Chapter 16

1.9K 97 11
                                    

"Would you recognize love if it never wore the same face?"

— Another Day, David Levithan


"Ano ang ating pag-uusapan?" nakangiti kong salubong sa kaniya nang makalayo kami.

Rinig ko ang malakas niyang pagbuntong-hininga sa aking harapan. Seryoso siyang tumingin sa akin.

Sinusuri ang aking kalagayan.

"Damn," mura niya. Napatiim bagang siya habang nakatingin sa akin.

"Tobias... he's—" Natatawa ko siyang hinampas sa balikat.

"Oo, alam ko. Alam ko, kaya tulungan mo akong makabalik sa kanila. I know that he's worried about me," nakangiti kong saad.

Tobias... so damn protective.

Malakas siyang napamura. Mariin siyang napapikit at tumingin muli sa akin.

"I'll help you... but you need to change first," saad niya. Hindi ko pinansin ang kaniyang matang nakatingin sa akin na punong-puno ng iba't-ibang emosyon.

Fear? Pity? Anger? What for?


"I'm fresh na!" natutuwa kong saad. Umayos ng pagkakatayo si Lucas at tumingin sa aking kabuoan.

"My Luna's clothes suits you," aniya.

Napangisi ako sa kaniyang turan at kinurot ang kaniyang tagiliran. "Ikaw ha, may pa 'my Luna' ka pa, kaya pala nawala ka ng dalawang linggo dahil sa luna mo," hagikhik ko.

Napakamot siya ng ulo at hilaw na ngumisi. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nag-aasaran.

Nang makapunta sa bungad ng gubat ay agad siyang nagseryoso. Nag-anyo siyang lobo at tumingin sa akin.

Nakuha ko na agad ang kaniyang gustong iparating at pumasan sa kaniyang mabalahibong likod.

Humigpit ang aking pagkakayakap sa kaniya nang magsimula na siyang tumakbo. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa hangin na humahampas sa aking mukha. Gumuhit ang isang malungkot ngunit sinserong ngiti sa aking labi.

I'm coming home, Tobias...


"We're here," ani Lucas.

Agad naman akong bumaba sa aking pagkakasampa sa kaniya. The familiar gate welcomed me.

I smiled. I was about to open the gate when I felt Lucas' hand on my shoulder. "Are you sure about this? P'wede namang sa susunod na araw ka nalang bumalik. Tobias seems busy..." aniya.

Pabiro ko siyang inirapan. "Baka busy sa paghahanap sa 'kin?" biro ko. Ngunit seryoso lamang siyang nakatitig sa akin.

Nawala ang aking pagkakangiti at seryoso siyang tiningnan. "Tell me, Lucas. What's your problem? Kanina ko pa napapansin na hindi ka komportable, tell me what happened?" mahaba kong litanya at pinagkrus ang aking braso.

Mariin siyang napapikit sa aking turan. Maya-maya'y malakas siyang napabuntong-hininga.

"You won't believe me..." he answered. Making my eyebrow raised.

"Tell me," mariin kong saad.

Ilang beses siyang napalunok at iminulat ang kaniyang mata para titigan ako sa aking mata.

"There's a girl who looks exactly like you."


"W-What?" hindi makapaniwala kong saad. He sighed. My toes weakened when I heard the next thing he said.

"That's why Tobias never came to find you... he isn't looking for you because he's with the girl who looked like you, he fucking thought it's you..." paliwanag niya. Tuluyan nang nanghina ang aking paa sa narinig dahilan para dumausdos ako sa maruming sahig.

Beyond the Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon