ito. Pag nakita ito ni Ann sure akung susugurin niya ito.

Kilala ako ni Ckarl, kaya yumuko ako habang naglalakad pabalik. Kaya pala yung babaeng naghuhugas ng kamay yung hinihintay niya. Infairness maganda pero mas matangkad kunti itong babae kaysa kay Ann. Diko na masyadong tiningnan dahil baka mahalata pa ako.

Pagkabalik ko sa upuan namin napansin kung nagsisimula na pala ang palabas at tutok na tutok itong si Ann. Kumain na lang ako ng popcorn, diko gusto yung palabas. Tumingin tingin ako sa paligid nahagip ng mata kung nasa likod lang pala namin sila Ckarl tsaka yung babaeng kasama niya. Oh no!

Sana di titingin itong kasama ko sa likod. Tumingin na lang ulit ako sa harap kasi biglang tumingin saakin yung babae. Diko sure kung ngumiti ba or ngumiwi. Basta may smile ganon. Narinig kung nag-usap sila ni Ckarl. Napansin ko sa gilid ng mata ko na nakatingin silang dalawa saakin. Ghaaaaaad!

Just Once (On-Going) Where stories live. Discover now